Chapter 23: Its You All Along

53 2 0
                                    

Zander's POV

Nasa school ako ngayon wala lang ginagawa naglalakad lakad habang hinihintay na mag-ring ang bell, naglalakad ako sa may hallway at maya maya ay nakita ko na may white envelope na lumabas sa isang locker na nandoon sa hallway na yun, agad ko itong dinampot at dahan-dahan na ibinalik sa locker na yun...

"Zander?"

Narinig kong boses, paglingon ko si Elsa pala... "Elsa? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"It was you all along" tanging nasabi nito

"What? Elsa ok ka lang ba?"

"Ha? Yeah, ok lang ako, ano kasi, kukunin ko na sana yung mga gamit ko jan sa locker ko" sabi niya sabay turo sa locker na kaharap ko

"Ah? Ganun ba? Sorry, sige kunin mo na" sabi ko sabay tuluyang nilagay ang envelope sa loob "Sige Elsa alis nako baka makita pako ng mga kaibigan mo, alam mo naman na ang init ng dugo nila sakin"

"Hahaha oo nga e, sige bye" sabi niya

"Bye, ingat ka" sabi ko sabay alis

Elsa's Pov

Si Zander? Siya ba ang nagpapadala sakin ng mga sulat? Maybe, agad kong binuksan ang locker ko at nakita ko ang envelope na isinuot niya dito sa locker ko, kinuha ko ito kasama ng iba kong gamit...

"What took you so long?" sabi ni Edward

"Hmm, wala medyo nagkaroon lang ako ng key problem"

"Bakit? Nasira ba susi mo?" tanong ni Stella

"Hmm, hindi naman, anyways pasok na tayo?" tanong ko sa kanilang lahat and they just nodded... Pagpasok namin sa classroom ay nagsiupuan na kami at ako ayun nakatulala sa upuan ko di ko maisip na si Zander ang mga nagpapadala sakin ng mga sulat, buong araw na yun ay hindi ako nakinig sa mga lesson namin, tinatanong ako nila Stella kung bakit daw ako tulala, I guess napansin nila yun, pero di ko na lang sinasagot...

*Recess*

"Hoy ano ba Elsa kanina ka pa namin tinatanong e, ano bang nangyayari sayo at tulala ka simula pa kaninang umaga?" sabi ni Stella

"Kulang lang siguro ako sa kain" sabi ko sabay ngiti

Di nalang nila pinansin ang sagot ko at pinagpatuloy lang nila ang pagkain nila, pagtapos ko kumain ay tumayo ako at lumabas muna ng canteen, Di na lang nila ako pinansin dahil siguro secure ako dahil nasa school naman ako, pumunta muna ako sa field ng school, para mag isip-isip muna. Hay si Zander ba talaga yun? Siya ba ang nagpapadala sakin ng mga sulat? Naguguluhan ako? Imposimble naman siya kasi wala pa siya dito, may mga nagpapadala na saking sulat..

"Elsa?"

Paglingon ko ay si Zander pala, "Hi? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Wala, naglalakad-lakad lang ako ng makita kitang nakaupo dito kaya nagdecide ako na puntahan ka"

Nginitian ko naman siya, "Hmm? Zander? May tanong sana ako"

"Ano yun?"

"Pumupunta ka na ba sa school nato bago ka makapasok bilang estudyante?"

"Oo"

Bigla akong napatulala, "Bakit mo naman natanong yan?" biglang sabi niya

"Ha? Wala, sige na Zander, alis nako baka kasi hinahanap na nila ako e"

"Mabuti pa nga mamaya makita na naman nila tayo dito, mapag-initan na naman nila ako"

"Hahaha, pagpasensyahan mo na lang sila" sabi ko sabay alis, dumeretso nako sa classroom ko dahil malapit na rin naman magtime at panigurado doon na din dumeretso sila Edward, pagkapasok ko ay tama nga ang hinala ko nandoon na nga sila...

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon