Chapter 17: Questions To Be Answered

71 5 0
                                    

Third Person's Pov

Nakatayo lang sa kalsada ang magkabilang panig wala pang umaatake at mukang nagpapakiramdaman pa ang mga ito, mapupula na ang mga mata nila Stella at mahahaba na rin ang kanilang mga pangil. Unang sumugod ang mga vampire hunters ngunit mabilis na nakailag sila Stella, pinapaulanan ng mga bala ng kabilang panig sila Stella, ngunit hindi nila ito matamaan dahil sa bilis ng mga galaw nila, at dahil sa bilis nila ay ginawa nila itong opportunidad upang patayin ang iba sa mga kasamahan ni Leo, agad na kinontrol ni Jeniffer ang paghinga nila hanggang sa mawalan na sila ng buhay, habang si Jack ay agad na pinatigil ang pagdaloy ng dugo sa ilan sa mga kalaban hanggang sa tumigil nang tumibok ang mga puso ng mga ito. Habang si Arthur ay nagpadami ng sarili niya upang malito ang ibang kalaban kung sino ang peke at totoo, si Edward naman ay ginamit ang kagalingan niya sa paggamit ng spada kasama ang kombinasyon ng bilis na meron siya, at si Stella naman ay lumalaban lamang gamit ang kanyang kristal na spada...

Paunti-unti nang nauubos ang mga kasamahan ni Leo at unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa na matalo ang kinamumuhian niyang lahi. Natira na lamang si Leo, plano niya sanang tumakbo ngunit, pagtalikod niya ay agad na humarang si Jack at pinalibutan naman ng mga clone ni Arthur si Leo upang hindi makatakas...

"Sinong nagpadala sayo dito?" tanong ni Jack

"Kahit patayin niyo ako wala kayong makukuhang impormasyon sakin"

"Ok, pagbibigyan ka muna naming mabuhay for now, para naman masabi mo sa kung sino mang poncio pilatong nagpadala sayo dito, pero bago ka namin pakawalan, let us give you a remembrance" pagkasabi ni Edward nun ay agad na lumapit si Jeniffer at kinalmot sa mukha si Leo. Biglang napangiwi si Leo dahil sa hapdi at sakit.

"Paki sabi sa kanya na kung aatake siya sumama na siya ng mawala na siya sa mundong to, at paki sabi sakanya na tantanan niya na si Elsa dahil walang kasalanan at kaalam alam ang tao sa mga nangyayari"

Agad na umalis si Leo na nagdudugo ang mukha at naiwan naman sila Arthur na puno ng dugo ang mga kamay nila, agad silang may kinuha sa kanilang bulsa at tinurok sa mga bangkay na vampire hunters, wala pang ilang minuto ay naging likido ang mga bangkay iniwan na lang nilang ganun yun dahil natutuyo rin agad ang likidong iyon.

"Edward nasan na si Elsa?"

"Nandoon siya sa may park"

"Puntahan na natin siya" sabi ni Stella ngunit pinigilan siya ni Jack

"No, its probably better kung si Edward na lang ang pupunta doon, Elsa will freak out if she sees us like this"

"Jacks right Stella mas magandang pumunta na muna tayo sa mansyon upang ipaalam sa kanila ang nangyari" Agad na lamang tumango si Stella at sumakay sa kanyang motor at pinaandar ito ng mabilis habang ang iba ay sumusunod lang sa kanya. Pagkaalis nila Stella ay syaka nagmadaling pumunta si Edward sa park kung saan niya iniwan si Elsa. Pagpunta niya dun ay naabutan niya si Elsa na nakatulala sa kawalan. Agad na pumasok si Edward sa park at humarap kay Elsa.

"Elsa?"

Tumingin agad si Elsa kay Edward, ngunit nagulantang siya ng makita niya ang mga duguang kamay nito. "E-edward? A-anong? Anong nangyari? B-bakit may dugo ang mga kamay mo?"

"Wag ka matakot, hindi kita sasaktan, nandito ako para magpaliwanag sa lahat"

"B-bakit mapula ang mata mo? Bakit ang haba ng kuko at may pangil ka?"

"Look Elsa just listen to me first sasagutin ko lahat yan just calm down" Tumangong naginginig si Elsa, agad pinunasan ni Edward ang kanyang kamay na puno ng dugo, syaka kumalma upang bumalik siya sa kanyang dating anyo, nangkumalma na siya ay umupo siya sa katabing swing,

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon