I woke up in a very unfamiliar place. Putcha nasan ako!? Bakit ang dilim?
"Hello?" I said as I also heard the echoes of my voice. Ano ba itong lugar na ito?
I felt shivers all over my body nang biglang humangin ng malamig. Huhuhu ayoko na sa lugar na ito. It's creeping me out!
Hindi ko namalayan na may bato na hindi kalakihan sa harapan ko kaya nadapa ako. Takte ang dilim naman kasi eh!
Parang may basa akong nahawakan. Malagkit siya. Ang baho.. amoy dugo!? Dugo?!
I could see corpses and blood everywhere. Nakakatakot. Nasaan ba ako!? Bakit ako nasa lugar na ito?!
May naanigan akong nilalang sa may bangang dulo ng lugar na ito. Kung saan nandun ang isang tumpok ng mga patay.
Nang medyo naanigan ko na ang kanyang mukha, nanlaki ang mata ko.
S-Siya?
"Jeremy? Anong ginagawa mo dito? Nasaan ako!?" Sigaw ko. Naiiyak nanaman ako.. Natatakot ako ngayon. Ano ba ito!?
Ngumiti ang nilalang sa harapan ko at nakatingin sakin? Ay hindi sa likuran ko.
Paglingon ko, nakita ko si Zhean May hawak na baril, Ang Bloody Rose. A gun specially made for a skilled vampire hunter. At nakatutok ito kay Jeremy.
*BANG!
Jeremy was shot directly at his heart and he immediately turned into bits of crystals. I felt tears all over my cheeks. Anong nangyayari?!
"Zhean!? Bakit mo ginawa yun!? Why did you kill him?! Bakit mo siya pinatay?!" Umiyak ako nang umiyak.
Tinignan lang ako ni Zhean ng malamig at itinaas nanaman ang kanyang baril at tinutok..S-Sa akin!?
"DIE! DIE ALL YOU VAMPIRES!" sigaw niya at pinutok ang baril. Tumama ang bala ang puso ko.
Vampires? Bakit ako nasama dun? Nababaliw na itong Zhean na ito o ako ata ang nababaliw na. Eto na ba ang katapusan ko? Zhean bakit? Hindi ako bampira! Hindi!
***
Napamulat ako at napatayo sa hinigaan ko. Panaginip ba yun? Isang bangungot lang?
Chineck ko sarili. Wala naman masakit besides sa ulo ko. Wait nasaan naman ako ngayon? Atsaka bakit iba na yung suot kong damit!?
"Glad you're awake." May biglang nagsalita sa may pinto. Nakasandal siya sa wall at naka-cross ang arms.
"Y-Yeah. T-Teka nasaan ako!? Atsaka sino ka? At bakit iba na ang suot kong damit!?" Baka nirape niya ko! Baka pinagsamantalahan niya ko habang natutulog! Tapos mabubutis ako tapos hindi niya pananagutan. Ano nalang ang sasabihin ni Daddy? Teka diba dapat pagfirst time dapat masakit yung ano ko? Pero hindi naman.
"H-Hoy kung ano ang iniisip mo dyan nagkakamali ka!"
"Alam mo ba ang iniisip ko? Bangag ka ba?"
"Tsk ikaw na nga tinulungan eh."
"Kahit na! Baka.. baka.. NIRAPE MO KO!"
Napatigil siya tapos.. Tumawa? Baliw na ang isang ito. Pagulong gulong na sa sahig eh. Tapos nawalan ng hininga tapos namatay.
Sempre joke lang yun.
"H-Hoy! Nababaliw ka na ba? Anong masama sa sinabi ko!?"
"Eh kasi ikaw! Hahaha ikaw? Rerapin ko? Aba matinde ka ah. Wag kang assuming! Hindi ikaw ang tipo ko." Parang sinasabi niyang wala akong appeal!
"Eh bakit ako nandito? Anong lugar ba ito?"
"Hindi ba halatang kwarto ko? Tsk atsaka nakita kita kanina sa kalye nakahandusay kaya dinala kita dito sa bahay ko. Atsaka kung bakit iba na yang suot mong damit kasi po ang dumi mo. Halos magkulay itim na ang puting uniform mo. Ano bang nangyari sayo?"
BINABASA MO ANG
Valliere Academy: School of Vampires [EDITING]
Vampire"Enroll at your own risk" --- Margarette never thought of going inside a prestigious school would be terrifying. She starts to discover things that aren't suppose to be. Then she discovers that some of the students are vampires. Would she leave that...