Chapter 9

175 7 1
                                    

Ilang minuto nalang lunch time na. Kinakabahan ako ewan ko kung bakit. I hate this feeling eh. Feeling ko may hindi magandang manyayari. Hays pwedeng magbackout?

KRING!

Ayan na lunch time na.

"Margee! Wanna join us for lunch?" Tanong ni Zayke.

"A-ahh pupunta pa ko ng library. Kokopya pa ng notes dun." Sabi ko. Galing mo talaga magsinungaling Margee. Nakita ko naman ang pagtataka sa mga mukha nila.

"Really? Sipag mo naman masyado. Sige mauna na kami. See yah later." Sabi ni Leyo at umalis na sila. Eh Leyo naman kasi kasalanan mo 'to! Huhuhu.

Huminga ako ng malalim kasi parang nakalimutan ko atang huminga.

Tulad nga ng napag-usapan kanina, papunta na ko ng rooftpop. Buti wala masyadong napunta dun sa rooftop boring daw kasi eh ang sarap kayang tumambay dun.

Habang naglalakad ako papunta dun, may narinig akong usapan.

"Magiging akin na siya." Nagtago ako sa likod ng isang halaman sa hallway. Yung parang puno. Mahirap na baka makita nila ako.

"Sino? Yung transferree?"-unknown alien 1. Transferree? Sino kayang transferree?

"Yes. Magiging akin na si Margarette." Sabi ng isang pamilyar na boses. Margarette!? Ako ba yun? Haluuh! Pero marami naman sigurong Margarette sa school na 'to eh. Hindi naman siguro.

Sisilip sana ako nang..

*BAAAAAG!

Nagtumba yung halaman. Omg! Isip ng paraan Margee dali!

"SINONG NANDYAN!?"sigaw nung isa. May mga narinig akong mga yabag ng paa papunta sa pwesto ko.

In 1..2..*Hinga ng malalim*

3!! TAKBOOOOO!


Tumakbo ako ng mas mabilis pa sa hangin paalis sa lugar na yun. Actually sa rooftop talaga punta ko eh.

Pagdating ko sa rooftop, walang tao. What the? Siya nagsabi na sa rooftop daw eh mukhang niloloko niya ko ah. Hays! Sayang pala ang pinunta ko dito.

Bababa na sana ako pero pagbukas ko ng pinto..

"WAAAAAH!!"

*BOGSH!

"Fvck! What was that for?!" Sabi ni Jeremy habang hinihimas yung pisngi nyang nasapak ko.

"Eh bakit ka kasi nanggugulat!? Halos atakihin na kaya ako sa puso! Bwiset ka! Alis nga dyan! Baba na ko."

Pababa na talaga sana ako kung hindi lang ako hinila sa braso.

"May usapan tayo dito diba? Bawal ka nang magbackout." Sabi niya with a serious tone. Huh! Kala mo nakakakot ako? Utot mo!

"Magbaback-out ako hangga't gusto ko, wala ka nang magagawa dun so alis!" Tinulak ko siya pero yung mahina lang.

Hinila niya nanaman ako.

"Ano ba---" di ko natuloy yung sasabihin ko kasi nakita kong nakayuko siya.

"Bakit ba ayaw mo kong pagbigyan?" Mukha siyang nakakaawa. At naawa naman ako. Hays! Ano ba naman to!

"Eh kasi.. tigilan mo na ko. Vampire ka, human lang ako. Mahirap na." Wala kasi akong tiwala sa kanya. Baka kasi motibo nya 'to at malalaman ko nalang botcha na ko sa palengke or something like that.

"Masama na bang makipagkaibigan ako sa'yo? Di naman kita sasaktan. Iba ako sa mga iniisip mo. I can control myself. Or maybe I can protect you. I promise."

"Eh kung hindi mo nacontrol ang sarili mo? Would you still keep your promise not to hurt me? There are some circumstances that may happen Jeremy and I may not trust my life to you."

Buhay ko ang pinaguusapan dito. Kung ipagkatiwala ko naman ito sakanya, baka kung ano na mangyari. It's either I die or I die. Wala nang ibang choices.

"Bakit hindi natin subukan diba?" Nagform ng ngisi ang lips nya.

"H-ha? Ang tigas talaga ng mukha mo ah. Ayaw talaga akong tantanan?" Naiinis na ko sa kanya. Sa presensya niya. Sa lahat ng about sa kanya! Kinaiinisan ko.

"Kaya nga itry natin diba? Teka yung lunch natin nakahanda na dun. Let's eat first!" At pumunta siya dun sa may nakalatag na cloth parang pang picnic. Pinaghandaan talaga ah.

Pumunta na ko dun at umupo. Naglabas naman siya ng mga lunch box. Bubuksan ko sana pero napaisip muna ako..

PAANO KUNG HINDI PAGKAIN NG TAO ITO!? PAANO KUNG BAKA PARTE NG KATAWAN NG TAO O HAYOP ITO!?

Nahalata niya sigurong nagaalangan akong buksan yung lunch box.

"Wag kang mag-alala, human food yan just so you know." Tumawa siya. Anong nakakatawa dun!? Binatukan ko siya napa-Aray naman siya.

"Tss! Ewan ko sayo! Kumain ka na nga lang! Hmp!" Narinig ko pa siyang tumawa. Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang. Ang sarap ah. Siguro nagpaluto sa chef nila. Mayaman naman sila eh.

"Masarap ba? Ako nagluto niyan."

"WEH!?" siya nagluto ng hulog ng langit na to!? Weh!? As in weh talaga!?

Tumawa siya at ngumiti ng parang kala mo nagtagumpay siya. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

Lalo pala siyang gumagwapo pag nakangiti. Lagi naman siyang nakangiti pero bakit ngayon ko lang naappreciate yung mga ngiti niya sa akin? Baka dahil pinagluto niya ko ng masarap na pagkain.

Ok ganun nga. Walang meaning pang iba. Hays

Valliere Academy: School of Vampires [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon