Love In Every Dusk

793 34 4
                                    

:>

Ramdam ko ang lamig ng hangin na sumasampal sa 'king mukha. Malapit na ako sa bahay nila lola, napag-isipan kong bisitahin siya tutal wala pa namang pasukan.

"Manong para po!" Sigaw ko sa driver ng Jeep nasa hulihan kasi ako at baka hindi niya na naman marinig at lumagpas ako.

Hininto niya ang Jeep sa tinuro kong lugar at ini-abot ang bayad. Pagkababa ko ng Jeep ay si Lola Pascualita agad ang bumungad sa 'kin.

Nilapitan ko si lola at niyakap ng mahigpit.

"Namiss kita lola," saad ko.

"Namiss din kita Apo.. O s'ya halika na may inihanda akong hapunan para sa 'yo." 

Tiningnan ko ang pangbisig na relo, 4:25 PM na pala at palubog na ang araw. Sinundan ko na ang lola ko papunta sa bahay. 

Gano'n pa rin pala walang pinagbago, maaga pa rin kaming kumakain, nasanay kasi ako sa syudad na late nang kumakain.

"Halika ka na apo, kumain na tayo." Pagyaya sa 'kin ng lola ko.

"Wala talagang pinagbago lola, maaga pa rin tayong kumakain." 

"Sinanay kasi ako ng lolo mo," aniya at tumingin sa 'kin, "pagsapit ng takip-silim dapat tapos na akong kumain." Inabotan niya ako ng pinggan.

Hindi ko nakita ang lolo ko, ang sabi ng nanay ko ay maaga siyang namatay dahil sa sakit.

"Bakit po lola?" tanong ko habang kumakain, alam kong masamang magsalita kapag kumakain na, pero naku-curious ako.

"Dahil..." Umayos ito ng upo at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa, "t'wing takip-silim, masaya ako at d'yan ko lang din nararamdaman ang Pagmamahal niya." Mas lalo akong nalito sa sinabi ni lola.

"Po?"

"Basta Apo malalaman mo rin 'yan sa tamang panahon, kumain ka na r'yan." Tumayo na si lola at nagtungong kusina, kung 'di sana ako nagtanong 'di rin sana ako nalilito ngayon hayst.

Pagkatapos kong kumain at hugasan ang mga plato ay lumabas ako ng bahay. Nalalanghap ko ang sariwang hangin ng Probinsya.

Naglakad-lakad ako malapit sa 'min wala kaming masyadong kapit-bahay, malalayo ang agwat ng mga bahay dito.

Sa aking paglalakad ay may nakita akong malaking puno. Lumapit ako dito, napakagandang puno naman nito.

Nakita ko sa likod nitong puno ang isang duyan na kahoy ang upuan, dali-dali akong lumapit dito at sumakay.

Ngayon ko lang nalaman na may malaki at magandang puno pala malapit sa bahay ni Lola at may duyan pa.

Itunulak ko ang sarili ko para gumalaw ang duyan. Ang ganda ng tanawin dito kitang-kita mo ang paglubog ng araw, tahimik na paligid at masarap na simoy ng hangin.

"Hep! hep! hep!" Nagulat ako dahil sa boses na 'yon na nanggagaling sa itaas nitong puno.

"Sinong nagsabing p'wede ka sa duyan na 'yan?" Tanong niya at bigla na lamang itong tumalon pababa na ikinagulat ko naman.

"Uhhmm ahhh," Tangi kong naisagot.

Lumapit ito sa'kin at tinitigan ako. 

"Hmm." 

"Pasensya na po h-hindi na mauulit," saad ko at paalis na sana ng hawakan niya ang pala-pulsohan ko at hilain ako papunta sa kan'ya.

"Paano mo nakita ang Puno na 'to?" Nagtataka ang kanyang mga mukhang nagtanong sa 'kin.

"Ahh ehh.. nakita ko lang po naglalakad lang po ako kanina s-sorry po hindi na po mauulit." 

Tumawa lang ito nang malakas, na nag painis sa'kin.

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon