Chapter 24: Days Pass By

63 3 5
                                    

Elsa's Pov

Ang bilis talaga ng panahon akalain mo yun Christmas party na namin...

"Oi Elsa sumali ka naman sa mga games" yaya sakin ni Jeniffer lately nagiging kalog na din siya nahahawa na yata kay Stella.

"Ayoko" simpleng sagot ko sa kanya.

"K.J mo naman"

"Sira wala lang akong gana"

"Hmm ok, sige kumain ka na lang jan at ako naman ay sasali muna sa laro"

"Hahaha sige enjoy" sabi ko sa kanya. Its been a long time at nagbati na nga pala kami ni Edward, the last few months pinagsabay ko ang training ko at ang pag-aaral ko, nakakapagod pero alam kong may kahihinatnan to... Kumakain ako habang nanonood sa mga naglalaro ang bubungga ng mga hinanda naming pagkain, malaki ang spasyo ng room kaya sa room na lang kami ng celebrate... Pagtapos ko kumain ay napag desisyonan ko na maglibot libot na muna sa buong campus, bawat room na madadaanan ko ay may maririnig kang nagsisiyahan at puno ng musika kahit yata nasa field maririnig ang mga tugtugan sa campus...
Habang naglalakad ako napagtanto ko na next month na pala yung debu ko. At naalala ko din na next month ko na makikilala ang mga biological parents ko. Kinakabahan tuloy ako. Hay bilis nga naman ng panahon, napag-isipan ko na umakyat na muna sa rooftop panigurado walang tao dun dahil lahat ay nasa kanya kanya nilang klase upang magsaya...

As I open the door that lead me to the rooftop ay napag-isipan ko na umupo muna sa may bench, kitang kita ang buong view ng campus... Habang tumitingin ako ay naalala ko yung sulat na hindi ko nabasa, babasahin ko na lang siguro yun pagtapos ng party namin ay nauna ng umalis sila Stela magmo-mall daw sila hindi nako sumama dahil naalala ko pa yung gagawin ko. Pagpasok ko ng bahay ay sinalubo ako ng mga maids namin pagtapos nun ay umakyat nako sa kwarto upang basahin yung sulat...

*Nakasulat*

Handa nakong makipag-kita sayo sa palagay ko naman ay may karapatan ka upang malaman kung sino talaga ako. Meet me at the gazebo tomorrow...

*End*

Gosh, napaka tanga ko talaga bakit di ko pa binasa yung sulat. Its been a few months since na na tanggap ko to kaya panigurado wala na tong kwenta ngayon. Agad na lang ako na pahiga sa sobrang disappointment ko ilang beses ko ding inuntog ang ulo ko sa kama dahil sa katangahang ginawa ko, now how would I know this mysterious sender...

*Next Morning*

"Elsa naalala mo ba yung training mo dati?" Tanong sakin ni Stella..

"Alin dun?"

"Yung aiming training mo dati"

"Ah, yun ba? Bakit?"

"Ulitin natin" bigla niyang sinabi

"ANO?! Ayoko nga, mamaya ano pang matamaan ko baka makasakit pako"

"Ano ka ba makakaya mo naman yan e try and try until you succeed ika nga"

"Ayaw ko, simula ng matapos yung nangyaring training dati napanghinaan nako ng loob"

"Gagawin mo ba o hindi?" sabi niya na may authority

"Fine, gagawin na sandali ka lang" sabi ko habang naghahanda ako, agad akong pumwesto sa dati..

"Tandaan mo Elsa, nakapiring ka at hindi mo nakikita ang mga kalaban mo so keep focus and alert use your other senses got that?" sabi niya bago ako magsimula at ako naman ay tumango lang... Narinig ko na lang ang pagpihit niya sa lever at agad akong nag focus, nga pala puro kalaban na lang nilagay nila dahil hindi ko naman daw malalaman kung kalaban ba yung pinatatamaan ko o hindi.

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon