Rio's POV_Napapahawak nalang ako sa aking tyan na kanina pang nag aalburuto sa gutom.. Hindi rin kasi ako nagtanghalian dahil antok na antok ako at masama talaga ang pakiramdam ko. Nahihilo talaga kasi ako sa mga air-condition na sasakyan..
Pababa na kami ngayon ng kusina ... iniisip ko kung si sir harith ang magluluto ng dinner namin.. Para kasing kami nalang ang gising sa mga oras na ito.
"Good evening nanay posing, Pahanda naman po ng dinner namin.. " biglang pagsasalita ni sir harith.
ay gising pa pala si nanay posing. gabing gabi na ah!! uso pala dito ang over time?
"Magandang gabi rin sainyo... nga pala hijo kanina pa namin ginigising iyang girlfriend mo dahil kailangan nya ng kumain kaya lang tulog na tulog naman" nakangiting sabi ni nanay posing.
Ako? Girlfriend ng masungit na ito?hmm wag nalang😑 Kahit pa kunyare lang nakakailang parin nuh .
"Ahmm Maybe she's really tired nanay posing.. Right Rio? " nakangiting tanong saakin ni sir na parang may sinasabing sakyan ko nalang.
"Ahh o-po opo.. " tarantang sagot ko. paano ba naman kung maka akbay wala man lang pasabi.. nakakagulat kaya.
Pero teka? Bakit ako nag opo ? eh hindi ko namam masyadong naintindihan yung sinabi nya.. 😑
Si nanay posing kung makangiti parang may ibig sabihin eh...
Nung kami nalang dalawa ay inalis nya na ang kamay nya.. pakiramdam ko ang pula-pula ng mukha ko.. ano ba yan.
"Quit starring!" nabigla ako sa pagtulak nya ng upuan ko palayo sakanya...
Sabi ko na nga ba eh ang baho ko na... Hindi nya naman ako itutulak kong wala syang naaamoy na masangsang
Nag ningning ang mga mata ko nang makita ko ang mga pagkaing dala ni nanay posing.
"Thank you Nanay posing... Magpahinga na po kayo. masyado nang gabi.." abah ang bait ni sir ah. pero bakit saakin napaka sungit nya?😢
"Naku hijo... wag mo akong isipin kaya ko pa ang sarili ko... ang lakas-lakas ko pa oh..haha Ma'am rio, kumain ka ng marami wag kang mahihiya ha.. 😊"
Ay nanay posing kung alam mo lang... sa gutom na nararamdaman ko ngayon hinding hindi na ako mahihiya. Bulong ko.
"Opo Nanay posing...Salamat po... Tara na po't kumain...alam kong pagod na kayo sa maghapon nyong trabaho . Saluhan nyo na po kami" pag alok ko sakanya.
"Naku Ma'am Rio, Hindi po maganda ang makikisabay kami ng pagkain sa mga amo namin.. at isa pa kumain na rin naman ako kanina pa.😊" ganun pala yun ? kung mayaman lang ako walang problema saakin kung kasalo o kasabay ko man sa pagkain ang mga katulong. ang sarap kayang kumain ng maraming kasama.
"Ah ganun po ba... Sige po nanay posing.. nga po pala... Rio nalang po ang itawag nyo saakin😊"
" Ah sige rio.. oh sya maiwan ko na kayo😊"
Sige na nanay posing shoooo na gutom na gutom na ako..... 😭 bulong ko sa sarili ko.
"Wow... Sir harith ang daming pagkain ... luto ba ito lahat ni nanay posing??" tanong ko sakanya habang ngiting-ngiti na nakatitig sa mga pagkain.
"Yeah... now let's eat"
Inumpisahan ko ng tikman ang pagkaing nakahain.... wala akong pakialam kung anong isipin nya ang alam ko lang ngayon ay talagang gutom ako.
"Hmmm ang sharap naman nito...."
"Don't talk when your mouth is full!" ay ang sungit naman talaga😢 Puno ang bibig ko kaya tumango nalang ako. baka kung ano pang sabihin kapag nagsalita pa ako e.
"I'm Done "
Huh? ang bilis nya naman kumain.. hindi pa nga ako busog e.
Tumayo na sya at iniwan nalang akong mag isa . Wala man lang paa-paalam.😑
Bigla naman dumating si nanay posing..
"Oh hija... mukhang nagustohan mo ang niluto ko ah😊"
"ay opo nanay posing.. ang sarap sarap po ng luto ninyo... bukas po ba ipagluluto nyo ulit kami?"
"hahaah Ou naman rio.. Palagi ko kayong ipagluluto.. ayaw naman kasi ni Harith na iba ang magluluto. teka nasaan na sya bakit iniwan ka nya rito?"
Naku patay anong sasabihin ko? Hmm isip rio.. mag isip ka.....
" ahh hehehe ano po nanay pinauna ko na po sya kasi po gusto ko pang kumain. hehe " palusot ko kay nanay posing.
"Ahh ganun ba. oh sige tawagin mo nalang ako kapag tapos kana ha"
" Naku nanay .. Ako na pong bahala mag ligpit nito.. ang mabuti pa po ay magpahinga na kayo"
" Hindi pwede rio. Malilintikan ako kay harith kapag pinaghugas ko ng pinggan ang girlfriend nya"
"Nanay posing... ako na po. wala naman pong pakialam yun sakin "
"Ha? anong sabi mo hija?"
"Ay hehe wala po nanay posing ang sabi ko po wala naman ibang makakaalam eh " palusot ko. ano ba yan ang dulas ata ng dila ko ngayon.
Bigla ko namang naalala si sir harith.
"Nanay posing anong oras na po??"
Tinignan nya naman ang relo nya. "10:45 na hija"
juskooooo patay ako nito malapit na pala mag 11:00 huhuhu.
"ah nanay kailangan ko na po palang umakyat.. sa susunod nalang po pala ako maghuhugas ng pinggan ...sige po babyeee!"
Tumakbo na ako paakyat at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni nanay posing... Mayayari ako nito sa boss kong masungit.
Agad kong narating ang kwarto ko..buti nalang at natandaan ko ito agad. napakalaki pa naman ng bahay na ito . pwede akong maligaw.
Please Vote&Comment!
Thank youuu!…😊
BINABASA MO ANG
WANTED: Bed Warmer
HumorSi Rio isang probinsyanang nagpasyang lumuwas ng maynila hindi para mag-aral kundi para maghanap ng trabaho, Upang mabayaran ang tambak na utang ng kanyang ina- inahang si imelda. Bata pa lamang sya ay wala na ang kanyang tunay na ina at namatay na...