Rio's POV_
Agad na nagtungo ako sa banyo para maligo ... Wow.. pati banyo ang laki-laki rin.... 😍 May parang pool din na maliit nakalimutan ko ang tawag dito.. Bath.... bathman? Bathpool? ay ewan hindi ko talaga maalala. Tapos pag tingin ko sa taas may gripo? Parang tower ata tawag dito . basta parang may wer yun.. Wala kasing ganito samin kaya hindi ko masyadong matandaan ang mga tawag sa ganitong bagay.
Binuksan ko din ang mga cabinet na nandito ....aba... Ang yaman talaga ... Punong-puno ng mga shampoo at sabon 😍 Sa kabilang Cabinet naman mga tuwalya at bathrope? hmm ano na nga tawag dito.. bathroof? o Bathrobe? ..ay ayon bathrobe nga... buti naalala ko... ang shunga ko ata ngayong gabi.
Kumuha ako ng sabon at shampoo para makaligo na... Hinubad ko na ang damit ko at binuksan ang tower... teka parang mali eh... peste naman oh... ah alam ko na... shower... ou shower nga pala ito...
Tower daw haha aba rio nakakahiya ka talaga. . bulong ko sa sarili ko.Nag umpisa na akong maligo paglagay ko ng shampoo sa kamay ko nagtaka ako..bakit pulbos ang lumabas? tinitimpla ba muna ang shampoo ng mayayaman?pagtingin ko sa balot ay may nakasulat na Bath Salt .. huh? Sino naman kayang walangya ang naglagay ng asin dito. Mukha ba akong magluluto dito sa banyo?.. kaya kumuha ako ng shampoo sa Cabinet..
Ang bango naman nitong shampoo at sabon... First time kong maging amoy mayaman😅 ...
Nilinis kong mabuti ang katawan ko.. dahil ngayong gabi.... goodbye hiyas ko 😭 Kinikilabutan na ako sa mga mangyayare mamaya . 😢
Iniisip ko kung anong kahalimawan ang gagawin saakin ni Sir Harith. huhuhu....
Natapos na akong maligo..isinuot ko na ang pajama at jacket na pantulog ko ... ang sarap kasi ng tulog ko kapag ganito ang suot ko eh...
Hindi na ako magsusuklay ..okay na siguro itong buhok ko. Kelangan ko na pumunta sa kwarto ni Sir.. baka katayin na ako nun.
Nagmadali na akong lumabas ng kwarto ko dahil sa kaba....
"ay kabayo ka!!!" laking gulat ko nalang ng bigla kong makita si sir na nakatayo sa labas ng kwarto ko.
Lagot... ang sama ng awra nya..
"Anong oras na Rio?!"
Napayuko nalang ako sa takot ko.. 😢
"So-sorry po sir... napasarap lang po ang kain ko, kaya hindi ko na namalayan ang oras😭 "
"Ghad rio! Alam mo ba kung anong oras na??? It's already 11:40pm !!! Hindi ako pwedeng mapuyat ngayon dahil may Conference kami bukas! ... "
Bigla nya nalang akong hinawakan sa braso at hinila papunta sa kwarto nya....
"Ahh...aray...Sir harith.. teka lang po" hindi man lang sya nakinig at patuloy parin akong kinakaladkad.
Namiss ba agad ako ni sir? ganito ba sya kasabik saakin? luh nangarap ka naman rio bulong ko sa sarili ko.
"Sir sorry po kung hindi ako nakapunta sa tamang oras.. "abah Hindi man lang ako pinansin...
Pagkapasok namin sa kwarto nya ay agad nyang ni-lock ang pintuan...Kaya napalunok nalang ako dahil sa sobrang kaba.
Hawak hawak ko ang braso kong nananakit parin dahil sa higpit ng pagkakahawak nya saakin kanina... haii para namang mawawala ako eh kung makahawak wagas.. ah siguro akala nya tatakas ako? 😑
Natigilan nalang ako sa pag-iisip dahil sa ginagawa nya... Hinuhubad nya na ang damit nyang suot habang titig na titig saakin.
jusko po... wala na syang damit at tanging boxer shorts nalang ang suot nya😭 Papalapit na sya saakin kaya paatras ako ng paatras hanggang sa mapaupo ako sa kama nya ... malapit na sya saakin kaya napa pikit na lamang ako ng aking mga mata, pakiramdam ko nagsisitayuan na ang mga buhok ko sa katawan... oh anong iniisip nyo? hindi kasama yung buhok na yun ha. kayo ang dirty-dirty nyo mag isip. 😏
Naramdaman ko na lamang ang pag alog ng kama kaya napamulat ako... Si sir harith ay nakadapa na sa kama habang nakapikit ang mata.....
Ilang minuto ko syang tinitigan .. nagtataka ako... wala ba syang gagawin saakin.?
Bigla naman syang nagmulat ng mga mata..
"Sleep now Rio!" utos nya at muling ipinikit ang mga mata.
Hindi pa rin mawala ang pagtataka ko.... akala ko ba may gagawin kami ngayong gabi?
Ay shunga hindi ba dapat masaya ako kasi ligtas si hiyas?
Napatingin na lamang ako sa suot ko. Balot na balot ako... sino nga ba naman ang maaakit sa suot kong ito . napailing na lamang ako..
Dahan-dahan akong humiga sa tabi ng aking boss na masungit
hindi lang masungit kundi mapanakit pa. hmf ang sakit kaya ng pagkaka hawak nya.😞Medyo humihilik sya... Siguro pagod na pagod sya sa trabaho??
Bigla ko namang naalala ang tatay ko. .
"Goodnight tatay...sana po ay mapatawad nyo ako sa pag pasok ko sa trabaho na ito.. mahal na mahal ko po kayo.."
Ganito talaga ako kinakausap ko padin si itay kahit wala na sya....
"At saiyo Boss kong masungit Goodnight sana bukas mabait kana"
Medyo giniginaw ako.. ang lakas naman kasi ng aircon sa kwartong ito.. Hindi ba nilalamig si sir? Nakahubad pa talaga sya ng damit eh.
Ilang Minuto lang ay nakaramdam na ako ng antok at unti-unti nang napapikit ang aking mga mata.
zZZzzz 😴
Harith's POV_
Nagising nalang ako dahil may kung anong mabigat na bagay ang nakapatong sa tyan ko...
The fuck!!! It's Rio's Leg! Sa inis ko ay itinulak ko ito palayo saakin.. Hindi man lang sya nagising sa ginawa ko.. Kumamot kamot lang sya sa ulo at panguya-nguya pa...
Shit.. anong klaseng babae ito?
Mabilis akong nag shower dahil kailangan maaga akong makarating sa office.
Inayos ko na rin ang aking sarili at mga papers na kakailanganin para sa presentation mamaya.. Hindi ko na kasi naayos last night dahil sa sobrang antok at pagod.
Palabas na sana ako ng kwarto ko nang bigla akong mapatingin kay Rio. Hindi ko sya pwedeng iwan dito sa room ko. Kaya nilapitan ko sya at tinapik-tapik sa pisngi!
"Rio Wake up! " Hindi parin sya nagigising... Gaano ba kasarap ang tulog ng babaeng ito. tsk..
Bigla nya naman hinampas ang kamay ko... abah.. bastos talagang babae 'to.
"Hmm ano ba!.... kita mo nang natutulog ang tao eh... ishtorbo...!" inis na sabi nya habang nakapikit parin...
"ROSARIO!!!!!" sigaw ko sakanya ... Sa gulat nya ay bigla syang nahulog at napabagsak sa sahig..
"Ahh...huhu aray ang pwet ko. ughh "
"Get up! " inis na sabi ko at tuluyan ko na syang iniwan sa kwarto. Ang aga-aga pinaiinit nya ang ulo ko.
Rio's POV_
Nakaramdam ako ng tapik sa pisngi ko .. teka sino bang bastos ito.. ang sarap pang matulog eh... Muling may tumapik sa pisngi ko..
"Hmm ano ba!.... kita mo nang natutulog ang tao eh... ishtorbo...!" inis na sabi ko..
"ROSARIO!!!"
Isang malakas na sigaw ang gumising at gumulat saakin dahilan para mahulog ako mula sa hinihigaan ko.
"Ahh...huhu aray ang pwet ko. ughh " ... Bakit kelangang sumigaw... Pwede nya naman akong gisingin ng maayos ah... 😑
Pag tingin ko ay inis na inis nanaman ang itsura ni sir saakin.
"Get up! " inis na utos nya sabay labas ng kwarto....
Ughh ang aga nyang magsungit... huhu...
Makatayo na nga baka dumoble ang inis nun kapag naabutan nya pa ako dito sa kwarto nya.Please Don't Forget to Vote And Comment! Thank you!!!!
BINABASA MO ANG
WANTED: Bed Warmer
HumorSi Rio isang probinsyanang nagpasyang lumuwas ng maynila hindi para mag-aral kundi para maghanap ng trabaho, Upang mabayaran ang tambak na utang ng kanyang ina- inahang si imelda. Bata pa lamang sya ay wala na ang kanyang tunay na ina at namatay na...