CHAPTER 11

8 1 0
                                    

GIB'S POV

Nakita ko kung paanong tumingin at dumikit ang dayuhan na 'yon kay Yvie. I think they're close. Yvie is not teh typical of talking to people unless they're close or they're friends like us who've been together since primary.

Moirtera!” sigaw ni Coach. Saan na napunta utak mo? Nilipad ka na ba ng air condition sa loob ng stadium na 'to?”

Tumungo ako at tiningnan pa si Yvie na kausap pa rin ang dayuhan.

“Sorry, Coach,” hingi kong paumanhin. Tinuloy na ulit namin ang routine na pag-lock ng braso ng kalaban matapos ibagsak sa makapal na foam.

Pinilit kong iwaglit sa isip ko ang nakita kong malapitang pag-uusap ni Yvie at ng dayuhan. Pero hindi ko maiwasan. Ano'ng nangyayari sa akin? Nawawala ako sa focus dahil sa lalaking 'yon at sa paglapit niya kay Yvie. Yvie is more like a sister to me. I always want to be beside her and to protect her. I am her protector ever since before we both met Bion back in third grade. We both grew in the same village after my mom chose to live at my grandmother's house. But seeing them makes me drove off a the students here in the stadium. Most likely if it's that foreigner.

‘Tsk! Gib, get your mind off them!’ I lectured my mind.

“Break!” sigaw ni Coach. Tumigil kami at saka naupo sa upuan na katabi ng screen na naghahati sa volleyball court.

Malapad ang stadium na 'to. Kasya ang tatlong libong katao. Pinasadya para sa iba't ibang klase ng laro. Pero hiniwalay ang football field dahil indoor lang ang sports na pwede rito. Covered ang stadium kaya pwede ring gawing venue para sa ball at iba't ibang event para sa iba't ibang organisasyon na meron dito sa academy.

“Are you okay, Moirtera?” tanong ni Coach. Sa tingin ko ay umuusok na ang ilong niya sa inis sa performance ko kanina. “I told you to focus. Where were you? On another planet? The sports week is so close. Aren't you prepared? Just tell me, papalitan kita ng mga estudyante riyan sa tabi-tabi.” Napahiya ako sa mga sinabi ni Coach. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kanya at tingnan siya ng deretso.

“Sorry, Coach. Baka kulang lang ako sa tulog,” dahilan ko para matabunan ang pangit kong performance. I felt Weigh's tap on my shoulder. I smiled at him and looked again at the floor.

“Tsk! This is the first time you lost your attention and focus in your training. I'm not convince that it's because of your loss in sleep,” anito. “Just sit here first and try to reflect of your actions. I am telling you, students. We need to win this again or we'll never get another glory.” Iniwan na kami ni Coach pansamantala at saka may kinuha sa bulsa.

Glory is what coach wants. Kaya porsigido rin kami na gawin ang lahat para makamit ulit ang tagumpay. Hindi ko rin maatim na matalo ngayong malapit na kaming magtapos. Huling laro ko nalang 'to bilang isang senior. Gagawin ko na ang lahat maiuwi lang ang medalya.

Ano'ng problema?” tanong ni Weigh. Nilingon ko siya at pagak na ngumisi.

“I don't know, bro. I don't get it why I'm feeling this,” ani ko habang umiiling. Saka ko na naman naalala ang senaryo kanina.

Sinilip ko ulit si Yvie. Hindi niya na katabi at kausap ang dayuhan. Pero may hawak siyang bag pero maarte at nakataas ang tatlong daliri habang nilapag ang bag ng may sampung dangkal mula sa kanya. Ngumiwi pa siya at saka kumuha ng alcohol at tissue saka nagpunas ng kamay.

Fighter of Love (Ongoing)Where stories live. Discover now