Chapter 19

19 0 0
                                    

Rio's POV_

"Ma'am Magandang gabi po.. Saan po kayo pupunta? " tanong ng gwardya na nagbabantay sa Gate ng mansion.

"Ahh Manong guard, Mag...magbabakasyon po ako hihi." palusot ko sakanya.

"Gabi na po ah, Alam po ba ito ni Sir Harith?"

"Ou manong, alam nya.. sya pa nga ang nagsabi mismo na mag bakasyon ako eh. hehe"  sige rosario lubos-lubosin mo na ang pag sisinungaling mo, bulong ko sa sarili ko.

"Tatawagin ko lang po ang driver Ma'am para maihatid kayo"

"Naku po manong wag na kayong mag abala pa.. kaya ko na po ang sarili ko."

"S-sigurado po ba kayo ma'am?"

"Oo manong, kaya padaanin mo na ako at mahuhuli na ako sa byahe ng spaceship "

Huh?bakit yun ang sinabi ko. saan ba ako pupunta sa mars? 😑

Wala nang nagawa si manong kaya pinadaan nya nalang ako.

Malayo-layo na ang nalalakad ko, mabuti nalang at may mga ilaw dito sa daan. Ang sakit na rin ng mga paa ko. Oo nga pala, nakayapak lang ako ngayon dahil napag desisyonan kong wag nalang dalhin yung mga tsinelas na bigay saakin.

Para akong taong grasa ngayon na nakapaa lang at maraming bitbit na mga basura😢

Sobrang layo pa naman ng labasan    siguro mga isa o dalawang kilometrong lakaran. Wala na bang masasakyan dito kapag gantong oras?😢

Hindi ko maiwasang matakot, ako lang kasi ang mag isa na naglalakad dito , Sobrang laki ng lupain nila, puro mga puno at halaman ang madadaanan bago makarating sa Labasan.

Walang tigil ang pag kulo ng tyan ko habang naglalakad ako. naku naman, makisama ka namang tyan ka ang layo pa natin sa katotohanan oh. ni hindi ko pa nga natatanaw ang dulo.

"Ayyy palaka ka!!!"
Isang malakas na kulog ang gumulat sa nagugutom kong kaluluwa..

Ano ba yan ... may balak bang umulan? 😢

Naramdaman ko ang unti- unting pag patak ng ulan kaya nagmadali na ako sa paglalakad.. napakabigat pa naman ng mga bag na dala ko.

Ilang minuto na akong pinaliliguan ng ulan wala naman akong ibang masilungan kaya hinayaan ko nalang na mabasa ako. Nanginginig na ako sa sobrang lamig at pakiramdam ko nanlalabo na ang paningin ko.. Hindi ko nalang ito pinansin, baka dahil lang ito sa dilim ng daan at sa patak ng ulan.

Harith's POV_

Mabuti nalang at nakapag backup  ng mga files ang secretary ko bago pa matapon ang juice na dala nya.

Nagulat ako sa inakto ko kay rio. Tama ba yung ginawa ko? The fuck!!!

Pinapanuod ko sya mula rito sa bintana ng opisina ko habang kausap nya ang guard, nasa gate na sya dala-dala ang mga gamit nya .

Agad na tinawagan ko ang aking secretary para mag hire ng panibago kong makakasama.

After ng ilang minuto ay muli akong napatingin sa bintana..Shit.. Umuulan... .

What should i do? Susundan ko ba sya?  Ano bang pakialam ko kung mabasa man sya ng ulan? arghhhhh! napasabunot nalang ako sa buhok ko...  

Kinuha ko agad ang susi ng kotse ko.. at nagmadaling sundan si rio.

Medyo malayo na ang nararating ko pero bakit hindi ko pa sya makita?.. tsk! Bakit ko ba nakalimutang kunin ang contact number nya.

Agad na hiningi ko ang number nya sa secretary ko. Pero unattended ito.

Sobrang lakas na ng ulan at ang hirap nang aninagin ang daan.

Sa di kalayuan ay naaninag ko si rio nakaupo sya sa isang bato habang yakap-yakap ang sarili. Nakaramdam ako ng awa.

Lumabas ako ng sasakyan at lumapit sakanya..

Shit basang basa na sya ng ulan.

"S-sir... a-ano pong g-ginagawa nyo dito? " tanong nya. Pero hindi ko sya sinagot.  Halata rin sa boses nya ang panginginig.

Hinubad ko ang suot kong jacket at isinuot ito sakanya.

"Come on rio, Get in" Inalalayan ko sya papasok ng sasakyan.  at ipinasok ko na rin pati mga gamit nyang dala.

A/N: awwww maswerte ka parin rio .  May puso din naman pala etong si Sir sungit ano?"

Hi Please Vote and Comment. Thank youuuuu😊



WANTED: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon