Chapter 6

185 10 0
                                    


"Mommy?"

"Everything is gonna be alright baby. Trust me." She smiled, a very sad smile.

"Mommy? Mommy don't leave me please!"

"I'm sorry baby. But you need to be safe. I love you so much baby."

"Mommy?! Mommy! MOMMY!"

---

"MOMMY!" Nagising ako bigla. Basang-basa ako ng pawis at nanginginig ako. Di ko maiwasang hindi umiyak.

Ang mommy ko. Di ko naman maalala na nangyari yung pangyayaring yun.

Mommy, ano bang nangyari noon? Bakit wala akong maalala?

"Gising ka na pala."

"Ay nanay ko!"  bigla ba namang nagsalita, eh nagmumuni-muni pa ko.

"Tss.. Ayus ka na ba?" Dun ko lang napansin na nasa clinic kami. Hala! Di na ko nakapasok sa klase ko.

Humiga nalang ulit ako. Tinakpan ko yung mata ko gamit ang braso ko. Magsisink-in pa yung nangyari kaninang umaga at yung napaginipan ko. Naramdaman kong umupo si Zhean sa gilid na kama.

Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Yung tungkol sa vampires at yung tungkol sa nangyari noon na wala naman akong maalala.

"Zhean?" Might as well na ilabas ko na ito baka sumabog ako.

Biglang may gumalaw. Nagulat siguro.

"Hmm?" Feeling ko natingin siya sakin ngayon.

"Ganun ba talaga ang mga bampira?"

"Oo." Straight na sagot nya.

"Eh bakit may mga ganung nilalang sa school na to? Di ba kayo aware na pwedeng may mga madadamay na inosente na walang kaalam-alam na may mga blood-sucking killers dito?"

I heard him sigh. "Itong school na to, it is specially made for vampires only.."

"Eh bakit may mga huma---"

"Mamaya na questions. Let me finish first so shut up." Sumimangot ako. Grabe ha maka-shut up naman tong gagong to.

"San na ba ko?"

"Nandito ka pa naman sa clinic wag kang magalala." Sarcastic Kong sabi. Then I rolled my eyes.

"Tss! Shut it! Valliere Academy is a school especially made for vampires only because this school is owned by a vampire." Huminga muna siya ng malalim bago ipagpatuloy ang sinasabi niya.

"Katulad nga ng tanong mo, bakit may humans dito? Kasi para daw matugunan ang pangangailangan ng mga vampires.. that is to suck blood for food."

"Nung una halos wala nang matirang humans dito. Kaya yung nakatataas ay naisipang gumawa ng alternative for blood. ALTB-XX yung name nung gamot. Para lang siyang capsul pero pagnilagay sa tubig parang nagiging dugo yung tubig."

"Hanggang ngayon ginagamit parin yun ng mga ito. Pero hindi parin ito katulad ng lasa ng dugo ng tao. Kaya minsan nambibiktima pa sila. Hindi naman yun maiwasan kasi mga vampires yun."

Nakatingin lang ako sakanya. Buti di ako nakatulog. Haba ng explanation nya eh.

"Ahh.. Ok naiintindihan ko na.." kahit hindi ".. Anong oras na ba?"

"Lunch time na. Tumayo ka na dyan."

Paglabas namin ng clinic, may nakita akong lalaking nakasandal sa wall. Uy! Si ano yun ah!

"Uy! Jeremy, right?Anong ginagawa mo dyan?" Masaya kong bati.

"Ha? Ah wala lang. Masama na bang sumandal dito?" Sabi nya sabay kindat. Waaah! Natunaw ata ako?

"Ah hindi naman. Nakakapagta--" di ako pinatapos ni Zhean kasi bigla siya nagsalita.

"Lewis anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ni Zhean.

"Ay? So parang bawal na pala ako dito? Ang sakit naman nun Kyle! Do you really hate me that much?" Sabi ni Jeremy na may mapang-asar na tono.

Huh? Did he just call him Kyle? Diba Zhean pangalan nito? What the hell?

"Sinong Kyle?" Tanong ko kay Zhean pero hindi niya ko pinansin. Deretso lang siyang nakatingin kay Jeremy. Feeling ko any time magsusuntukan na 'tong dalawang ito.

"Umalis ka na dito. Alam ko pakay mo. Wag mong ikalat ang lagim mo dito." At hinila na ko ni Zhean paalis sa lugar na yun leaving Jeremy with a smirk on his lips.

Anong problema ng Zhean na to? What's happening to the world? @_@

Wait gutom na pala ako. Canteen here I come!

---

Nandito kami sa canteen. Kasama ko yung mini circle of friends ko. Nawala nalang bigla si Zhean nung pagdating namin dito. Buti nalang at nakita ko sila Leyo.

"Talaga? Bakit? Anong bang nagawa ni Jeremy Kay Zhean?" I just shrugged. Kahit ako hindi ko alam kung bakit ganun ang pakikitungo ni Zhean Kay Jeremy. Parang may nangyari sa pagitan nila kaya ganun.

"Guys! Alam niyo ba nakita ko si Klein kanina! Pota ang gwapo! Lalo na nung smile niya! Shete nakakalaglag bra!" Kinikilig na sabi ni Zayke. Natawa kami sa itsura niya. Namumula siya tapos nakatanga pa. Mukhang nagda-daydream ang isang 'to.

"Oh talaga? Edi nalaglag bra mo?" Natatawang tanong ni Leyo.

"Malamang hindi! Duh! Pero ang gwapo niya talaga---asdfghjkl" nagkwentuhan lang sila. Hindi ko na nga sila maintindihan eh.

Hindi talaga maiwasang ma-curious kung bakit parang ang tindi ng galit ni Zhean Kay Jeremy.

Ugh! Those two! Ginugulo nila utak ko!

Valliere Academy: School of Vampires [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon