Telepono

204 14 0
                                    

:>

Takbo ako nang takbo at hindi ko na alam kung saang direksyon ako patungo, basta't alam ko lang ay papatayin niya ako, ngunit mabilis siya at naabutan niya parin ako. Sinabunutan niya ako at pinaharap sa kanya. Nakita ko ang matulis na kutsilyo nahawak-hawak niya, at itinarak ito sa noo ko.


Humahangos na napatayo ako sa pagkakahiga at sinapo ang aking noo. Akala ko'y totoo na ang lahat. Tagaktak ang pawis at nanunuyo na ang aking lalamunan.

Umalis ako sa 'king higaan upang kumaha ng tubig sa kusina. Napadaan ako sa kwarto ni mama at nakita ko itong bukas.

"Nakalimutan na naman ata ni mama na isara ang kanyang pinto.. tsk."

isinara ko pinto nito.

Nang makarating sa kusina, agad akong kumaha ng tubig at uminom. Maya-maya lang ay narinig kong tumunog ang telepono.

"At sino naman ang tatawag sa dis-oras ng gabi," Mahina kong sambit, napakatahimik kasi at baka makabulabog ako ng mga natutulog, magkakalapit pa naman ang mga bahay.

Lumapit ako kung saan naroon ang telepono. Kinuha ko ito at nilapit sa tenga ko.

"Hello, sino 'to?" Sagot ko sa kabilang linya.

Matagal bago ito nakapagsalita.

"Anak... ba't gising kapa?" Nagulat ako dahil boses iyon ni mama.

"Ma?! nasaan ka ba? Alam mo bang alas tres na ng madaling araw? Akala ko ba matutulog ka ng maa-"

"Anak, sino ang kausap mo sa Telepono?"

Nagulat ako at napalingon sa may CR kung nasaan si mama. Kalalabas pa lang nito sa banyo.

Tinitigan ko ang Telepono. Nanginginig at nanlalamig na ang aking mga kamay kasabay ng pangangatog ng aking tuhod. Samo't-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Tama naman ang aking pandinig, Boses nga ni mama ang narinig ko sa Telepono. Ibinalik ko ito sa aking tenga at laking gulat ko ng marinig na naman ang boses ni mama. Mas natakot ako sa sinabi nitong;

"Sa noo pa lang 'yon anak... 'di pa tayo tapos."


:>

A/N:

Idk if this scares you guys */ chuckles; but i hope you feel a little frighten. Im not that good in writing thriller but ill strive harder to learn and serve you what you deserve.

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon