CHAPTER 9

16 1 0
                                    

YVONNE’S POV

“You're awake,” bungad ni Mr. Ruise nang magising ako mula sa pagkahimatay ko kanina sa field. Kamusta pakiramdam mo?”

Nakakunot ang noong bumangon ako at saka tinuro ang tubig sa gilid ng kama. Nakuha niya ang tinuturo ko at dali-daling kinuha ang isang basong tubig.

Lumagok ako ng isa at saka tinuloy-tuloy ang pag-inom.

“I am not feeling well. As you can see,” sagot ko matapos maubos ang tubig sa baso.

Natahimik siya at ako naman kinakapa ang dibdib at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi siya bumabagal mula pa kaninang nasa field ako. Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang gagawin para bumabagal at bumalik sa dati ang tibok ng puso ko.

Frein didn't know you're afraid of grasshoppers. He said he is sorry he insisted you to join him catching grasshoppers.”

Ang gurang na 'yon!’

Tsh!” ani ko. Napalingon si Mr. Ruise matapos niyang marinig 'yon mula sa akin.

Natahimik ulit siya at saka tumayo mula sa pagkakaupo.

“I already excused you to your instructors. Pwede na tayong makauwi,” anito.

Teka! May dissecting activity pa ako,” pigil ko.

“Ms. Alfonso said that you can do it next time. For now, you need to rest.”

Niligpit niya na ang mga gamit ko tulad ng workbooks at mga ballpen. Inilagay niya ito sa loob ng bag ko at sinukbit niya sa balikat niya.

“Wait. Wala bang nakaalam sa mga kaklase ko na takot ako sa tipaklong maliban kay Gurang?” tanong ko matapos maalalang baka alam na ng mga kaklase ko at gawin itong kahinaan ko.

“I know that you're cautious about your identity here in this academy, Miss,” anito. “I told the nurse that attended you so as your instructors that you have a mild migraine that causes you to lose consciousness when you're under the heat of the sun.”

Nakahinga ako ng maluwag.

Walang nakakaalam.’

“I think that's a good excuse already,” ani Mr. Ruise at natawa ng bahagya.

Psh. Nice made up story, Mr. Ruise.”

Bumangon na ako mula sa hospital bed at saka ito iniligpit at saka naglakad palabas ng clinic.

Tahimik kaming naglalakad ni Mr. Ruise sa grupo ng mga estudyanteng nadadaanan. Bulungan dito, bulungan doon. Puro bulungan na hindi naman magandang pakinggan.

Hindi ko na lamang ito pinapansin dahil sa wala na akong interes ay hindi ako pumapatol sa mga walang kwentang bagay. Kung papatulan ko sila ay baka magsisi sila. Mahirap na.

“Did your parents taught you what manner is?” dinig kong tanong ni Mr. Ruise mula sa likuran ko kaya dali-dali akong napalingon.

Nakita ko kung paanong hindi makatingin ng deretso ang mga ka-schoolmates ko sa tanong ni Mr. Ruise. Nagtutulakan sila sa pagharap kay Mr. Ruise. Halatang takot sila sa kan'ya. Sa tangkad ba naman at laking tao nito maging sa lalim ng boses ay matatakot ka talaga sa unang tingin pa lang.

Fighter of Love (Ongoing)Where stories live. Discover now