Sibylline Room

141 12 1
                                    

:>

I rented an apartment  from a friend of mine. Aalis na kasi siya papuntang Amerika. I offered to rent it, kasi malapit lang din naman sa trabaho ko.  

"Kuya, pakilagay na lang po ng mga boxes do'n sa malapit sa T.V," sabi ko kay kuya at tinuro ang way papunta sa may T.V.

Kalilipat ko pa lang ngayong araw sa apartment na ito. Hindi naman kalakihan ang apartment, tama at kasya lang ang dalawang tao. May munting kusina, may sala at balcony.

Isinara ko na ang pinto pagkalabas ni kuya.
Nagtungo na ako sa sala upang simulan na ang paglilinis.

Gabi na ng matapos ko ang trabaho ko sa apartment na ito, hindi na ako nakapagluto dahil sa pagod kaya't nagpadeliver na lang ako ng pagkain. Pumasok ako sa kwarto upang magpalit ng damit at bumalik din sa sala. Ini-on ko ang T.V at umupo sa sofa habang hinihintay ang aking pagkain.

Habang nanonood nakakarinig ako ng boses mula sa kapit-bahay ko. Kumakanta ito na hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi, mukha itong nagreretwal na ewan. 

Habang patagal nang patagal ay palakas nang palakas naman ang boses nito. Tumayo ako para puntahan ito, she needs to keep it down, nakakabulabog na siya ng iba. 

Malapit na ako sa pintuan ko pero bigla na lang nawala ang ingay at may kumatok sa pinto. Dali-dali ko itong binuksan, akala ko ay ang babae ito sa kabila, ngunit ang delivery boy lang pala.

"Ah ma'am ito na po." Ini-abot nito sa'kin ang pag-kain.

"Saglit lang kukunin ko lang ang pera."

Bumalik ako sa sala para kunin ang pera ko na nasa center table at dali-daling bumalik kay kuya. Ini-abot ko sa kanya ang bayad at sinarado na ang pinto.

Nang gabing 'yon ay akala ko titigil na ang ingay sa kabila. Ngunit bumalik na naman ito, hindi na ito kumakanta kundi ay nagsasalita ito na parang may kausap pero malakas ang boses. Tinakpan ko na lang ng unan ang ulo ko at pinilit kong makatulog. Bukas na bukas din ay pupuntahan ko ito.

Tanghali na nang magising ako, anong oras na rin kasi akong nakatulog kagabi. Bumangon na ako at nagtungo sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay inihanda ko na ang agahan ko. Naalala ko ang babae kagabi, ang strange ng boses niya kasi para itong nagreretwal.

Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwartong 'to. Pupuntahan ko na ang babae, baka mamayang gabi, mag-iingay na naman siya.

Kinatok ko ang pintuan ng kapit-bahay ko, walang sumagot kaya sinubukan ko ulit. Sa pagkakataong ito ay bumukas din ang pinto. Sumilip ang isang babae, medyo may kaliitan ito at nasa edad 50's na.

Nakatitig lang ito sa 'kin. Sumilip ako ng kaunti sa silid niya. Madilim ito, tanging liwanag na lang sa bintana ang nagpapa-ilaw nito. Binalik ko na ang tingin ko sa babae at nagulat ako dahil nakangiti ito sa 'kin, nakakapanindig balahibo ang ngiti nito, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

"Ah ang ingay niyo po kasi kagabi," saad ko. "hindi po ako makatulog sa ingay.. can you please keep it down, nakakabulabog po kasi kayo."

Maingat kong sinabi sa kanya ngunit sinaraduhan niya lamang ako ng pintuan. Kinatok ko ito ulit pero wala ng nag bukas.

Bumalik na lang ako sa silid ko, tingin ko kahit kumatok ako ng ilang beses hindi na siya magbubukas. Ang weird ng babaeng ito.

Nagpunta akong balcony para magpahangin. Naisipan ko ding tawagan ang kaibigan ko, kung ano ba talaga ang meron sa kapit-bahay ko dito.

Nakailang ring muna ako bago niya ito sinagot.

"Hello, Stacey can I ask---"

Hindi ko na matapos ang pakikipag-usap ko kay Stacey, narinig ko ang pagbukas ng T.V at dali-dali akong pumunta ng sala para silipin kung sino iyon.

Laking gulat ko ng makita ko ang babae, nanonood ito ng T.V. Nilapitan ko ito, ngunit napahinto rin, dahil tumitig ito sa 'kin. Nakakapangilabot ang titig nito na para bang possessed ito.

Bigla itong tumayo pero nanatili ang pagkakatitig nito sa 'kin.

"You forgot to lock your door, dear," sambit niya sa nakakapangilabot na tono.

Hindi na ako nakapagsalita dahil kumaripas din ito ng takbo sa apartment ko. Natatakot man ay sinubukan ko pa ring lumabas at sumilip sa pintuan. Nakita kong sarado ang pintuan ng babae kaya't lumabas na ako ng tuluyan.

Nag punta ako sa isa ko pang kapit-bahay upang itanong kung ano nga ba ang babaeng iyon.

Kinatok ko ang pinto at bumukas naman agad ito. 

"Ano kailangan mo iha?" tanong ng isang lalaki sa'kin medyo may ka-edaran na din.

"Sino po ba ang babaeng nakatira malapit sa room ko," saad ko at nanginginig pa rin ang kamay ko sa takot. "Pumasok po siya sa apartment ko ng hindi ko alam nakakatakot ang kanyang itsura at pananalit—"

"Iha, wala na ang nakatira d'yan,"

"Namatay na si Ma'am Isabelle, brutal siyang pinatay sa loob ng apartment niya."

Dahil sa sinabi ng Mama naging pala-isipan sa'kin kung sino ang babae ang kumanta at pumasok sa silid ko.
 

:>

A/N:

Another thriller huhuhu i rlly dk if it scares you... you can comment your opinions abt how i would write thrillers i also accept criticism :>

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon