CHAPTER 12

4 1 0
                                    

YVONNE'S POV

“Yvonne Adrienne Patrinne Sadiwan, paglaki natin pakakasalan kita!” sigaw ng isang dugyuting bata habang nakatunghay sa loob ng sasakyan at kumakaway sa akin.

Baliw ka ba?” tanong ko rito. Mga bata pa tayo. Maging tao ka muna tingnan bago mo ako sabihan niyan.” Nakababa na siya ng sasakyan at saka siya nakasimangot na lumapit sa akin. Mahaba ang ngusong papadyak-padyak sa lupa.

“Tao kaya ako. Mukha ba akong hindi tao sa paningin mo?” tanong nito nang may pagtatampo. Palibhasa wala kang pakiramdam kasi manhid ka.”

Natahimik ako sa mga sinabi niya. May parte sa akin na nakokonsensya kasi parang masyadong masakit ang mga nabitawan ko'ng mga salita.

“S-sorry,” hingi kong paumanhin sa kanya.

Aalis na ako, hindi na kita bati.” Tumalikod siya sa akin at saka naglakad papasok ng bahay.

Aalis pero pumasok ng bahay namin? Nag-iba na?’

“Hoy! Saan ka pupunta?” habol ko. Lumingon siya at saka masungit na sumagot.

Kakain, hindi ba obvious? Nagugutom ako, bata,” masungit na sagot nito sa tanong ko.

Psh! Ako pa ang tinawag mong bata?” mataray ko ring aniya at sumingit sa pintuan at naunang pumasok sa kanya. “Well, bata nga ako kasi mas bata ako sayo. Pero ikaw itong mas matanda sa akin pero isip bata.”

“Mama!” nagsusumbong na sumisigaw niyang aniya at pumunta sa sala kung saan ang Mama niya at ang Daddy ko ay nag-uusap. Si Mr. Ruise naman at nakabantay lang sa tabi ng mga ito kasama ng iba pang butler.

Umiiyak siyang lumapit sa mga ito at nagsumbong.

Bakit?” tanong ni Daddy.

Inaaway po ako ni Yvonne, Tito. Huhu,” anito at nagpahid ng luha. Umupo ako sa tabi ni Daddy at saka nakadekwatro sa pag-upo.

“As if I was,” tugon ko.

“Sabi ko kasi sayo pakakasalan kita pero masungit ka, ayaw mo,” sigaw nito. Nagsitawanan ang lahat maliban sa aming dalawa. “Big boy na rin naman ako, ah?”

“Gib, you shouldn't ask someone to marry you or just tell them to marry you. You're still young and you'll meet someone you'll be asking to marry you someday, maybe not Yv anymore,” paliwanag ni Tita Zerin.

“But I want Yvonne, Mama,” ungot nito.Ayoko sa ibang babae, gusto ko kay Yvonne lang.” Natawa nang palihim si Tita at saka hinawakan ang kamay ni Gib.

“Then wait for the right time for you to grow and let's see if you still feel the same,” aniya. Ngumiti ng malapad si Gid, kita pa ang hindi niya ganoon kakumpletong mga ngipin. Ang malilit na biloy ay lumitaw din.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fighter of Love (Ongoing)Where stories live. Discover now