Chapter 15: The New Comers

70 4 0
                                    

Elsa's Pov

"WAHH!!! Ang gwapo niya"

"Gosh, ang ganda nung girl oh"

"Ang sexy pa, pero ang gwapo talaga ng kasama niya"

"Like oh my G, their so like hot and gorgeous"

Ano ba naman to, kaaga-aga ka ingay-ingay, ano bang pinagkaka abalahan ng mga to? Di ba nila alam na nakakarindi na sila, kahit saan ako mag punta naririnig ko ang mga gantong usapan, siguro may mga bagong transferee na naman sa school, kaya nagkaka-gulo na naman.

Agad akong dumiretso sa room namin dahil di ko na talaga makayanan ang kaingayan sa labas, buti na lang at wala pang katao-tao sa room na ito. Agad kong kinuha ang earphone at cellphone ko sa bag tapos ay nagpatugtog muna ako, after a couple of minutes may mga nagsisipasukan na sa loob ng room...

"Grabe ang ganda nung bagong transferee natin bro, sa tingin mo ba magiging girlfriend ko yun?" sabi ng isa kung classmate, hay naku mga lalaki nga naman walang ibang inatupag kundi mang-babae.

"Mangarap ka na lang ng gising bro, mukhang mataray yung chick na yun" sabi naman ng kausap niya.

"Sus walang mataray mataray sakin bro, sa gwapo kong to? Magtataray pa siya? Dapat nga magpasalamat pa siya eh." confident na sagot nung classmate ko.

Speaking of makapal ang mukha, kala mo kung sinong gwapo, wala namang maibubuga pagdating sa salitang knowledge. Maya maya ay nagsipasukan na rin ang iba kong mga kaklase, of course with the same usapin parin, yung iba nag-uusap na maganda daw si ganito ganyan, yung iba naman na i-insicure kasi daw mas maganda o gwapo yung transferee kaysa sa kanila. Maya maya ay dumating na ang professor namin.

"Goodmorning class"

"Goodmorning Sir"

"Please remain standing to welcome our new students"

Maya maya ay lumakad si Sir sa may pinto para buksan ito, pagkabukas ng pinto ay may pumasok na dalawang lalaki at isang babae.

"Ok class, please greet our new students"

"Goodmorning" sabi ng buong klase sakanila, gosh ang gaganda at ang ga-gwapo nga talaga nila.

"Please introduce yourself infront of the class" utos ng professor namin sa mga bagong dating, naunang pumunta sa harapan ang lalaki na kulay blue ang buhak.

"Hello. Am Jack Orpheus, you can call me Jack for short." maikling pagpapakilala niya sa harapan naming lahat, maya maya yung babae naman na may kulay white sa laylayan ng buhok niya ang nagpakilala.

"Hello. Am Jeniffer Swift, you can call me Jeniffer or Jen for short" maikli ring pagpapakilala niya at agad na bumalik sa pwesto niya, sunod naman na nagpakilala ay yung lalaki na black ang kulay ng buhok.

"Hello guys. Am Arthur Koi, call me whatever you want, basta hindi yung mapang-insultong bansag, i hope we can all be friends" sabi niya sabay kindat niya na siyang nagpatili sa lahat ng babaeng nasa loob ng room Mukhang mas friendly pa siya kaysa dun sa dalawang nauna. Is it weird or sadyang ako lang yun? Para kasing habang nag i-introduce sila sa harapan nakatingin sila sakin, seriously? May dumi ba sa mukha ko? Matapos nilang mag pakilala ay pina-upo na sila ng prof namin at nagpatuloy na sa pag-lesson niya.

.

.

.

.

After ng mahabang haba na araw na pag-aaral ay break time na namin, actually hindi pumasok si Stella at Edward kaya ako lang mag isa ngayon ang kakain, sabi kasi ni Stella na masakit ang ulo niya kaya di siya papasok, habang si Edward naman ay may importanteng pupuntahan daw. Kainis nga eh, loner ba naman ako? After kong bumili ng pagkain ko ay naghanap ako ng mauupuan, hindi pa ko nanga-ngalahati sa kinakain ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Arthur.

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon