Tula

58 10 4
                                    


Mga ngiti mo'y kay sarap
Pagmasdan,
Masakit para sa 'kin kasi hindi naman
Ako ang dahilan,
Mga ngiting kasing liwanag ng buwan.

Kalangitan, siya ang saksi
Kung gaano kita kamahal.
Siya din ang saksi kung gaano
Ako nasaktan,
Habang nakikita ko kayong
Masayang nagmamahalan.

Alam mo bang ipinagdarasal ko
Ang kanyang posisyon?
Hinanapan ko ito ng solusyun,
Ngunit naisip kong hindi ko pala
Kayang manira ng relasyon.

Mahirap sa 'kin na pagmasdan ka
Sa malayo,
Gusto kitang lapitan
Sa t'wing malungkot ka't kailangan mo
Ng suyo.

Ngunit sino nga ba ako,
Para suyoin ka?
Oo mahal kita,
Pero nirerespeto ko kayong dalawa.

Mamahalin na lang kita
Sa malayuan.
Masakit man pero ok lang,
Ayokong masaktan
Ang matalik kong kaibigan.

•••

Huhuness nagtry lang ho ako magtula HAHAHAHA

Ayos ba?

#POETICSWANNABEE

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon