I've never thought na makakasama ko sila. And worse, nasa iisang kwarto lang kami. We're having a meeting about sa nalalapit na athletic meet up. Isa itong event na tungkol sa sports kung saan maipapakita ng mga estudyante ang kanilang skills at talents sa sports.
At itong meeting na ito ay nagaganap dahil doon. Kasama ngayon ang mga nakakatakot,mamamatay,walang awa,gwapo,maganda,elegante,mayaman,sikat- in short, I am with the vampires. Who? Kailangan ko pa bang i-mention? Sina Lian,Ace, Klein at Elijah at Justine (yung tatlong ngayon ko lang nakita pero shet ubod ng gwapo.) At sempre ang student council president, si Jeremy. Ngayon ko lang nalaman na siya pala ang student council president ng school. I don't know if its a good or a bad thing.
Bakit ako nandito? Hindi ko alam. Kesyo kailangan daw ang SSO dahil para sa kaligtasan ng estudyante. Like the fudge naman! Paano ako makakapagenjoy sa araw na yun diba? Unfair naman nun.
"Since everyone's present let us proceed to our plans for the upcoming athletic meet up.." panimula ni Jeremy at nagsimula na silang magbigay ng kani-kanilang mga opinion at suggestions. At kaming dalawa naman ni Zhean, eto nakatanga. Kausap yung hangin. Ano pa ang silbi namin dito!? Takte naman oh!
Tumayo ako sa kinauupuan ko.
"At saan ka pupunta?" Seryosong tanong ni Jeremy kaya napatigil ang iba sa kanilang ginagawa.
"Uhh.. siguro sa labas? Duh.." I said as I rolled my eyes. Dahilan ng marahas na pagtayo ng aming student vice-president na si Cherice Shaina Winchester ba ito? Yung girlfriend ni Lian.
"Wala kang karapatan na sabihan si Lord Jeremy ng ganyan." Sabi niya tapos lumapit sa akin at sinampal ako.
Nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari. Hawak-hawak ni Jeremy ang leeg ni Cherice. Sinasakal siya.
Tumingin ako kay Jeremy Pula ang kanyang mata at si Cherice naman ay halatang hindi na makahinga.
Pinipigilan na nila Klein at Elijah si Jeremy. At si Lian naman ay nakatayo lang sa isang tabi habang nakangisi. So much for being a great boyfriend tch
"Don't you dare hurt her Cherice. Dahil sa susunod na saktan mo siya, hindi ako magdadalawang-isip na pahirapan ka. Is that clear?!"
"Tama na yan Jeremy. I'll just talk to my girlfriend later." And there's Lian to the rescue. Girlfriend niya yung tao tapos hindi niya manlang pinagtanggol ang sariling gf?
Binaba ni Jeremy si Cherice na kasalukuyang hinahabol ang kanyang hininga. At isang masamang tingin ang ipinukaw sa akin bago tumayo at bumalik sa kanyang pwesto.
Nagkabit-balikat lang ako atsaka nagtungo sa labas. Sinundan naman ako ni Zhean.
"No need to follow me." Sabi ko kay Zhean.
Umiling siya. "Sinong nagsabi na sinusudan kita? Pupunta ako sa dorm. Assumera." I rolled my eyes. Sama talaga.
"Ok sabi mo eh." Nagiba ako ng direksyon. Papunta ako sa cafeteria. Nagugutom ako eh. Nawala nalang bigla si Zhean. Ang bilis naman nun.
Pagdating ko doon. Nagorder agad ako ng isang slice ng chocolate cream pie atsaka milkshake at humanap ng mauupuan.
Doon ako sa isang sulok ng cafeteria. Hindi naman masyadong marami ang tao dahil hindi pa naman break time. Siguro ito yung mga taong mahilig magcutting class. Wala naman akong pake dun.
"Do you mind if I join you?" What the?!
"Wag dito. Sa iba nalang." I said coldly while taking a bite of my pie. Bakit siya? Muntik na kong mapatay nito diba?
"How rude. Makikiupo lang naman ako." Sabi ni Lian sabay pout. Not cute at all.
"Bakit dito? May sariling cafeteria ang night class diba?"
BINABASA MO ANG
Valliere Academy: School of Vampires [EDITING]
Vampire"Enroll at your own risk" --- Margarette never thought of going inside a prestigious school would be terrifying. She starts to discover things that aren't suppose to be. Then she discovers that some of the students are vampires. Would she leave that...