Chapter 2

282 10 0
                                    

Kahit na medyo nakakatakot ang itsura ng school sa labas, bawing bawi naman ang sa loob.

Pagpasok mo sempre una mong mapapansin ang building ng school. Malaki ito at luma ang disenyo ngunit hindi ko pa rin maipagkakaila na naamaze ako. Pinagmasdan ko ang paligid ko. Sa kaliwa, may maluwag na field para sa sports, katabi nito ay garden. Mukhang alagang alaga ang mga halaman dito at may green house din. Sa kanan naman may mga puno tapos may mga nakapalibot na tables sa paanan nito. May small lake din dito at may bridge across nito. Mukhang dito ang tambayan ng mga students.

Nakarinig ako ng mga sigaw at bigla na lang nagkaroon ng maraming tao sa harapan ko.

"Ouch!" Angal ko nang sumalampak ako sa sahig. May nakasanggi sa akin causing me to fall down. Ang sakit ng balakang ko dun ah.

May nakita akong kamay sa harapan ko. Tumingala naman ako para malaman kung kanino yun.

"Here let me help you get up." Sabi niya tapos nilahad yung kamay nya at kinuha ko naman. I felt my cheek heat up. I must me blushing right now. I can't stop staring at him at ganun dim siya. His face, his hair and his eyes. Damn! Bakit parang nakakita ako ng prince charming sa harapan ko? Paano nakalabas ng libro ito? He's damn perfection! Ang gwapo!

"A-ahh t-thank you." I looked away. Napatagal ata ang titig ko sa kanya.

"Sa susunod mag-ingat ka princess." At hinalikan yung kamay ko. I felt my heart skipped a beat. Kalma Margarette, humalik lang ang prinsipe sa kamay mo. Wala lang yun okay? He's just a gentleman. Dammit! Kinikilig ako!

He smiled at me one last time at umalis na sila. Oo sila. Isang grupo sila. Anim na lalaki at isang babae. Yung babae ata boyfriend yung isang lalaki dahil nakakapit siya sa braso nito. Looking at them para silang mga prinsipe at prinsesa!

I frowned when I realized that I forgot to get the name of the guy just now.

Tatawagin ko sana kaso wala na nakalayo na. Someone grabbed my arms, pulling me away from the crowd. Akala ko tuluyan na ako iniwan ng isang 'to.

"Zhean kilala mo ba kung sino yung lalaki kanina?" I asked

"Sila? Hindi mo na kailangan malaman." Sabi nya at naglakad na ng mas mabilis. I pouted. Ang sungit niya naman.

"Kanina ayaw mong sabihin yung dahilan kung bakit ganun yung Charles tapos ngayon ayaw mo ipaalam o ipakilala sakin yung mga lalaki kanina. What's your problem?" I scoffed at him.

"Kasi HINDI mo dapat malaman. Rules yun dito kaya wala kang DAPAT malaman." Diniinan niya talaga yung pagkakasabi sa "hindi" at "dapat".

Rules? I don't know such rules. Kung sabagay, hindi ko pa nababasa ang student handbook.

Hindi na lamang ako nagsalita at patuloy kaming naglakad sa corridor. May mga estudyanteng nakakalat pa sa hallway at napatigil sila nang makita kaming dalawa ni Zhean. Yumuko at hinigpitan ko ang hawak ko sa bag when I started to feel uncomfortable with their gazes at me.

Dumeretso na kami sa principal's office. Kumatok si Zhean sa pinto.

"Come in." Sabi ng boses na narinig ko galing sa loob.

Lumingon ako para tingnan sana si Zhean ngunit wala na ito sa tabi ko. Saan nagpunta yun?

Pumasok na ko sa loob. Ramdam ko pagkabog ng puso ko. Damn parang sasabog ito sa sobrang kaba.

"U-uhm.. excuse me?" mahina kong sabi. Mas lalong dumagdag ang kaba ko nang makitang madilim ang kwartong ito. At ang tanging tunog ng pagbukas ng pinto ang maririnig mo.

"Ms. Florestine, I was expecting you." Sabi ng boses mula sa may table. Nakatalikod ang swivel chair nito at unti-unting humarap sa akin. Tumambad sa akin ang isang pigura ng babae. Medyo madilim at tanging ilaw na nagmumula sa maliliit na espasyo ng kurtina ng bintana ang nagsisilbing liwanag sa kwarto.

"Goodmorning po Ma'am." Sabi ko then nag-bow.

"Sit." At automatically umupo ako.. Sa sahig. Kinakabahan pa rin ako at nanlambot bigla tuhod ko.

Narinig kong tumawa si Ma'am. Yung as in humagalpak sa kakatawa. I blushed because of embarassment.

"I'm Ms. Angielique Simon, head principal of this school.." tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad-lakad habang ako nakaupo na sa upuan. "This school is not your ordinary school Ms. Florestine." Biglang bumilis yung tibok ko. Kinabahan ako bigla.

"What do you mean by 'not my ordinary school'? Tanong ko.

"Secret! Enjoy your stay here Ms. Florestine, here's your student handbook. Its important to know the rules and regulations of this school. Now, off you go. You'll have your personal tour guide para maikot mo ang buong school." Sabi niya at bumukas na ang ilaw. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Zhean na hawak-hawak ang switch ng ilaw.

"Oh! Mr. Presscott you're just in time. Ms. Florestine right here needs a guide around the school so inaatasan kitang maging tour guide niya." She smiled.

Narinig kong nag-'tsk' ang lalaking ito. Mukhang siya pa galit ah.

"Problem?" Tanong ko. Mukha kasing naiirita siya.

"Bakit ba kasi kailangan kitang ilibot dito? Mukha namang kaya mo na?" Wala talagang pake alam to sakin no? bait mo ah.

"Eh kung sipain kaya kita? Inutusan ka ni Ms. Simon diba? Kaya its your job to be my tour guide for today. So, saan yung classroom natin?"

Tinignan niya ko ng masama at lumabas na ng office. Tumayo na ko at nagpaalam kay Ms. Simon bago umalis.

Nakita ko si Zhean pero napakalayo na nito.

"Zhean! Wait!" Tawag ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako naririnig.

Binilisan ko pa ang paglalakad. Wrong move. Madadapa na ko. Napapikit na lang ako. Ready to fall na.

Naghintay ako ng ilang segundo pero walang sahig ang sumalubong sakin. In fact, may naramdaman akong  nakahawak sa bewang ko.

"I told you to be careful right?" Sabi nya at binitawan na ang bewang ko.

It took me 10 seconds bago magsink-in kung sino ang sumalo sakin.

"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa'yo. I'm Jeremy, Jeremy Ezekiel Lewis." Sabi nya at nilahad nya ang kamay nya para makipagshake hands. At ako naman nakatanga parin. Shit! Ano bang nangyayari sakin? I mentally slapped myself. Baliw na talaga ako.

"Nangangalay na ko." Biglang nagsalita yung kaharap ko.

Kinuha ko yung kamay nya at nakipagshake hands. "I'm Margarette, Margarette Aries Florestine or just call me Margee." I smiled at him at ganun din ang ginawa nya.

Napatitig kami sa mata ng isa't isa. Its like I'm trap in those eyes. Those deep, brown eyes. Mawawala na ko sa wisyo nang biglang..

"Hoy babae! Malelate na tayo sa klase!" Sigaw ng lalaki sa hindi kalayuan. Tinignan ko siya ng masama then I pouted. Thanks for ruining the moment Zhean.

彡ㆁ彡ㆁ彡ㆁ彡ㆁ彡ㆁ彡

Another edited chapter! Looking better right? Pero sempre hindi naman ako magaling na author so pasensya na kung medyo napapangitan pa din kayo :(

Vote, Comment & Share!!

Valliere Academy: School of Vampires [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon