CHAPTER 9 (Opportunities)

1 1 0
                                    

(Cring, Cring, Cring)

Nagsimula ng mag-alarm sa buong room nina Melody at Arthur. Agad naman silang bumangon para gawin ang kaniya kaniya nilang morning rituals.

Kagaya nga ng napag-usapan ay hinintay na muna nila ang mommy ni Arthur bago pumasok, maaga pa naman kaya hindi pa sila mali-late sa pagpasok.

Ilang minuto lang ay dumating na rin ang mommy ni Arthur.

ART: Mom!

Sinalubong naman niya ito ng mahigpit na yakap.

Mommy Emily: Son, where is she?
ART: Nasa room po, nahreready para sa pagpasok.
Mommy Emily: Can I talk to her?
ART: Sure mom, halika.

Tinungo ng mag-ina ang kwarto na tinutuluyan nila ni Melody upang ipakilala ang kaniyang ina dito.

Art: Bes, mommy ko nga pala, mom, it's my bestfriend Mel.
Mel: Good morning po ma'am.
Mommy Emily: Finally I meet you.
Mel: Po?

Bigla naman naguluhan si Melody dahil hindi niya inaasahan ang ganoong magiging response ng magulang ng kaniyang dorm mate. Maging si Arthur ay nagulat sa sinabi ng mommy niya.

Art: Mommy!!
Mommy Emily: What?! Btw, Mel right?
Mel: Yes po ma'am.
Mommy Emily: Just call me tita.
Mel: Po? Nakakahiya naman po.
Mommy Emily: Don't be, lahat ng kaibigan ng anak ko tita ang tawag sa akin, kaya don't be shy. Right son?
Art: Yeah.
Mommy Emily: Can we talk, privately, Mel.
Mel: Sure po.
Mommy Emily: Son can you excuse us for a while.
Art: Okay.
Mommy Emily: Btw, get the laptop in the car, I forgot to bring it here, nandoon naman si manong.

Pagkaalis na pagkaalis ni Arthur ay nag-usap naman sila agad.

Mommy Emily: Can I sit here?
Mel: Oo naman po.
Mommy Emily: Thank you.
Mel: Po?
Mommy Emily: I said thank you.
Mel: Thank you po saan? Wala naman po akong ginagawa.
Mommy Emily: Thank you for making my son happy everyday.
Mel: Ilang araw pa lang po kaming magkakilala at hindi ko po lubos akalain na masaya pala siya at nakilala niya ako. Ang totoo po niyan siya po lagi ang nagpapasaya sa akin, kaya ako po dapat ang mag thank you, ang dami niya na pong naitulong sakin.
Mommy Emily: Hindi mo man mapansin na masaya siya but I feel it. After those tragedy, ngayon lang ulit siya ngumiti ng totoo, yung alam mong hindi pilit.
Mel: Hindi ko po alam.
Mommy Emily: Now you know.
Mel: Hmm.
Mommy Emily: No offense but are you a commoner?
Mel: Ahh, ehh opo, mahirap lang po kami, pero ma'am, ay tita po pala, hindi ko po ginagamit ang anak niyo para magkapera, siya po ang may gusto na ilibre ako saka po yung laptop, hindi ko po yun hiningi sa kaniya.
Mommy Emily: Hahaha, nakakatuwa ka naman, ang daldal mo pala, hindi naman ako galit sa kung ano ang ginawa ng anak ko ngayon, actually I'm happy. He's living now alone and trying to be independent, lumayo siya sa mga kaibigan niya, nagseparate siya sa amin. It was the 1st time and happy ako sa kung ano siya ngayon.
Mel: Ahh, ganun po ba.
Mommy Emily: Yes, at hindi kita minamaliit dahil sa isa kang commoner, actually galing din ako sa ganiyan at I'm here to motivate you, laban lang sa buhay, wag kang mapapagod.
Mel: Opo, na realize ko po kasi na maraming tao ang umaasa sakin, kaya kakayanin ko po.
Mommy Emily: Hindi lang Yun, gawin mo, kasi may tiwala ka sa sarili mo na kaya mo.
Mel: Opo tita.
Mommy Emily: Fighting!
Mel: Fighting!
Mommy Emily: Balita ko magaling ka daw in terms of academics.
Mel: Naku, hindi naman po, masipag lang mag-aral.
Mommy Emily: Maganda yan, ipagpatuloy mo lang ang ganiyang gawain.
Mel: Opo.
Mommy Emily: Btw, open ang company namin para sa scholarship ng mga college students and if you want, you can apply, just give me the papers that are needed and go to our company building, alam yun ni Art, kaya magpasama ka sa kaniya.
Mel: Totoo po ba yang mga sinasabi ninyo?
Mommy Emily: Yes, totoo lahat ng iyon, malaki ang maitutulong sayo ng scholarship na yun pag nagkataon.
Mel: Opo, bukas pa ba yan kapag weekends?
Mommy Emily: Yes, we are open everyday.
Mel: Sige po pupunta po ako.
Mommy Emily: Ok! I'll go a head na rin at baka malate na kayo.

Hinatid na ni Melody ang mommy ni Arthur sa may labasan at nakita niya naman si Arthur na naghihintay sa may sasakyan ng kaniyang mommy.

Art: Ang tagal niyo naman pong lumabas, ano po bang pinag-usapan niyo?
Mommy Emily: Girls talk, sabay na kayo sa akin, hatid ko na kayo sa campus niyo.
Art: Sige po, halika na Bes.
Mel: Hmm, sige.

Hinatid na nga sila ng mommy ni Arthur sa campus nila.

Mommy Emily: Were here, mag-ingat kayo.
Mel: Opo, maraming salamat po ulit.
Mommy Emily: No problem.
Mel: Hmm...
Art: May secrets na kayo ha, bye mom.

Agad rin naman silang nagpaalam at pumasok na sa campus.














UNEXPECTED LOVE FROM STRANGERWhere stories live. Discover now