Chapter 4

23 10 0
                                    

Rio's POV_

Alas tres na ng umaga ay hindi pa rin ako makatulog, paikot-ikot lamang ako sa aking higaan, Iniisip ko kasi kung anong klaseng buhay ang darating saamin ni gelay pag dating namin sa maynila. May halong takot at pangamba ang nararamdaman ko.. Pero kelangan kong lakasan ang loob ko.

Konti lang ang ideya ko tungkol sa maynila, dahil nakikita ko naman sa telebisyon at libro ang mga larawan ng mga lugar doon.. Mababait kaya ang mga taga maynila? Natatakot ako dahil ang usapan dito saamin marami daw ang drug addict at mga sindikato doon. Paano kung.... pano kung....Gaw..... Natigil ako sa aking pag iisip dahil sa pagsigaw ni nanay imelda.

"Rosario!, Wala ka bang balak patayin ang ilaw sa kwarto mo?, Baka nakakalimutan mo napaka taas ng bayarin natin sa kuryente!"

Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa sinabi ni inay. Paanong makakadagdag ng bayarin sa kuryente ang ilaw dito sa loob ng kwarto ko, eh tanging gasera lang naman ang ginagamit ko rito dahil sa damot ng mag iinang yun.
tsk tsk tsk.

_______

(Bogshh!!) A...aray...huhuhu. ouch...
Nagising ako dahil bigla akong nahulog sa sahig mula sa papag na aking hinihigaan..

Ano ba yan.. Hindi naman ako malikot matulog ah? tatay ko? Kayo po ba ang may dahilan kaya ako nahulog ? Siguro tinadyakan nyo ko nuh? Itay wag naman kayong ganyan.. Ang tindi nyo naman magparamdam.

Teka, anong oras na ba? Pag tingin ko sa Orasan      waahhhhh!!!!!!
Napasigaw ako dahil 6:30 na pala ng umaga.... 7:00 am ang usapan namin. Sigurado akong sa oras na ito papunta na sa Terminal si gelay.. Naku kapag minamalas ka nga naman.. Itay naman magpaparamdam nalang kayo hindi nyo pa inagahan.

Nagmadali na akong nagtungo sa banyo upang maligo.

Hayy buti nalang tulog pa ang super bait kong nanay nanayan at mga chaka doll kong kapatid. Dahil kung gising na ang mga yun marahil ay nag iigib pa ako ng pampaligo nila ngayon.

Natapos na rin ako sa pagligo at naayos ko na rin ang aking sarili.. Paglabas ko ng kwarto ay nakaabang na pala sa labas si nanay imelda at dalawang chaka doll kong kapatid.

"Inay aalis na po ako. Baka maiwan  na po kasi ako ng bus " pagpapaalam ko.

"Uy Rosario .. Tandaan mo, trabaho ang ipupunta mo roon at hindi paglalandi ha!" 

" Opo inay, Yun naman po talaga ang dahilan kung bakit ako aalis eh. kasi kailangan na natin mabayaran ang mga utang natin"

" Mabuti naman kung ganun, baka kasi nakakalimot kana na ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang tatay mo na mahal na mahal ko!" 

ano ba yan . Ou na nga alam ko naman na ako ang dahilan ng pagkamatay ni itay na mahal na mahal nya. unlimited eh. paulit-ulit nalang. nakuw . . ito talagang si inay.

"inay wala man lang bang, "oh rosario mag-iingat ka ha..mamimiss kita "dyan? " pagbibiro ko. pero ang totoo yun yung gusto kong marinig mula sakanya.

"Aba tigilan mo nga ako ng drama mo na iyan ! Hala layas na!"

hmm sungit talaga ng nanay nanayan kong ito.. pero kahit na ganyan yan mahal na mahal ko yan hihihi.

"oh sige po inay..mag-iingat kayo rito.. mamimiss ko po ang kasungitan este kagandahan nyo hehe"

"alam kong maganda ako! sige na larga na!"

Palabas na sana ako ng pinto ngunit napahinto ako. Naalala ko meron pa pala akong nakakalimutan.. Kaya lumingon ako sa direksyon ng chaka doll kong mga kapatid.

"Barbie, Anabelle, Mamimiss ko kayo. Wala kasing pangit na katulad nyo sa maynila eh hahaha"

Galit na galit sila sa sinabi ko...kaya bago pa sila makapag salita ay binawi ko na ito.

" biro lang.. hehehe. gaganda nyo kaya"

Tumalikod na ako at naglakad palayo. Hayy 😞 Wala man lang talaga silang ibang sasabihin? Babagalan kong konti ang lakad ko baka nahihiya lang silang sabihan ako ng "mag-iingat ka rio, mamimiss ka namin" .  Bigla naman akong napatigil dahil sa pag tawag ni nanay imelda.

"Rosario!" tawag ni inay kaya masayang napalingon ako.

Haha sabi ko na nga ba at hindi rin nila ako matitiis..

"bakit po inay?"

" Nakalimutan mong mag iwan ng pang bayad sa kuryente!"

huh? yun lang pala ang sasabihin nya? naku rosario asa kapa kase 😞 akala ko pa naman ay kung anong sasabihin.

Pero teka konti nalang itong pera ko dito. hayae na nga titipirin ko nalang hanggang sa makahanap ako ng trabaho sa maynila.

Naglakad ako pabalik at ibinigay kay inay ang perang pambayad sa kuryente.

__

Thank you so much for reading guys. Please Don't Forget to Vote and Comment. lovelots! 😘

WANTED: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon