Chapter 14

21 0 0
                                    

Rio's POV_

Nasa ikatlong palapag nga pala ang kwarto naming dalawa ni sir ... oh diba bababa o lalabas lang ng bahay pahirapan pa. Sana merong vibrator este elevator ang bahay na ito nuh? para hindi napapagod ang katawang lupa ko.

Pagpasok ko ng kwarto ko ay nag Sipilyo at hilamos na ako ... alam nyo bang ang saya-saya ko.. For the first time nag amoy mayaman ang hininga ko.. ay ayon napapa english tuloy ako. hahaha

Napansin ko rin ang isang Tv na naka sabit sa dingding.. Wooowww ang laki . Nakakalula siguro manuod dito?

At dahil nilalamig ako. tinanggal ko ang pagkakasaksak ng aircon. Hindi ko kasi alam kung paano yun i-ooff eh .. wala kasi kami nun .

Muli akong nahiga at ngayon ay sa sarili kong kama na,  kaya wala nang sisigaw saakin, makatulog nga ulit.

"Kringggggggg!!!! "

"Ay butiki!!!!!" Hooh ano ka ba namang cellphone ka bakit ba nang gugulat ka!

Tinignan ko kung sino ang tumatawag ... Ang chaka doll kong kapatid na si Anabelle...

"Hello, Chakabelle este anabelle?Bakit?"

" Anong bakit rio! Nasaan na ba ang hinihingi namin sayo?! Baon na baon na kami sa utang dahil sa pagpapagamot kay mommy. baka naman balak mo nang magpadala?"

Hmm mommy daw . maka mommy akala mo naman walang utang.

"Kamusta na si nanay imelda?Anong sabi ng Doctor?"

"Pwede ba Rio wag ka nang magtanong! Ano Magbibigay kaba o hindi?!"

"Oo, magbibigay ako pero hindi pa ngayon.. nag uumpisa palang ako sa trabaho eh"

"Magpadala kana ngayon din..kung ayaw mong ibenta namin ang bahay na ito!"

"Te-teka Anabelle, bakit nyo naman ibebenta yan? 'Yan nalang ang natitirang alaala ni itay satin"

"Kaya nga magbigay kana para hindi na maibenta itong bahay na ito!"

"Oh sige... mamaya kakausapin ko ang boss ko, itatanong ko kung pwedeng makuha ko kaagad ang sasahurin ko ngayong buwan"

"Aba dapat lang! Sige na! "

Sabay patay nya ng tawag...

Biglang nanlumo nanaman ako... Hindi ko alam kung anong nangyayare kay nanay imelda.. okay na kaya sya?😢

Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga at nagmadaling bumaba.. Sana maabutan ko pa si sir. Kailangan kong makiusap sakanya.. 😢

Nagmadali akong bumaba at naabutan kong kumakain si Sir harith sa kusina.. Napaka Seryoso nyang tao. Hindi man lang ba sya marunong ngumiti? Tahimik lang akong nakatayo sa harap nya at hindi ko malaman kong paano magsisimula sa aking sasabihin.

Nang mapansin nya ako, Bigla naman syang natigilan sa pagkain at ibinaba ang hawak na kutsara't tinidor.

"Si-sir harith..."

"What?!"

What whatin kaya kita sir.. 😑 bakit ba napaka ano mo.

WANTED: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon