YVONNE'S POV
Nakita ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan malapit sa inuupuan ko. Maingay at hindi magkakadaugaga sa kakasigaw at kakatalon. Parang gigiba ata ang bleacher sa lakas ng dagundong ng mga ito. Daig pa ang may lindol.
‘Tsh! Ano bang meron sa mga players na ito at nagkakaganito sila?’
Dumating na ang mga players ng lawn tennis, grupo ng manlalaro na kinabibilangan ko. Kinawayan ako ng coach namin nang mahagilap niya ako dahil sa ingay ng mga katabi ko ay nakuha nito ang atensiyon nila.
“You're excused, Ms. Sadiwan. Why are you here?” tanong ni coach Kronsella.
“I am going to watch your training, coach.”
He smiled and gave me thumbs up. “You're a dedicated student. That's what I like about you.”
“Thanks, coach.”
Kumaway din sa akin si Bion, a good friend of mine. Ganon din ang iba ko pang ka-team where most of them are unfamiliar to me. Maybe yong iba kakapasok palang last week.
Simula kasi junior high ay dito na ako sa academy nag-aral. Well, our academy is composed of building with their corresponding levels for respective students. May para primary, nasa kabilang side siya ng stadium pero hinihiwalay nila kasi mga 12 below ang mga estudyante ng primary. Then in junior, hindi naman ito nalalayo sa primary at kung tutuusin ay magkasama sila sa iisang lugar na hinati lang para malayo ang primary at ang junior students sa aming mga senior at college students.
“Kamusta?” Bion asked and sat beside me. The training's not started yet.
Ngumiti ako ng tipid. “Just fine. Medyo nakakaramdam lang ng kaunting hilo mula kanina.”
“Wag ka kasing magpaaraw. You have the same case nong junior tayo at kami ni Gib ang nagdala sayo sa clinic. Nauntog pa nga 'yang ulo mo, eh.” I saw his concern through his eyes.
“Tsh! Kailangan kong magpaaraw kasi nasa labas ang activity namin. Alangan magpa-special ako at exempted sa activities. Eh di nasabihan pa akong maarte?” Hindi kasi alam ni Bion na the same reason lang ng katulad kanina ang nangyari sa'kin n'ong nasa junior palang kami. Gib and him was there.
Napasinghal nalang siya sa sagot ko.
“Speaking of Gib, inaaya niya tayo.”
Napalingon ako sa sinabi niya. Gib don't usually invite people kahit na friends pa niya.
“Eh? That's not like him,” komento ko.
“Psh! I bet he only wants to see you. Nakakaselos. HAHAHAHAHA!” biro nito. Nakuha ko ang pinupunto niya.
Sa lahat ng mga nakilala ko, siya at si Gib lang ang tinuturing kong mga totoong kaibigan.
“Yvie!” sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa dulo ng bleachers. Napayuko ako nang makilala kung sino. Ang palayaw na palagi niyang tinatawag sa akin kapag nagkikita kami.
Lumapit siya at niyakap ako.
“Yah! Stop hugging me,” saway ko sa kanya. He just smiled and his cute small dimples showed up. “Tumigil ka na nga sa ganyan mong ngiti, mukha ka talagang aso.”
![](https://img.wattpad.com/cover/243976255-288-k491130.jpg)
YOU ARE READING
Fighter of Love (Ongoing)
RandomFighting the love at stake. Both life will be tested. Wether to fight for love or to give up and never try to stand up.