Chapter 28: Happy Me

23 0 0
                                    

Elsa's Pov

Haist, ang hirap ng ganto. Dalawang tao ang nagkakagusto sayo... Haist, pinayagan ko na din na manligaw sakin si Zander dahil kinukulit niya ako. Pero hindi pa alam ng mga magulang ko ang about kay Zander, ang alam lang nila ay ang kay Edward. Ganun din si Edward, di niya alam na nililigawan ako ni Zander... Baka kasi magkagulo. At ayoko ng gulo. Andito kami ngayon sa isang park, gusto kasi akong ipasyal ni Edward, kasalukuyan siyang bumibili ng cotton candy ...

*Ring Ring*

Nabigla na lamang ako nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone, tinignan ko kung sino ang tumatawag at si

.

.

Zander?! Bakit naman napapatawag to? Tsk wrong timing siya e. Sinagot ko na lamang ito...

"Hello? Zander"

"Hi Elsa"

"Bakit ka napatawag?"

"I just want to invite you"

"Huh? Invite me to what?"

"To a date"

"Kailan?"

"Pwede ka ba mamaya? If that's ok with you?"

"Ah? Zander sorry, pero may pupuntahan kami ng mga parents ko mamaya e, ok lang ba kung bukas na lang?"

"Yeah sure, ok lang. So? See you tomorrow?"

"Yeah, see you tomorrow"

After that he ended our conversation. Dumating naman si Edward makalipas ang ilang minuto dala dala ang cotton candy. Inabot niya naman to sa akin the moment na nakalapit na siya. Pagka-abot niya nito ay umupo siya sa tabi ko...

"So? Kailan ka babalik sa pag tetraining?" bigla niyang natanong

"Hmm, don't know pa, maybe next week? Ewan"

"Hmm, kailangan na kasing mahasa yung kapangyarihan mo, para incase na wala kami sa tabi mo, kaya mo ng dumepensa."

"Ano yun? iiwan mo akong mag-isa?"

"Hahaha syempre hindi no, i wouldn't take my eyes of you" sabi niya sabay akbay sakin. At ito ako parang ewan.

"Tsk, yeah right"

"Hahaha, you dont believe me?"

"Don't know"

"Sheesh, haha, tinutopak ka yata"

"Huh? Ako? Tinutopak?"

"Yap, halika, may pupuntahan tayo ng matanggal yang topak mo" sabi niya and before i could say something ay hinila niya na ako papunta sa kotse niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta, hahaha, alam kong mag eenjoy ka dun"

"Huh? Hmm? Okay?" sabi ko sa kanya habang lubos ang ngiti sa kanyang labi... Ilang minuto din kaming nagbyahe. All of the sudden pinahinto niya ang kotse.

"Hmm? What's wrong bakit mo pinahinto yung kotse?" pagtatakang tanong ko, imbis na sagutin niya ang tanong ko ay bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Paglabas ko ng kotse niya ay agad niyang tinakpan ang mga mata ko gamit ang kanyang mga kamay...

"Hoy, Edward ano ba? Di ako makakita"

"Alangan tinakpan ko mga mata mo" pambabara niya, siniko ko naman siya, tsk, ayoko nangbinabara ako e.

"Tsk, baka madapa ako Edward ano ba" sabi ko sa kanya.

"Wait lang malapit na tayo" sabi niya, after a few minutes ay tinanggal niya na ang kamay niya sa mata ko and i was shock ng makita ko ang nasa harapan ko.

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon