Chapter 16

123 4 0
                                    

Today is the day! Yung araw na nakakabagot tuwing naaalala ko. Today is the Athletic Meet Up. Maraming students na pakalat-kalat sa buong campus at marami ring mga bisita at estudyante na galing sa iba't ibang schools. At ang nakakainis, kaming dalawa ni Zhean ang nakatoka para magbantay. Kasi nga maraming outsiders ang napasok dito.

Ang buong student body ay busy sa pagsasa-ayos ng mga clubs,events, at iba pa. Ang kulit nga eh. Dapat ineenjoy ko ang araw na ito pero anong nangyari? Eto nagbabantay ng mga estudyante ng Valliere. Bwisit.

Napadaan ako sa bilihan ng cotton candy. Yung parang ulap na may iba't ibang kulay. Parang ngayon lang ulit ako nakakita nito ah. Wala kasing nagtitinda nito sa lugar namin dati eh.

"Mukhang gusto mo nun ah?" Tanong sa akin ng taong bagong dating.

"H-Ha? Hindi ah. Why waste money on such a childish thing?" I said tapos inirapan siya. Pero sa to too lang, gusto kong makatikim ulit nun. Nakakamiss lang.

Ngumisi lang si Jeremy tapos bumili nung cotton candy at inabot sa akin.

"Anong gagawin ko dyan?"

"Try mong ibalik sa langit. Malamang kakainin! Bobo ka rin eh." Aruy bobo daw ako? How dare he. Parang ang talino niya ah. Well, matalino naman talaga siya. Siya ang rank 1 sa lahat ng estudyante dito. Mapa-day class or night class. Edi siya na matalino.

"Eh bakit mo binibigay yan sa akin?" Tanong ko.

"Huwag mo nang itago kasi. Alam kong gustong gusto mong makatikim nito." Sabi niya tapos kumuha ng piraso ng cotton candy.

"No I do-" magsasalita pa sana ako kaso bigla niya 'kong sinubuan nung cotton candy. Natawa naman siya. Pero infairness ang tamis nung cotton candy. I like it!

"O ano? Gusto mo pa?"

Tumango ako ng dahan-dahan. He chuckled. Tsk nakakahiya.

"Give me!" Sabi ko sabay agaw sa cotton candy. I know! Para akong bata. Pake niyo ba?

"Woah. Slow down. Hahaha kiss mo muna ako." Ngumuso pa siya. Tampalin ko nga yang labi niya.

"Ouch! Sakit nun ah! Aww my poor lips! Wala manlang kiss? Promise gagaling ulit 'to." Binatukan ko siya. Grabe ha.

"Kiss your face! Akin na nga yang cotton candy!" At sa wakas naagaw ko rin. Naghanap ako ng mauupuang bench at sinimulan ko nang lantakan ang matamis na bulak.

"Grabe parang ngayon ka lang ulit nakakain ng ganyan?" Sabi ni Jeremy sabay upo sa tabi ko. Hindi ako sumagot. Eh kung sa masarap yung cotton candy eh.

"I've heard na best friends ang Dad mo at Mom ni Zhean?"

"Oo." Mabilis kong sagot.

Mukhang may binulong si Jeremy. At mukhang tanga ang mukha dahil wagas kung makangiti.

"What's with the stupid face? Wag ka ngang ngumiti! Ang pangit mo." I rolled my eyes. Ubos na pala yung cotton candy. Mamaya bibili ulit ako.

"Ang sama mo naman. Alam mo bang ang daming gustong makausap sa akin? O kaya umagaw ng pwesto mo ngayon?" Napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang masasamang tingin sa akin ng mga fangirls ng lokong 'to. I just rolled my eyes. As if namang gusto ko rin 'tong pwesto ko ngayon.

"Sa tingin mo ba, gusto ko ring makasama ang isang katulad mo? Ikaw nga 'tong lapit ng lapit sa'kin eh. May gusto ka sa'kin 'no?" ngumisi ako sa kanya tapos siniko siya.

Natawa siya. "Dream on Margee. Pero malay natin diba?" Sabi niya sabay tayo at lumakad palayo sa akin.

"Hoy! Anong malay natin? Hoy! Saan ka pupunta?" nawala nalang siya sa aking paningin. Saan nagpunta yun? Teka bakit ko naman siya hinahanap? Nako. Makabili na nga lang ng makakain.

Valliere Academy: School of Vampires [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon