Chapter 13: Weird?

95 6 0
                                    

Elsa's Pov

Bakit parang ang weird nila Stella ngayon? Pansin ko lang kasi na kulang na lang eh e-glue sila sa magkabilang gilid ko dahil sa sobrang pagdikit nila sakin, it's like their being my personal body guard at ayaw nilang malayo sakin pag pupunta ako ng lady's room kailangan kasama si Stella kung sa ibang lugar naman kailangan kasama si Edward ang we-weird nila hindi naman sila ganito kahapon.

"Guys punta lang ako sa locker ko hah?" paalam ko sakanila since malapit na magstart ang klase at kailangan ko na kunin yung mga kakailanganin kong gamit

"Ah? Samahan ka na namin Elsa" pag insist ni Stella

"No thanks sis i can handle my self naman eh, dont be so weird" nakangiting sabi ko sakanya

Agad akong umalis bago pa humirit si Stella, pagpunta ko sa locker ko ay agad ko yung binuksan at may nahulog na note? Naks dati rose ngayon note? sino kaya naglalalagay ng mga ganitong bagay sa locker ko agad ko itong pinulot mula sa pagkakalaglag nito sa sahig, bubuksan ko na sana kaso biglang nagring ang bell kaya no choice kungdi ilagay sa bag ko at basahin na lamang mamaya, agad ko naman kinuha yung mga libro at onting notebook na kakailanganin ko at iniwan naman ang mga hindi kailangan at agad na sinarado ang locker ko at tumakbo pabalik kayla Stella.

"Let's head to our class immediately" sabi ni Edward at karipas naman kami ng takbo.

Pagpunta namin sa classroom ay agad kaming pinaupo ni Sir Mendez at agad naman kaming sumunod, pagka-upo namin ay nagsimula ng magturo si Sir, maya maya ay unti-unti nakong nagiging absent minded at nakatulala sa bag ko. Nacu-curious ako doon sa note eh parang something in me is forcing to open that note at ako naman ito nag da-dalawang isip pa, parang tanga na nga ako na kuha-bitaw version ng bag eh, yung parang kukunin ko na dapat pero ibabalik ko ulit at bibitawan, tapos ayun same scenario na naman.

"Miss Madrigal are you ok?" tanong sakin ni sir at dun lang ako tumino

"Ah y-yes sir" agad ko namang sagot

"Are you sure? you know you can go to the clinic to take some rest if you want"

"Yes sir, am perfectly fine" sabi ko, dahil sa pagtuon ng atensyon sakin ni sir ay natuon rin ang buong atensyon ng klase sakin, will you stay focus Elsa, pagsabi ko sa sarili ko, tumingin ako sa aking paligid at nakita si Stella at Edward na nakatingin sakin, haist pustahan tatanungin ako ng mga to mamaya, natapos ang klase namin at ayun punta naman kami sa next class namin.

"Oi sis anong eksena yung kanina?" tanong ni Stella

"Hah? Yung alin?" inosenteng tanong ko sakanya

"Don't play innocent Elsa, ano bang nagyayari sayo?" tanong ulit niya sakin

"Are you sure your okay Elsa?" tanong ni Edward

"Guys am perfectly fine, see?" sabi ko sakanila at itinaas ang dalawa kong kamay at umikot sa harapan nila, pagkaharap ko sakanila ay agad kong ibinaba ang aking dalawang kamay at tumayo ng tuwid, agad naman inilagay ni Stella ang kanyang kamay sa kanyang baba at inikutan ako na parang sinusuri ako.

"Well i guess your really fine" sabi niya sakin pagkaharap niya "Lets go baka mahuli pa tayo sa klase" pahabol pa niya, habang naglalakad kami ay hindi mawala sakin ang pag aalinlangan kung bubuksan ba ang anonymous letter na yun o hindi, might as well hindi na lang, it can still wait naman eh, were heading to Ms. Yuki's class now.

"Class am here to annouced that we will have an emergency meeting so i hope that all of you will stay peaceful and behave" pagkadating na pagkadating namin ay yan agad ang una namin narinig kay Ms. Yuki "And by the way if you want to make noises please minimize your voices will you?" tanong ni Ms. Yuki samin.

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon