TRICKED PART 3

30 6 2
                                    





I lay on the floor. Head resting upon my straightened arm. I am drained.

Ang akala ko'y panaginip lang ang lahat, akala ko'y hindi totoo ang mga bampira. Sa halip na matakot ay napangiti na lamang ako. Hindi ko alam kung ba't gan'to ako. Matamlay ang aking katawan, nararamdaman ko na ang init ng araw. Narito ako ngayon sa may balkonahe.

Dito niya ako iniwan kagabi. Pilit akong tumayo. Napansin ko ang nakasulat sa aking palapulsuhan gamit ang dugo. 'RHYS'.

"His name was Rhys," Mahinang bulong ko sa sarili.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bed side table. I was about to call Archee para sabihin ang mga nangyayari sa kanya. Naguguluhan ako, marami katanungan ang pumapasok sa aking isipan. Bakit ako? Ano ang meron sa'kin?

Nakailang Ring muna ako bago sinagot ni Archee ang tawag.

"Archee I have---" 

"I'm so sorry Jessica.. I have an emergency right now I can't entertain you. Sorry." Taranta ang boses nito kaya hindi ko na pinilit. Ibinaba ko na ang telepono.

Humiga na lamang ako sa higaan ko. Paulit-ulit na nagrereplay sa isip ko ang mga pangyayari. Si Rhys.. ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari.

Napaidlip ulit ako. Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa sobrang pagod at nananamlay ako.

"Ryland!!" Sigaw ni Mama.

Nagkakagulo ang lahat sa Bayan namin. Mahigpit ang hawak ni Mama sa kamay ko.

"Jessica.. maging matapang ka anak, ilalayo ka namin ng Papa mo sa bayang ito," Kita ko ang takot sa mga mata ni Mama. 

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat, "ikaw ang nais nila.. ayoko na sumunod ka sa kapatid mo, ginagawa namin 'to para sa'yo."

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking mga luha. Patuloy parin nagkakagulo ang mga tao. Mas dumarami ang apoy sa paligid dahil sa mga nasunog na bahay. Ang alam ko'y inatake kami ng kakaibang nilalang. 'Yon ang sabi sa akin ni Mama.

"Amora!! Isakay mo na si Jessica para maka-alis na siya!" Pilit na pinaghihiwalay ni Papa ang kamay namin ni Mama.

"Papa... Mama!" Wala akong magawa bata pa ako at hindi ko kayang suwayin sila.

"Para sa'yo rin ang ginagawa namin anak! Mahal ka namin!" Sigaw ni Papa.

Umandar na ang bankang sinasakyan namin. Nagtago na ako sa malaking kumot gaya ng saad sa akin ni Mama. Kita ko sa maliit na butas ng kumot na ito ang aking mga magulang.

Inilabas ni Papa ang kanyang baril at itinutok ito sa lalaki kaharap nila.

"Tigilan muna kami! Ibinigay ko na ang aking anak! Wala ka nang makukuha sa'kin kaya lumayas na kay---" Nanlaki ang mga mata ko ng makitang kinuha ng lalaki ang puso ni Papa gamit lang ang kamay niya, gano'n din ang ginawa niya sa Mama ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari naguunahan ng tumulo ang malalaking butil ng luha sa pisngi ko. Ibinigay nila Papa si Ate para maligtas ako sa kamay ng lalaking 'yon. Hindi ko alam kung ba't gusto nila akong hulihin. Gusto kong ipaghiganti ang pamilya ko pero paano? Paano ko sila ipaghihiganti.

Napabalikwas ako ng bangon, hinihingal at pawisan. Napanaginipan ko na naman ang masalimuot kong nakaraan kung ba't wala akong pamilyang kasama ngayon, kung bakit nag-iisa ako. Naalala ko na naman kung paano pinatay ng lalaking 'yon ang mga magulang ko. Napaiyak na lamang ako sa nakaraan ko hanggang ngayon hindi ko parin malaman ang mga sagot sa katanungan ko hindi ko pa maipaghiganti ang pamilya ko. 

Lumakas ang hangin sa labas kaya't natatangay ang aking kurtina. Sinulyapan ko ang orasan na nasa bedside table ko. 5:30 na pala. Matamlay man ay pilit ko pa ring bumaba sa higaan at kumain. Wala akong ganang kumain pero kailangan para mabalik ang lakas ko.

Tahimik akong kumakain. Naglalaro sa aking isipan ang mga katanongan at mga pangyayari. 

Babalik na naman si Rhys ngayon gusto kung lakasan ang loob ko, gusto ko itanong kung bakit ako? Ano ba talaga ang pakay niya sa akin.

*

Isang linggo na ang nakalipas ngunit walang Rhys akong nakita. Unti-unti na rin akong bumabalik sa dati, hanggang ngayon si Archee hindi ko pa rin maka-usap nalaman kong nasa hospital ang kanyang lola at malala na ang sakit nito.

Narito ako ngayon sa balkonahe, umaasa pa rin darating siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Isa siya bampira na dapat kong katakutan ngunitsa t'wing malapit ako sa kanya nawawala ang takot ko.

Nanatiling nakatingin ang aking mga mata sa mga bituin. Kung buhay lang ang pamilya ko nabigyan ko na sana sila ng magandang buhay. Masaya siguro kami ngayon.

May narinig akong mahinang pagtapik sa loob ng kwarto. Impossible naman kung orasan ito dahil naririnig hanggang sa balkonahe. Dahan-dahan akong lumapit papunta sa aking kwarto. May naaninag akong isang tao. Baka si Rhys na ito.

"Rhys," saad ko ngunit wala itong tugon nanatili ito sa madilim na parte ng aking kwarto, nakapatay ang ilaw kaya madilim sa loob tanging liwanag ng buwan na lang ang nagbibigay kaunting ilaw dito.

"Rhys bakit ngayon ka lang? Marami akong gustong itanong sa'yo? Kung bakit hindi mo pa ako pinapatay? Ano bang meron sa aki---" Napahinto ako sa aking sasabihin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang taong pumatay sa mga magulang ko.

"Hmm magaling nga naman si Rhys," saad nito at unti-unting lumapit sa akin.

"A-Ano pinagsasabi mo?" Kinakabahan na ako pero pilit ko paring pinapalakas ang loob ko.

Huminto ito sa harapan. Tinitigan niya ako, malalamig ang mga pula nitong mata. Ilang segundo lamang umiwas ito ng tingin at naglakad patungo sa balkonahe.

"My Son is not  useless after all," saad nito.

Naghahalo-halo ang aking emosyon ngayon, tama ang dinig ko anak niya si Rhys. Nilinlang ako ng mag Ama.

Lumingon ito sa akin.

""Napakaswerte ko nga naman pala sa anak ko."

"H-Huwag kang lalapit!" 

Hindi ito nakinig. Mas lalong bumilis ang lakad nito, hindi ko napansing nasa harapan na siya. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at walang awang kinagat ako sa leeg.

"Ahhh!!" Sigaw ko. Namimilipt ako sa sobrang sakit. Ang daming dugo ang tumulo, nanghihina na ako, hindi ko na kaya. Bago pa man ako mawalan ng malay, nakita ko ang taong akala ko ay hindi ako sasaktan. The man who tricked me, the man I gave my blood once more. He's just looking at me with his cold eyes. The man I love was just looking at me while his dad is killing me little by little. I closed my eyes as I felt my damn tears rolled down my cheeks. For the last time I opened my eyes, hoping that he will stop his dad. I have the courage to smile at him, but my hope suddenly fell when he turn his back and started walking towards the door of my room. Away from me.

•••

A/N

Hello guys! Hehe another update!

Hope your enjoying my stories, by the time my schedule is not that hectic na I'll be rivising all of my oneshots. Marami ng Typos and cringe scene hehe. Just want to inform you :>


-MsFlaneur-

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon