Chapter 21: Meeting The Rest

99 3 4
                                    

*Fast Forward*

Elsa's Pov

Grabe bermonth na ang bilis talaga ng panahon, parang dati lang mga bata pa kami, ngayon mga damulag na, my gosh naiiyak ako, syempre charot lang yun, pero seriously ang bilis talaga ng panahon... Eh, malapit na naman ang pasko, well malayo pa naman pero excited nako, ang alam ko kasi sa london kami magchri-christmas. Nandito nga pala kami sa park, tambay mode lang... "Elsa gusto mo ng ice cream?" yaya sakin ni Arthur

"Hindi wag na"

"Sure ka?" tanong niya ulit

"Yap, sige na bumili ka na muna" sabi ko at agad naman siyang umalis, actually kaming dalawa lang ang nandito, siya daw kasi ang nakatoka na bantayan "DAW" ako, papunta na rin naman daw dito sila Jeniffer, kaso matatagalan pa daw kasi may mga inaasikaso pa sila... Ilang minuto na ang nakalipas at hindi parin bumabalik si Arthur, kaya I've decided na gumala gala muna dito sa park, malaki kasi to, parang mga park sa america... habang naglalakad ako ay naisipan ko na pumunta muna sa may lake, para tignan yung mga bibe na nandoon, may ngbebenta din doon ng tinapay na pwedeng ipakain sa kanila, pagdating ko doon ay bumili na agad ako ng tinapay at pumunta sa may bridge na kung saan sila nagkukumpulan...

"Nandito ka rin pala"

"Hah? Hmm? Hi Zander?"

"Sino kasama mo dito sa park?"

"Si Arthur, kaso bumili muna siya kaya nagliwaliw muna ako"

"Pwede ba kita yayain na maglakad-lakad?"

"I prefer to be here na lang"

"Hmm, sige, gusto mo samahan muna kita dito?"

"Ok, it will be nice"

Arthur's Pov

Hmm, ang sarap talaga nitong ice cream nato, kaso ang haba ng pila doon, pagbalik ko sa may pwesto namin kanina ay wala na doon si Elsa, saan kaya nagpupupunta yung babaeng yun? Alam niya naman na bawal sa kanya ang walang kasama e, mayayari ako nito kayla Stella, over-protected pa man din yun sa bestfriend niya... Nilibot ko ang park, hoping na mahanap siya, pero di ko siya makita, nilibot ko ulit for the second time and i see her with that Zander guy again, agad kong naramdaman ang presensya nung Zander na yun, It feels really heavy, parang sobrang sama ng presensya niya, agad akong lumapit sa kanila, i did'nt even care kung mabastos ko na sila doon...

"ELSA?! Bakit kasama mo tong lalaking to?" agad kong bulyaw sa kanya

"Wala naman kaming masamang ginagawa ha?" pagdadahilan ni Elsa

"Oo nga pre" singit niya

"Back off Zander, di ikaw ang kinakausap ko" pagbabanta ko sa kanya

"Bakit? Girlfriend mo ba siya para magsalita ka ng ganyan sakin?"

"You piece of---"

Nararamdaman ko na humahaba na ang kuko at pangil ko dahil sa galit, hindi ko alam kung bakit yun ang nararamdaman ko, nakayukom ang kamao ko upang hindi mahalata ang paghaba ng kuko ko, agad hinawakan ni Elsa ang balikat ko, pagbaling ko ng tingin ko sa kanya ay parang nagmamakaawa siya na huwag ako gumawa ng eskandalo o wag na lang makipag-away, at dahil dun ay kumalma na lang ako... "Am watching you Zander, halika na Elsa umalis na tayo dito" sabi ko sa kanya at hinila siya ng tuluyan... What the heck is happening to me? Bakit ganun na lang ang galit ko?

Elsa's Pov

  "You piece of---" sabi ni Arthur at halatang humahaba na naman ang kuko niya, iniyukom niya agad ang kamao niya upang hindi yun mahalata, shit ayoko ng eskandalo dito... Agad kong hinawakan ang balikan niya at tumingin naman siya sakin, halatang galit na galit siya, ng makita niya ang expression ko ay agad din siyang kumalma, at hinila ako paalis... Pumunta kami sa may parking lot at doon nagpalipas ng oras.

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon