Rio's POV_
Gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa wakas ay nakapag padala na rin ako saamin. May tirahan at pagkain naman ako kaya napag desisyonan kong ipadala lahat ng sahod ko kasama na ang limang libo kong allowance. Mas mahalaga ang kalusugan ni nanay imelda kesa sa mga luho ko.
Mabuti nalang at malapit lang ako
sa kompanya noong tinawagan ako ni Ma'am jia.Inisa-isa nya din saakin yung mga rules ni sir. Napaka weirdo talaga ni sir harith. Biruin nyo yun ayaw mag display ng picture sa mansion. Kaya nga hindi ko sya nakilala noong unang araw ko doon kasi wala man lang akong makitang picture nya kahit isa.
Tapos eto pa.. Bawal ang music. at lalo na ang kumanta. Paano pala kapag bigla akong napakanta? Hilig ko pa naman yun. 😑
Harith's POV_
Papasok na ako nang mansion nang biglang mag ring ang phone ko.
"Yes dad?"
"Hello son, I heard na may dinala ka daw na babae sa mansion? "
"Yeah, She's my girlfriend. Her name is Rosario "
"Can i talk to her?"
"No, you can't talk to her dad, You'll scare her off"
"Come on son.. I just wanna say Hi to her . Ano magkaka apo na ba ako? hahaha" pang aasar nya.
"Tsss...Dad stop it! i have to go. bye.."
Call ended_
Haisstt Ugali na talaga ni dad ang asarin ako.. Mabuti nalang at hindi nya ako kinokontrol o pinakikialaman sa mga decisions ko sa buhay.
"Bebang, Where's Rio?" tanong ko sakanya. Actually her name is Beverlyn but we used to call her bebang. Matagal na rin syang nag wo-work dito sa mansion at isa sya sa pinagkakatiwalaan dito.
"Good evening Sir 😊 Nandun po sya sa may garden"
"Okay thanks," tipid na sagot ko rito.
Rio's POV_
Nakasalampak ako ng upo ngayon dito sa may garden dahil inaayos ko itong letseng tsinelas ko. Sumuko na kasi sa hamon ng buhay, hindi kinaya at iniwan na ako😢😑
"What are you doing?" tanong ng isang pamilyar na boses na ngayon ay nasa likuran ko pati amoy kilalang kilala ko din. ang bango-bango kasi ni sir e. hehe
" Ah inaayos ko lang po itong tsinelas ko, sumuko na kasi eh" sagot ko sakanya habang abala padin sa pag aayos ng tsinelas.
" Malaking halaga ang ibinigay ko saiyo, bakit hindi ka nalang bumili ng bago?"
" Ipinadala ko na po kasi lahat ng sahod ko sa probinsya eh, mas mahalaga po yun kesa ang bumili ako ng kung ano-ano. "
"You should atleast save money for yourself Rio"
Hindi ko na sya inimikan dahil ini-english nanaman ako. Natigilan nalang ako nang bigla nyang kunin sàakin ang hawak kong tsinelas.
"T-teka sir... San nyo po dadalhin yan?"
Hindi nya man lang ako sinagot at tuluyan ng umalis.
Naglakad nalang ako papasok ng mansion kahit walang sapin ang kabila kong paa.
Para tuloy akong pulubi sa itsura ko ngayon.
"Ma'am rio, Pinapatawag ka na po ni sir harith sa Dining room" bungad saakin ni bebang.
"Ah sige Salamat bebang, teka, nakita mo ba yung kapares nitong tsinelas ko? "
"Naku ma'am rio hindi po eh" sagot nito habang kumakamot sa ulo. .
siguro ang daming kuto ni bebang?
Tulad ng dati sobrang dami padin ng pagkain kahit kaming dalawa lang ni sir ang kakain. Yung tipong akala mo bibitayin na kami sa sobrang dami ng nakahain.
Umupo na ako pero hindi sa tabi nya. nakakahiya naman kasing tumabi. kaya magkaharap lang kaming kakain ngayon.
Dahil may mga katulong na malapit samin, hindi ko sya maaaring tawaging sir
"Ahh H-harith saan mo pala dinala yung tsinelas ko? kailangan ko pa kasing ayusin yun eh, "
ay ano ba yan.. nakakailang namang tawagin sya sa pangalan lang. 😑
" Tinapon ko na" tipid na sagot nya sabay subo ng pagkain. .
"P-pero bakit? 😢 "
"Stop asking rio. Kumain kana lang dyan"
😢Nakakainis naman oh.... Madali lang naman sanang ayusin yun. Isang buwan pa pala akong maghihintay para magkaroon ng pambiling Tsinelas.
Nakailang ikot na ako sa kama ko kakaisip kung isusuot ko ba itong mga dinala ni Ma'am jia kanina. ang sabi nya eto daw ang isuot ko mamaya.
Hindi ko yata kaya. Two-piece lang kasi ito eh. May dibdib at pwet naman ako, kaya lang hindi ako sanay ipakita ang mga parte ng katawan ko. 😢
Pero ayoko naman mawalan ng trabaho. baka pag wala paring nangyare ay masisante na ako.
Pagkatapos kong maligo ay lakas loob kong sinuot ang Lingerie na bigay ni Ma'am jia. Ou lingerie daw ang tawag dito. Underwear daw talaga ito na sinusuot kapag matutulog. Ang taray talaga ng mayayaman nuh. Ang sabi pa ni ma'am jia wag daw akong magsusuot ng damit. patungan ko lang daw ng robe .
Tapos kapag kaharap ko na si sir ay tsaka ko daw alisin ang robe. Sa ganung paraan daw maaakit ko na si sir.
Bakit kaya ang galing ni Ma'am jia sa ganun? siguro ganun ang ginagawa nya? 😑
Bago ako lumabas ng kwarto ay sumilip muna ako sa pinto dahil baka may pagala-gala pang katulong tapos makita pa nila itong itsura ko.
Nang masiguro kong walang ibang tao ay nagmadali na akong magtungo sa kwarto ni sir, hindi ako nagmamadali dahil excited na may mangyare ha, ayoko lang talagang may makakita saakin.
Pagpasok ko ng kwarto, wala namang tao.. siguro nasa banyo pa si sir.
Habang hinihintay sya ay naglakad-lakad muna ako sa loob ng kwarto nya. Ang lawak din nito.. Merong din pinto papunta sa balkonahe. Gusto ko sanang buksan kaya lang baka mapagalitan ako.. At dahil salamin naman ang pinto nito ay kitang kita ang tanawin sa labas. pati ang buwan at mga bituin.
"Siguro naman na-orient ka na ng Secretary ko about sa Rules and Regulations ko sa bahay na ito? " biglang pagsasalita ni sir kaya napalingon ako.
"Opo sir..Na-orient na po ako ni Ma'am jia"
"Good" tipid na sagot nya.
Busy sya ngayon sa pagpupunas ng tuwalya sa kanyang buhok habang may binabasang kung ano sa papel na hawak nya.. mabuti naman at naka suot na sya ng damit ngayon. Nakaka ilang kasi kapag naka topless sya.
Pagkatapos nya sa ginagawa nya ay humiga na sya sa kama, kaya sisimulan ko na ang tinuro saakin ni Ma'am jia.
Naglakad ako palapit sa kama at unti-unti ko nang inaalis ang pagkakatali ng robe. Dahilan para mapatingin sya .. Tuluyan ko na itong hinubad kaya ngayon ay nakalantad na sakanya ang katawan kong suot-suot ang kulay pulang lingerie. .
Pansin ko ang gulat sa mukha nya.. at hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok nya.. ayooss effective yata ito..
Palapit na sana ako sakanya ng bigla nya nalang akong batuhin ng kumot sa mukha... ugghhhh aray naman...
"Sir bakit nyo ginawa yun?" inis na tanong ko.
"What do you think you're doing?! " inis na tanong nya.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. huhuh hustisya.. para akong tanga. Akala ko 'yon na eh. Hindi man lang pala gagana. 😢
A/N: Kung kayo kaya batohin ng kumot sa mukha habang trying hard mang seduce ano kayang mafi-feel nyo?? hahaha ...
Galaw-galaw... Vote and Comment na!!!! Thank you..!
BINABASA MO ANG
WANTED: Bed Warmer
HumorSi Rio isang probinsyanang nagpasyang lumuwas ng maynila hindi para mag-aral kundi para maghanap ng trabaho, Upang mabayaran ang tambak na utang ng kanyang ina- inahang si imelda. Bata pa lamang sya ay wala na ang kanyang tunay na ina at namatay na...