Chapter 17

131 4 0
                                    

Natapos ang araw na ito sa isang iglap. Sa sobrang bilis hindi ko namalayan ng nasa harapan na ko ng pinto ng dorm. Gumaling na yung sprain ko kaya pwede na ulit makalakad.

Pagbukas ko ng pintuan ng unit namin. There's no any sign of Alexa anywhere. Nasaan na kaya yung babaeng yun?

"Alexandria?" Tawag ko pero walang nasagot. Mukhang wala pa ata siya.

Pero napansin ko. Medyo nagulo yung bedsheet ng higaan niya. Hindi niya naman yun iiwan na magulo. Baka nandito na siya.

Pumunta ako ng kusina at nakita kong naka-on ang coffee maker namin. Eh si Alexa mahilig sa kape yun. Kumuha ako ng dalawang baso at hinanda yung kape.

Pumunta naman ako sa terrace. Ang ayun nandun nga siya. Relax na relax na nakaupo habang tahimik na nagbabasa ng libro at may nakasaksak na earphone sa kanyang tenga. Kaya pala hindi niya ko naririnig.

Bumalik ako sa kusina at kinuha yung dalawang kape ng prinepare ko.

Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa kanyang balikat. Medyo na gulat siya sa ginawa ko.

"Hey." Sabi ko at inabot ang isang baso ng kape sa kanya.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay sumipsip siya sa kanyang kape at muling nagbasa mg libro. Aba tapunan ko 'to ng kape eh.

"Hoy grabe ka! Ganun nalang yun? Hindi mo ko kakausapin?" Sabi ko. Ano bang dinadakdak ko dito? Sanay na rin naman akong ganyan si Alexa pero may gusto akong malaman sa kanya. Parang may nangyari kanina kaya naging ganyan yan.

Binaba niya ang librong binabasa niya at tinanggal ang earphone sa kanyang tenga.

Tumayo siya habang dala-dala ang kanyang kape at sumandal sa railings ng terrace. Ginawa ko rin yung ginawa niya.

Maggagabi na at magiging delekado na pagnandito pa kami sa labas.

"Why are you spacing out?" I asked. Kanina pa kasi siya iwas ng iwas parang kala mo may nakakahawang sakit kami.

Umiling lang siya bilang sagot. Nice talking bitch. Ano ba naman 'to!

"May nangyari ba kaninang hindi maganda? Come on tell me, I'll listen."

Nakayuko lang siya at pinagmamasdan ang baso ng kape.

"Ano kasi--"

"AHHHHHHHHH!"

Bago pa man maituloy ni Alexa ang kanyang sasabihin, may biglang sumigaw. Nanggagaling ata sa likod ng dorm. Kailangan ko yun tignan baka kung ano ang nangyayari. Teka nasa third floor pa ko. Ugh! Ay teka.

Tumuntong ako sa railings ng terrace. Kaya ko ba 'to? Kung seswertehin ako, mabubuhay pa ko.

"H-Hoy Margee! What are you planning to do!?" Hysterical na tanong ni Alexa. Ngumisi lang ako.

"Planning something awesome to do I guess." Sabi ko atsaka tumalon papunta sa branch ng puno. Anong akala niyo sa akin? Tanga? Aba 3rd floor yun 'no baka mamatay pa ko kung sakali.

"This is stupid!" Rinig kong sigaw ni Alexa.

Nang makaabot na ako sa baba, agad akong tumakbo papunta sa likod ng dorm.

Agad akong nagtago sa likod ng puno. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Napakagat ako sa lower lip ko.

"Hmm.. ah! Sarap!" Sabi nung hinayupak na nilalang pagkatapos niyang higupan ng dugo ang isang inosenteng estudyante.

*SNAP!

"Sino yan?!" Sigaw niya. Nakaapak ako ng sanga ng puno. Shit naman!

"May.. tao ba dyan?" Feeling ko palapit na siya sa kinaroroonan ko. Napa-kapa ako sa bulsa ko. Double shit! Hindi ko dala ang stelfia ko. Anong gagawin ko? Margee isip ka ng plano para makatakas dito. Teka bakit nga ba ako tatakas? Matapang ako diba? Pero bampira 'tong kalaban ko for pete's sake! Lalo na't hindi ko dala yung stelfia ko.

"Parating na ko~" rinig kong sabi nung bampira. Better face this shit. Pero paano? Sobrang lamang ang lakas niya sa lakas ko.

Huminga ako ng malalim. As in parang dinukot ko pa sa kailaliman ng lungs ko.

Tumalon ako galing sa likod ng puno para harapin na 'tong hinayupak na 'to.

"Eh?" T-teka nasaan na yung bampirang yun? Eh?! Bakit nakadapa sa lupa yun? Eh!? Natalo ko na ba agad ng hindi ko nalalaman? Ang galing ko naman.

"Anong nangyare? Hey kuya? Are you still alive?" Lumapit ako dun sa lalaking bampira na nakadapa sa lupa. Tinusok-tusok ko pa yung pisngi. Patay na ba 'to?

"I wouldn't do that if I were you." Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa biglang nagsalita. Lumingon ako sa kinaroroonan niya. Teka parang familiar yung mukha niya ah.

"Sino ka?" Tanong ko. Hindi niya ko pinansin. Dumiretso lang siya sa lalaking kasalukuyang wala atang malay or patay na.

"What happened to him? Is he dead?" Tanong ko ulit.

"He's already dead. Dapat lang sa kanya yan. He's only one of the many eyesores in our society." Paliwanag niya.

"Sino ka ba? Bakit mo ko niligtas? Are you a vampire like him?" Oo na makulit na ko. Nacu-curious talaga ako sa kanya. Parang nakita ko na kasi siya from somewhere eh hindi ko lang marecall.

"Pagkakaalam ko, napakilala na kami, I mean ako ni Jeremy sayo diba? Hindi mo ba maalala?"

Ginamit ko na ang buong lakas ng utak ko para maalala siya. Teka, gwapo, maputi, perfect jawline-

"Elijah? Elijah Stephen Davis? Tama ba?" Sagot ko. Member din siya ng student council and he's one of THEM. Siya yung sabi-sabing laging top 2 sa buong batch namin. Sempre yung laging top 1 ay si Jeremy. At eto ata yung kinababaliwan ni Cass.

Ngumisi lang siya at naglakad na papalayo. Yun na yun? Aba bastos 'to ah.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Hindi ako pumunta dito dahil sa'yo. Nandito ako kasi naka-amoy ako ng mga nilalang na nagpapanggap na katulad namin. Its our responsibility na i-dispatch lahat ng mga vampires na nasa level E na. Yung lalaki kanina ay dating human na naging vampire. Maybe because he was bitten by a pure blood vampire or other higher ups." He explained. Walang pumapasok sa utak ko. Hays

"What do you mean by level E?" I need this information because I'm a SSO remember? Kailangan din 'to sa trabaho ko.

He sighed at humarap ulit sa akin. Hindi pa naman siya nakakalayo eh.

"A level E are vampires that can't control themselves. They kill people drawing in the authorities. If I mean authorities, its the vampire hunters." Tumalikod na ulit siya at nagsimula nang maglakad. Marami pa kong hindi alam!

"Teka! We're not done yet! Marami pa kong gustong malaman." Sabi ko. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"I shouldn't be the one telling you this. And I suggest na wag mo nang alamin ang tungkol sa amin. Mas wala kang alam, mas maganda. Ayokong madamay ka sa magulong mundo ng mga bampira. Have a good night sleep Ms. Margarette." Sabi niya at naglakad na papalayo hanggang sa hindi ko na siya makita.

Dahil sa mga sinabi niya, paano ako nagkakaroon ng good night sleep!? Eh inaatake nanaman ako ng curiousity ko! Anak ng tofu naman oh!

Valliere Academy: School of Vampires [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon