Chapter 18: Training?

70 5 0
                                    

Elsa's Pov

"Elsa? Gising na nandito na tayo"

Agad akong bumangon ng marinig ko ang boses ni Jennifer na ginigising ako, paglabas ko ng kotse ay nakakita agad ako ng isang malaking field na parang my boundary sa gitna, sa kabilang side nakita ko agad yung mga batang bampira na nagtri-training, yung iba sa kanilang naglalabas ng apoy sa mga kamay nila at yung iba naman ay nagtatagisan ng mga lakas, dahil sa pagtataka ko ay agad kong tinanong si Stella kung para saan yung isa pang side, sabi niya para daw yun sa mga katulad ko na hindi pa umaabot ang edad sa 18 o mga teenage vampire na hindi pa fully develope ang kapangyarihan.

"Elsa pwesto ka na muna doon sa may bench, habang hinihintay pa yung iba" sabi ni Stella at tumango lang ako...

"Nga pala sino yung mga couch o yung mga magtuturo samin?" tanong ko

"Alangan kami" sabi ni Edward na bigla na lang lumitaw sa kawalan

"Wow kabute" sabi ko

"Sinong kabute?" tanong ni Edward

"Sino pa ba edi ikaw, bigla bigla ka na lang kasing sumusulpot eh"

"Ikaw ang mukhang kabute" sabi ni Edward ng naka pout

"Hahaha kabute" biglang tawa ni Stella

"Tigil na, baka kung saan pa humantong yan, mamaya maya dadating na rin yung iba" sabi ni Jennifer

"Yung iba?" ulit ko

"Oo, bakit? Akala mo ba ikaw lang mag isa ang magtre-training?" tanong ni Edward

"Ah? Oo? Yun naman talaga ang iniisip ko"

"You're wrong, may mga kasama ka and by the end of the day maglalaban kayo well kung sino ang mapipili naman, para makita namin kung may pinagbago ba" paliwanag ni Jennifer

"L-laban?" sabi ni Elsa nang nanginginig

"Yap" Kalmadong sabi nila

"Pwedeng excuse na lang ako? S-sa laban?" sabi ko pero umiling lang sila

"Hay naku Elsa ok lang yan, pure blood ka, you should be proud of it, kakayanin mo yan trust me" comfort ni Stella, pero hindi ako naconvince sa sinabi niya

Maya-maya ay dumating na rin ang iba syaka nagsimula ang training, una sinimulan namin ay ang pagtakbo ng mabilis. "Ok, all of you line and center" utos ni Stella, grabe ibang iba siya sa Stella na nakilala ko, she's more strict at mukhang masungit "Unang training niyo ay basic lamang, this should be easy for all of you, sa training na ito ay tatakbo kayo ng 15 miles sa dulo nun ay naghihintay si Jeniffer na siya namang mag-ooras sa bawat isa sa inyo, and you should finish this within 5-7 minutes, pasalamat kayong lahat dahil it should suppose to be 3-5 minutes only, when i said go you better start running, nga pala directions direderetso lang" Agad siyang pumwesto sa gilid ng puno at syaka simigaw ng go, agad kaming nagsimulang tumakbo, pero mas nauuna sila sakin, i felt na parang yung takbo ko, takbong tao lang, pero i was determine na mauna, agad akong pumikit and i try to concentrate, maya maya i felt the wind touching my face.

Pagmulat ko ng mata ko ay nauunahan ko na ang iba, maya maya ay nakita ko na si Jeniffer na kinakaway ang kanyang mga kamay, agad kong binilisan ang pagtakbo ko at nag makalagbas nako sa kanya ay tumigil na ko at hingal na hingal na lumapit sa kanya, "Very nice Elsa, kahit ikaw ang pang-4th place you still manage to run that fast" sabi niya at ngumiti lang ako, kasi di ko pa magawang makapagsalita dahil sa sobrang pagod....

"Naka-ilang minuto ako?" tanong ko sakanya

"Well its not bad, naka, 5 minutes and 17 seconds ka" sagot niya sakin

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon