Chapter 12

168 5 0
                                    

Margarette Aries' POV

Nandito ako ngayon sa dorm. Kanina lang din ako nadischarge dun sa ospital. Dami pa ngang arte eh! Dapat nung isang araw pa ko nadischarge! Psh

Nakahiga ako habang nagbabasa ng story sa wattpad. Kasama ko rin dito si Alexa since magka-dorm kami. Busy siya sa computer. Ewan ko kung bakit. I think nagfe-facebook ata?

"Whatcha' doin'?" Pagsilip ko, mukha nung Prince Lian nakita ko sa screen. Oops stalker alert hahaha!

"What the fck Margee?!" Sigaw niya tapos tinakpan yung screen ng computer.

"Sus tinatago pa eh nakita ko na. Bakit mukha ni Lian ang nandun? Ayiieee!" Pabiro ko siyang binatukan pero hindi ganun kalakas. Nakita ko nga siyang namula eh. Naku hahaha!

"Mind your own business Margee." Sinamaan niya ko ng tingin. Hahaha if I know, nahihiya to hahaha!

"Ok fine. Huwag mo masyadong titigan yung picture ni Lian baka matunaw yung screen." Humagalpak ako sa kakatawa.

"Ugh!" Hinagisan niya ko ng libro. Nakaiwas naman ako.

"Bleeh! Duling! Haha!" Makapunta na nga lang ng cr. Baka ihagis niya na yung monitor ng computer at sempre maliligo ako.

***

Kinabukasan sa school. Ang sakit nung tagiliran ko. Wala naman akong nakain na kung ano. Basta ang sakit.

"Margee? Ok ka lang?" Nagaalalang tanong sakin ni Leyo.

Tumango lang ako. Ayokong maging pabigat nanaman.

"Yeah. Baka napasama nanaman ang sleeping position ko." Sabi ko habang hinihimas yung bandang masakit. Bakit ang sakit!?

Hindi na nangulit ulit si Leyo. Hay buti naman.

Nagstart na ang klase. Bigla namang sumakit yung balikat ko. Ang hapdi! Wala namang sugat!

"Ughhhh..." ang sakit na talaga.

"Ms. Florestine bakit ang putla mo? Are you okay?" Nagaalalang tanong ng prof namin.

"Punta lang ako ng cr." Sabi ko tapos nagmadaling pumunta ng cr.

Pagdating ko dun. Hinubad ko ang blouse ng uniform ko. May sando naman ako kaya ok lang.

Nagulat ako sa nakita ko. May kulay itim na mark sa tagiliran ko. Hindi ganun kalaki pero kitang kita. Wait.. LUMALAKI SIYA!

Naramdaman ko nanaman yung sakit. Napahawak ako sa parang sugat na hindi. May malagkit na liquid ang nahawakan ko mula sa mark. Kulay itim na likido.

Tinignan ko naman ang balikat ko. Meron din dun. Saan galing ang mga ito!? Ang sakit! I need to call Zhean ASAP!

Hirap na hirap na kong makagalaw dahil sa sakit. Parang kinakain ang laman ko.

After ilang ring sa wakas sinagot niya.

"Hello? Marga anong nangyari sayo? Bakit ka umalis ng room? Nasaan ka?"

"Zhean tulungan mo ko. Ang sakit."

"Ha?! Nasaan ka!? Sabihin mo!"

"Nandito ako sa---AHHHHH" Napasigaw ako sa gulat nang biglang may lumitaw sa harap ko. Isang nakakatakot na nilalang. Hindi ko alam kung ano pero nakakatakot ang itsura niya.

Hinawakan niya ang tagiliran ko. Nawalan bigla ako ng hininga. HINDI AKO MAKAHINGA!

I fell to the ground. Ang hirap huminga tapos ang sakit nung tagiliran at balikat ko.

Kumawala ng isang nakakatakot na tawa ang nilalang sa harapan ko. Naiiyak na ko. Zhean nasaan ka na ba!?

Bakit ba ganito ang buhay ko? Lagi nalang nasa bingit ng kamatayan. Nagsimula ang lahat simula pumasok ako sa school na ito. Ang daming nakatagong misteryo ang academy na ito. Is there more secrets waiting to be unfold?

ㆁ彡ㆁ彡ㆁ彡ㆁ彡ㆁ彡

Vote and comment!

Valliere Academy: School of Vampires [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon