CHAPTER 6

2 2 0
                                    

YVONNE’S POV

"Good morning, lady," bungad ni Gurang sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko.

Kumunot ang noong tiningnan ako.

"What?"

"What?" panggagaya ko sa tono ng sinabi niya. "Watwat mo mukha mo. Get out of the way."

Tinulak ko siya pagilid at saka naglakad, deretso sa hagdanang pababa para makakain na ng almusal.

"So early to be mad, huh?" pang-aasar nito.

Wala ako sa interes makipagtalo sa kanya. Hindi naman nakakaintindi ng salita namin.

'Psh! Gurang na alien.'

Umupo ako sa upuang nakalaan para sa akin.

"It's not a crime to sit here next to you, right?" anito nakangiti.

"Mukha kang aso sa ngiti mo, tumigil ka," ani ko at sumandok ng kanin at saka kumuha ng bacon at hotdog.

"I can't understand you. Speak in English please."

"Nasa Pilipinas ka. Magsalita ka ng lenggwahe namin. Wag kang pabibo at ako pa ang pag-aadyasin mo. Psh!" wala sa modong tugon ko.

"'Psh' is the only word I understand," anito at nagsandok na rin ng kanin at kumuha ng pritong itlog. "A sea creature. With fins and gills. With creepy looking eyes. Psh. Hm.."

Napasinghal ako sa katangahan ng katabi ko. Wala sa satiling umikot ang dalawa kong mata.

'Tanga siya ng sadya.'

"Kumain ka nalang, Gurang," ani ko at sumubo ng kanin.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain at saka tumayo para maghanda nang umalis.

"Bilisan mo diyan, Gurang. May klase pa ako," sigaw ko mula sa living room.

"Why do you keep on speaking in something I cannot understand? How can we communicate better if you're doing that?" inis na tanong nito. Kunot pa ang noong anito at saka kinuha ang bag ko.

"Wala kang pakialam," ani ko at binawi ang bag ko mula sa kanya. "At wag kang kukuha ng hindi sayo."

"You're such an attitude."

Lumabas na kami ng sabay. Pumasok na ako ng kotse at saka nagsalpak ng earphone sa tenga.

Hindi ako nanibago na si Gurang ang nagmamaneho ng kotse para sakin. Hindi naman nagkakalayo ang paraan ng pagmainobra niya sa kotse ng katulad kay Mr. Ruise.

Nakarating kami ng ligtas kahit papaano sa academy. Ni-park niya ang kotse sa parking area na nakalaan din para sa akin kung sakaling darating ako sa academy. May nakalaang parking space ang bawat isa. Pero mas maganda ang parking space na binibigay ng academy lalo kung kilala ang pamilya mo at mayaman ka kumpara sa ibang normal na estudyante.

"Hintayin mo ako mamaya dito, Gurang," bungad ko sa kanya nang kinatok ko ang pinto at ibinaba niya ang salaming binata. "I'll be out at 4."

Fighter of Love (Ongoing)Where stories live. Discover now