2 weeks na ang nakakalipas simula nung nakita ko at naniwala na sa mga vampires. State of shock? Natapos din naman. Mga 3 araw ako nakarecover at naniwala na talaga na may mga ganung klaseng nilalang sa mundong into. Ano naman kaya ang sunod kong malalaman? Na may werewolves na? fairies? Lahat nalang ng mga supernatural na mga bagay? Tch wag na sana.
Gabi na at start na rin ng duty ko. Student Safety Officer (SSO) ako. Yun yung trabaho na inalok sakin ni Ms.Angielique. Anways, ang trabaho ng SSO ay bantayan ang mga estudyanteng HUMANS sa mga estudyanteng VAMPIRES. Kahit na may curfew, meron paring mga makukulit na students.
"Hoy! Bumaba kayo dyan! You are not allowed to go there at curfew hours na!" Tulad nito. May dalawang babae na umaakyat ng bakod papuntang night dorm. Yung dorm na para sa mga bampira.
Mukhang nagulat yung dalawang babae at nalaglag sila. Hays buti mababa palang naaakyat nila.
"Aray! Tsk! Ang KJ mo naman ate!"-girl 1
"Sorry pero trabaho lang ho."
"Hays! Ewan ko sayo ate! Pero bakit kasi ayaw niyo kaming papuntahin dun? Ang dami kayang gwapo sa night class!" Kinikilig na sabi ni ate. Whoot?! Gwapo daw oh! Parang gusto ko tuloy pumun---Wait!
"Principal's office or go back to your dorms?" Cold kong sabi. Ha! Kala mo mauuto mo ko? Haha! Kamuntik na.
Umalis na yung dalawang babae na nakapout. Haha! Ang cute lang.
Tinignan ko yung gate na papuntang night dorm. Halatang secure siya at medyo creepy yung aura.Brrr.. goosebumps.
"Well well well, what do we have here? Isn't this Ms. Margarette Aries Florestine from day class?" Sabi nung lalaki na bigla nalang umappear.
"Paano mo ko nakilala? Sino ka ba?" Aish! Ang weird na talaga dito. Ang daming nakakakilala sakin pero di ko naman kilala. Naks! Sikat na ba ako? Hahaha!
"Uhm, let's just say na sikat ka sa buong night class." Di lang pala siya mag-isa, dalawa sila. Yung isa nga lang parang may nakakatakot na aura. Tinignan ko ng mabuti yung kasama nya..
"Ace? Ikaw ba yan?" Turo ko dun sa lalaking kasama nitong kausap ko.
"So kilala mo pala siya. I'm Prince Lian Scott nga pala." Sabi ng kausap ko at nagbow pa. So siya pala si Prince Lian ha.
Pero may napansin ako, curfew hours na ah! Bakit pa to nandito?"
"Hoy! Bawal na kayo dito! Curfew hou---" di ko natuloy yung sasabihin ko. Napansin ko na iba ang uniform nila. Yun yung uniform ng night class.
Kinabahan ako bigla. Nanghina bigla ang tuhod ako at humawak sa stelfia na nasa bulsa ko. Stelfia, isang weapon na binigay sakin ng principal kanina. Isa itong vampire hunter's weapon. Na kapag dumikit sa bampira ay makukuryente sila.
Nag-ipon muna ako ng lakas bago magsalita.
"Tell me. Are you vampires?" Tanong ko with full force. Kinakabahan ako eh.
"Smart girl. Buti naman at nahalata mo." Humakbang siya palapit. Ang gwapo pala niya. No wonder playboy 'to. May maipagmamalaki eh. At kung bakit gusto to ni Rosemarie. Pero playboy ito eh!
"A-ahh.. Ano, may duties pa ko. Sige gotta go." Tatalikod na sana ako pero biglang may humawak sa kamay ko.
"Not so fast honey~ We're not done yet." Nilapit nya yung kamay ko sa bibig nya.
"A-anong g-gagawin mo?!" Dinilaan nya yung small part ng palad ko. Di ako makagalaw. Parang nabato ako sa kinatatayuan ko. Mommy! Help me! Ay wala pala akong Mommy psh!
"I'm just gonna test kung totoo ang mga sabi-sabi na masarap daw dugo mo?" Nanlaki mata ko. Masarap dugo ko? Hala ano ba yan!
"AHHHHH!" Naramdaman ko yung pagbaon ng pangil nya sa balat ko. Masakit. Napakagat nalang ako ng labi.
"Sinong nagsabi sayo na pwede mong gawin yan sakanya?" biglang may nagsalita. Tinignan ko kung sino. Biglang nanlaki ang mga mata ko.
"J-Jeremy?!" Si Jeremy? At nakasuot siya ng uniform ng mga night class. "V-vampire k-ka?" I said in a sad tone. Bakit ba karamihan sa gwapo dito bampira?! Wala na bang normal?!
Tumango siya at yumuko. Like the hell?!
Nakita kong lumapit si Ace kay Lian.
"Bro let's go." Sabi niya in a cold voice. Nasan na yung Ace na una kong nakita? Bipolar ba 'to?
Tinignan ko ulit yung kausap ko. Naalala ko ulit na bampira pala toh.
"So bampira ka pala."
"Oo. So alam mo na? Pero please, let me be friends with you!" Tinignan ko siya in disbelief.
"Ako? Makikipag-kaibigan sa mamatay tao? Vampire ka dba? Why would a human be friend with a blood-sucking creature? You murdurer! Lahat kayo! Pwe!" Dumura ako. Nandidiri ako sa kanila. Lakas ng loob nila para pumatay. Para saan? Para lang sa pangangailangan nila? Tch I hate them all!
Yumuko siya. Ako naman hindi alam kung saan galing lahat ng sinabi ko. Maybe because of hatred and anger. Mga mamamatay tao.
"I won't hurt you I promise. I won't let anything happen to you." Humakbang siya palapit sakin. Agad kong nilabas yung stelfia at tinapat sakanya.
"Wag kang lalapit! Wag na wag kang lalapit! I-I n-need to go!" At tumakbo na ko papunta sa dorm ko. Baka kung ano na mangyari eh. Nanginginig yung buong katawan ko.
Medyo binagalan ko na yung takbo ko. Napagod ako sa ginawa kong pagtakbo. I feel frustrated all of a sudden.
"Uy!"
"Ay pusanggala!" Kota na talaga 'tong si Zhean sa pangugulat ah.
"Tss anong nangyari sayo? Bakit may sugat ka sa kamay?!" Dun ko lang napansin na may sugat nga. May lumalabas na dugo pa nga eh.
"Ha? Hindi wala! Wala to. Nadapa lang ako." Tinago kung yung kamay ko sa likod ko.
"Tss patingin!" At nakuha nya kamay ko . "Nakagat ka?" Tanong nya. Binalik ko ulit yung kamay ko sa likod.
"H-hindi ah!" Sige magsinungaling ka pa.
"Nakagat ka eh! Tss! Halika nga!" Hinila nya ko papunta sa may bench.
May kinuha siya sa bulsa nya. Bandage lang naman. Wow! Boy scout! Hahaha!
"Ayus ka na?"
"Oo ayus na." Sabi ko.
"Sa susunod kasi wag ka nang lalapit sa mga yun. At saka dapat tinawag mo ko." Sabi nya.
"Oy itay. Hays!" Mas malala pa 'to kay Daddy eh.
"Tch." Aba tarayan ba naman ako? Ay! Magtethank you pa pala ako.
Nilapitan ko siya. At hinalikan sa cheeks. "Thank you." Ngumiti ako. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Hindi gumagalaw eh. Kung nagtataka kayo bakit ko siya hinalikan eh pwede naman yung simpleng thank you nalang, ewan ko haha nakasanayan ko na eh.
"Hoy.." Tapik ko sa pisngi niya. Mukhang nakarecover na. Tumawa ako. Haha! Ang epic ng mukha niya haha! Sayang hindi ko napicturan.
"A-Ano?" Nauutal siya. The heck! hahaha! Lalo akong natatawa pero pinigilan ko na lang.
"Sabi ko thank you! Bingi! Tch."
Inirapan niya lang ako. Ew so gay! Haha!
"You're welcome." Bulong niya. Rinig ko naman. Tapos nakita kong namumula siya. So cute! Haha!
"Anong sabi mo?" Kunwari hindi ko narinig yung sinabi niya. Sarap niya kasing pagtripan haha!
"W-Wala! Dyan ka na nga! Tch" At saka ako iniwan dito. Bait niya promise! Psh. Pero hindi ko mapigilang mapangiti sa mga actions niya kanina. Laughtrip talaga hahahaha!
ㆁ彡ㆁ彡ㆁ彡ㆁ彡ㆁ彡
Vote&Comment!
BINABASA MO ANG
Valliere Academy: School of Vampires [EDITING]
Vampire"Enroll at your own risk" --- Margarette never thought of going inside a prestigious school would be terrifying. She starts to discover things that aren't suppose to be. Then she discovers that some of the students are vampires. Would she leave that...