Chapter 14: A Weird Dream

73 5 0
                                    

Elsa's Pov

Voices, screams, gun shots, crying, i'am on a field, a bloody field, ang dami kung nakikitang bangkay, mga tao na may mga baril at mga ............. bampira? Naglalaban? What the heck is happening? May mga batang bampira nag tatakbuhan, umiiwas sa gulo ilan sa kanila ay pinag bababaril.

"HIND!!!! ANG ANAK KO!!! Magbabayad ka sa ginawa mo sakanya." isang sigaw mula sa isang bampirang ina na nawalan ng anak, pasugod siya sa taong bumaril sa kanyang anak ngunit huli na, napaliguan na siya ng bala.

Sa laban ay may napansin ako, mag asawa tumatakas sa gulo? Papunta sila sa kagubatan, blurred ang muka nila di ko makita ng klaro may hawak silang sanggol, babaeng sanggol.

"Mahal na hari at reyna saan po kayo pupunta" sabi ng isang bampira na nakikipag laban. Tumingin lang ang lalaki sakanya at tumango na lang ito bigla, na parang nakuha na nito ang ipinapahiwatig ng lalake. Sinundan ko ang mag asawa hanggang makarating sila sa gitna ng kagubatan.

"Please take good care of my little princess, i cannot bare to see her get killed" sabi ng babaeng bampira sabay abot ng sanggol sa isa niyang kaharap na babae. "Please alagaan niyo siya ng mabuti, she's my little angel, babawiin namin siya sa inyo pag tumuntong na ang edad niyang 18 , pero sa ngayon sa inyo muna siya, palakihin niyo siyang mabuti, at wag niyo ipapa alam ang tungkol sa amin ayaw namin siya mapahamak, sa lahat ng tao kayo ang pinaka-pinagkakatiwalaan namin" sabi ng lalakeng bampira sa lalaking kaharap niya. "Ilayo niyo na siya dito, malayong malayo, babalik na kami sa labanan inaasahin din kami doon" huling paalala ng lalaking bampira bago sila bumalik ng asawa niya sa labanan.

Sinundan ko ng tingin ang dalawang bampira habang papalayo sila sa mga tao na pinagkatiwalaan nila ng anak nila, ng mawala na sila sa paningin ng mga taong pinag-bilinan nila ng anak nila ay syaka tumakbo papalayo ang mag asawang mortal dala-dala ang babaeng sanggol sa bisig ng babaeng mortal.

.

.

.

.

"AH?! Shit. What just happened? Ang sakit ng ulo ko" pagkasabi ko saking sarili dahil bigla na lamang akong nagising, tinignan ko ang orasan at alas-kwatro palang ng madaling araw, anong pananginip yun? Bakit sa lahat ng pwedeng maging pananginip ko yun pa ang napili? My head still hurts, and i feel a little dizzy, ano bang pinapahiwatig ng panaginip na yun? Buti na lang walang pasok bukas, tsk kakaibang panaginip, vampires? As far as i know hindi sila nag e-exist sa mundong to, i just remember na babalik pa pala ako sa school bukas because of that letter i made, ilalagay ko pa pala yun sa locker ko... I've try to sleep again pero di ko na magawa, i admit am kindda terrified sa pananginip ko... Sumapit ang ala-singko ng madaling araw, syaka lang ako nakabalik sa pagtulog ko.

.

.

.

It was 8:30 am ng magising ako, well hindi na bumalik yung panaginip ko after i sleep again last night. But am still bothered about my dream, gusto ko alamin kung anong ipinapahiwatig neto pero di ko alam kung paano.

"Iha ok ka lang ba?" sabi ni Mang Jerry

"Hmm? Ay opo, ok lang po ako"

"Hindi halata iha, tignan mo ang pagkain mo hindi mo pa nga yata nagagalaw eh"

"Huwag niyo na lamang po ako pansinin Mang Jerry, mukang may hang over pa po ako sa pagtulog ko" Nag kabit balikat na lamang si Mang Jerry at bumalik na lamang sa pagkain niya, nang matapos siya kumain ay tumayo na siya at pinunta sa lababo ang kanyang mga pinagkainan upang hugasan ito matapos niyang maghugas ay iniwan niya nako na hanggang ngayon ay hindi parin natatapos sa aking pagkain. Matapos kong kumain, na di ko alam kung ilang oras inabot bago matapos, ay umakyat nako sa aking kwarto at naligo, makalipas ang ilang minuto ng aking pag ligo ay nagbihis na ako agad, inayos ng unte ang aking mga gamit at nagpahatid kay Mang Jerry sa school. Makalipas ang ilang minutong byahe papuntang school ay nakarating na rin ako sa school, pagpasok ko ng gate ay agad akong sinalubong ni Kuya Peter ng isang masiglang bati.

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon