Rio's POV_
Nakababa na kami ni gelay ng bus at ngayon ay naghahanap na ng bahay na matutuluyan.
"Besplen, kain muna tayo. nagugutom na ko eh" reklamo ng besplen kong si gelay.
"oh sige ..ako nga rin nagugutom na.. naubos kasi ang laman ng tyan ko dahil sa kakasuka, ikaw naman kasi aircon pa ang napili mo..nasukahan ko tuloy yung katabi ko"
"ano? nasukahan mo yung katabi mo?".
" Ou nasukahan ko..😞"
"As in nasukahan mo?" paniniguro nya.
"Ou nga kasi! " sabay batok ko sakanya.
"arayy naman rio... maka batok naman to parang hindi mo ko besplen ah"
......
Habang naghahanap kami ng makakainan nakakita kami ng isang tindahan.. 7/eleven ang nakalagay na pangalan.
"Rio pwede na siguro dyan. gutom na gutom na talaga ako e..."
Nung papasok na kami ng 7/eleven .. may naka karatula sa pintuan .. nakasulat ang "PULL"
"ay gelay... hanap nalang tayo ng iba... puno na pala sa loob e"
kaya sinilip ni gelay ang loob dahil salamin naman ang pinto.
"eh hindi naman ah. ang luwag luwag nga sa loob."
"gelay , college graduate ka diba? hindi kaba marunong mag basa? ayan oh PULL ang laki-laki hindi mo mabasa". sabay turo ko sa karatula.
Binatukan naman ako ni gelay...
" aray naman bakit ba?"
"loka-loka ka pala rio eh . pull ibig sabihin hila... Full naman yung sinasabi mong puno ". paglilinaw nya.
" ay.... hihihi yun pala yun sorry na besplen 😅✌" sabay peace sign ko kay besplen gelay.
"oh tara na pasok na tayo at nag wawala na itong alaga ko"
-
Sa laki ng maynila talaga nahirapan kaming makapag hanap ng matutuluyan... kaya nagtanong-tanong nalang kami. buti nalang at may nakuha kami.
Maliit na bahay lang ito na pag bukas mo ng pinto ay nandoon na ang lahat, makikita mo na ang sala, higaan ,kusina at banyo. para saamin ni gelay ay okay na ito dahil sanay naman kami sa hirap. mag iinarte pa ba kami .syempre hindi anuh.
"oh eto ang susi ng apartment.
2,500 ang renta sa isang buwan, kasama na ang kuryente at tubig. Hindi na rin kayo mamomroblema sa gamit dahil meron na dyan. ""naku maraming salamat po" at kinuha na ni gelay ang susi sa may ari.
Nagbayad na rin kami para wala ng problema..naghati nalang kami ni gelay sa bayarin para hindi mabigat masyado.
FAST FORWARD.....
"Besplennnnnn... !!!" sigaw ni gelay habang papasok ng bahay.
"ohh bakit ....?"
"besplen natanggap ako sa trabaho 😁 mag tatrabaho ako bilang isang secretary sa isang kompanya at bukas na bukas din ay mag uumpisa na ako " mangiyak-ngiyak na sabi nya.
"mabuti kapa besplen... ako kaya? makakahanap din kaya ako ng trabaho? eh Highschool lang ang natapos ko 😔"
"ano kaba rio.. ou naman makakahanap ka ng trabaho, tsaka pwede ba wag mong minamaliit ang pagiging High School graduate mo..malaking bagay na iyan."
"eh kasi ilang araw na akong naghahanap ng trabaho e..tapos yung mga nag aalok pa saakin ng trabaho Laging tinatanong kung
" OPEN MINDED " daw ba ako. ano ba kasi yun.. " 😑😖"ahahaha ... Yan siguro yung sinasabi ng iba na Networking..kapag papasok ka sa ganung trabaho dapat matyaga ka at magaling mag hikayat ng mga customers"
"ganun pala yun nuh? Bukas maghahanap ulit ako ng trabaho"
"Kaya mo yan Rio... Ikaw pa ba.. kaya nga ikaw ang besplen ko e kasi alam kong lahat kakayanin mo" pagpapalakas ni gelay ng loob ko
__________
10:30 pm
__________
K R r i i i n n g g g g g , K R r i i i n n g g g g g!!!!!Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone... teka bakit tumunog agad ang alarm ko.
ay tawag pala... Si inay tumatawag hehe siguro namimiss na nila ako .
"Hello...inay...kum.." Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ay biglang nagsalita na si anabelle. huh bakit si anabelle ang nagsalita.
"Hoy rio.. may sakit si mommy, magpadala ka ngayon ng pera para sa gamot nya.". pasigaw na sabi nya.
" P-pero wala pa akong trabaho..wala pa akong pera na maipapadala... tsaka anong sakit ni inay?"
"Basta gumawa ka ng paraan!"
sabay patay nya ng tawag.Nangilid ang mga luha ko... anong gagawin ko may sakit si nanay imelda...at wala pa akong trabaho.. 😭😭😭😭
A/N: Kawawa naman si rio... 😢😢
Guys Vote and Comment na.. Wag nang mahiya 😅 Thank youuu 😘
BINABASA MO ANG
WANTED: Bed Warmer
HumorSi Rio isang probinsyanang nagpasyang lumuwas ng maynila hindi para mag-aral kundi para maghanap ng trabaho, Upang mabayaran ang tambak na utang ng kanyang ina- inahang si imelda. Bata pa lamang sya ay wala na ang kanyang tunay na ina at namatay na...