Antagonist's Dream

411 18 3
                                    

:>

Kanina pa ako naghihintay sa gilid ng kalsada dito sa tapat ng school namin. Tinext ko si Kurt kung darating pa ba siya, pagabi na kasi at halos kaunti na lang ang mga Estudyanteng nakikita ko.

"Ang tagal mo naman kurt, asan ka na ba kasi," Singhal ko ng sagutin nito ang tawag. 

"Uhm... na traffic kasi ako Sammy saka may binalikan ako sa school." Paliwanag niya.

"Sige sige bilisan mo ha? natatakot na ako," sabi ko sa kabilang linya habang tumitingin sa dumaraang mga sasakyan nagbabakasakaling si Kurt na iyon.

Tatlong buwan na ang nakakaraan nang sinagot ko ang bestfriend kong si Kurt, wala akong balak na maging Boyfriend ito dahil ayaw kong mawalan ng kaibigan ngunit hindi ko rin kinaya naging marupok pa rin ako kay Kurt, alam na alam na kasi nito ang lahat sa 'kin maliban na lang sa tinatago kong sakit sa puso ayaw ko itong ipaalam kay Kurt dahil alam niyang mag aalala lang ito sa kanya at ayaw niyang mangyari yun baka mas lalong mahirapan siya sa pag-aaral. 

Nagulat siya ng may humintong sasakyan sa harap niya at sumilip dun si Kurt.
"Heyy Sammy," sabi nito habang bumababa ng sasakyan at lumapit sa kanya. 

Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil sabay halik sa noo niya.
"Pasensya kana kung natagalan ako.. naiwan ko kasi yung USB ko kay Blake eh wala siyang dalang sasakyan kaya pinuntahan ko na lang ulit siya sa school sorry," sabi nito habang tinititigan siya sa mga mata.

Napaka swerte pala niya kay Kurt maliban sa sweet, mabait din ito at thoughtful. Walang araw na hindi siya nito tinatanong kung kumain na ba siya o kung ok lang ba siya, napakaswerte ko talaga sa kanya. 

Napaigtad ako sa pag-iisip ng yakapin niya ako pero humiwalay din ito at iginiya na ako papasok sa sasakyan at umikot ito sa kabila para makasakay na rin.

"Akala ko hindi ka na darating, matagal akong naghintay," sabi ko sa kanya habang naka tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Ano ka ba Sammy hindi mangyayari 'yon... pasensya na may nakalimutan lang talaga kasi ako," saad nito habang nakatingin sa kanya. Naka stop sign naman yung traffic lights kaya hinde naman delikado.

"Oo na alam ko namang hindi mo ako pababayaan eh." Nginitian ko siya at bumalik ulit ang tingin ko sa bintana.

"By the way sabi ni Tita dumerecho na raw tayo sa Classic Restuarant kila Andrea do'n na raw tayo mag didinner," saad nito habang nakatutok pa rin ang paningin sa kalsada. 

"Sige."

Nang ihinto ni Kurt ang sasakyan mabils itong lumabas at pinag buksan ako. 
"Thank you," saad ko ng makalabas ng sasakyan at isinara ito. Sabay kaming pumasok sa restuarant at hinanap ang parents ko na nakita naming nasa gilid ng restuarant kung saan hindi masyadong matao. Nilapitan namin ito at bumati bago kami umupo.

"Sweetheart, how's your study going?" Tanong ni mommy kay Kurt.

"Ok naman po Tita, it's really interesting hindi ko napagsisihan na mag medicine."

Bumaling naman ang attention ni mommy sa akin. "How are you feeling Sammy, nahihirapan ka na ba sa pag aaral mo. Sabi ko naman kasi sayo mag culinary ka na lang... mahihirapan ka lang sa nursing lalo na't may--".

Di na ni mommy natuloy ang sasasabihin ng dumating na ang pagkain at nag simula na kaming mag dinner. Hanggang sa matapos ay tahimik lang kami.

...

Ngayong araw ay 1st Anniversary namin ni Kurt. Sinigurado kong maayos ang lahat magmula sa cake at mga pictures namin. Hindi ko alam kung magugustohan niya ito, these past few months kasi nag-iiba na siya, I mean, nagiging distant na siya sa 'kin.

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon