A Life With Sevi

67 8 3
                                    


Warning!

This is a fanfiction or Fanmade!
AGAIN FANFICTION!




Binuksan ko ng napakalaki ang bintana upang makapasok ang sinag ng araw na nanggagaling sa labas.

"This is a beautiful day," I murmured to myself. 

Napabuntong hininga ako, pagkatapos ay lumapit ako sa higaan ko at kinuha ang mga litrato sa drawer ko at naupo sa gitnang bahagi ng higaan.

The photos are all about my younger Years. Ito 'yung mga panahong nag-aaral pa ako sa UST. 

A consistent honor student, hindi naman sa pagmamayabang pero ako lang naman ang Valedictorian sa Science High School. I can say that I'm smart and I'm confident with it. 

And that, I pursue my studies in University Of Santo Thomas as a scholar.

Hindi madali maging Scholar sa isang sikat na paaralan. And'yan ang pressure at siyempre ang takot, takot na baka mahusgahan ka nila 'cuase you're poor.

Hindi mo rin naman kasi maiiwasan ang mga elitistang hampas lupa. Although welcoming pa rin naman ang university.

Kalaunan, sa una ka lang pala matatakot d'yan sa mga slapsoil. Kasi kakailanganin ka nila lalo na kapag pasahan na ng requirements.

Dahil matalino ako, at hindi ulit ako nagmamayabang. Pinagkakitaan ko ito. Tumatanggap ako ng projects nila kapalit ang pera. Happy layp.

Ang kita ko sa paggawa ng mga requirements nila ay idinadagdag ko sa allowance ko. 

Masasabi kong masaya talaga kapag matalino ka at nakapag-aral ka pa sa pretihiyosong paaralan.

Naging maayos ang lahat hanggang sa makilala ko siya. Ikukuwento ko pa ba sa inyo kung pano ko siya nakilala?

Ha?

Ok.

Ito na...

I met Sebastian Vincent Camero. Yes! You read it right girl!

Nagkakilala kami sa isang org. Nasa iisang org lang kami noon. Syempre maganda, he told me that na attract daw siya sa akin noong first meeting namin. 

•••
"Hi guys!" Bati niya at natilian naman ang mga babae. Higad.

"Kalma girls, ako lang 'to," mayabang niya pang saad.

"By the way, I'm Sebastian Vincent Cemero and you can call me Sevi for jeans." Nakangiting nakatitig ito sa akin, masyado itong titig kaya nama'y napaiwas ako ng tingin.

"Yeiii!" Asar nila.
•••
 

And to make the story short, niligawan ako ni Sevi. 

Hindi siya naging sagabal sa pag-aaral ko, kahit noong naging kami na ay maayos pa rin naman ang mga grades ko.

Hanggang sa tumagal pa kami. Naging Engineer na siya at nakatapos na rin ako ng tourism, kami pa rin. Untill Sevi proposed to me.

It was my happiest day. I said yes, kasi alam kong siya na talaga ang forever ko.

"Babe, let's eat na." Napaigtad ako sa biglang halik sa akin ni Sevi sa pisngi.

"Later na hon, aayusin ko lang 'to," saad ko at hinalikan rin siya sa pisngi.

"Tsk. Ano ba 'yan gutom na ako e."

Tiningnan ko lang siya at ganon din siya sa akin.

"Gusto mo ikaw na lang kainin ko? Rawr!" Sambit nito at bigla akong sinunggaban.

"Ano ba hon! Tigilan mo nga ako." Tatawa-tawa ko pang saad.

Bigla niya akong kiniliti at napahiga na lamang ako sa kama. Kinubawbawan niya ako at patuloy pa rin siya sa pangingiliti.

"Hon! Ano ba-- stop it---" 

"Ma'am! 'Wag po kayong magwala, it's time for your medecine ma'am!"

"Huh!"

"Kalma po ma'am! Sasampalin kita!"

"Sevi stop it! Nakikiliti ako!"

Shutang inerns!

"Ma'am uminom na po kayo ng gamot niyo! Illusyunadang palaka, sige mabaliw ka d'yan sa non-existent husband mo!" 


•••

A/N:

Ik. It sucks. I not fond at this kimd of genre I just tried it.

:>

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon