YVONNE’S POV
Tumatakbo ako sa pathway ng academy dahil nagmamadali akong makapunta kaagad sa CR. Naiihi na ako ng sobra. Hindi ko naiintindihan kung bakit bigla akong naihi. Wala naman akong naalalang uminom ng marami samantalang hindi ako lumabas ng classroom.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang may tumulak sakin. Kamuntik na akong maihi sa sakit na dinulot ng pagkakabangga ng bewang ko sa pasimano.
'Lang'ya!'
"You're on my way, loser," aniyang Dionessa. Ang ngisi at yabang ng pagkakaasim ng mukha ang makikita sa kanyang ekspresyon.
"Kailan mo pa naging pag-aari ang daang 'to?" tanong ko habang nagpipigil na 'wag pumuslit ang tubig na nagmumula sa tiyan ko.
Paniguradong kahihiyan pag nangyari iyon.
"Aren't you dumb enough what I am talking about?"
"I wasn't. Maybe you are. Hm?" pang-aasar ko sa kanya.
Napakuyom ako ng kamao dahil sa tindi ng pagpipigil ko. Hindi ko na kaya. Lalabas na talaga siya.
"Psh! Psycho!" ani Dionessa at saka rumarampang umalis sa harap ko.
Dali-dali kong isinarado ang pinto at dumiretso sa isa sa mga cubicle at doon nagsabog ng hinanakit.
'Oh my. That was great!'
Lumabas na ako ng cubicle at saka naghugas ng kamay. Naglagay din ako ng sanitizer saka kumuha ng wipes para magpunas ng pawis na namuo sa noo ko.
'Bwisit na babae 'yon. Magkakaroon pa ata ako ng sakit sa urinary bladder sa pagpigil niya sakin kaninang makadaan.'
Nakapamulsahang bumalik ako ng kwarto at saka naupo. Nakaramdam ako ng gutom hindi katagalan sa pagkakaupo.
Wala pa ang susunod na magtuturo kaya lumabas ulit ako at kakain muna sa cafeteria.
Nag-order ako ng carbonara dahil paborito ko siya. Pero nakadepende sa pagkakaluto ang pagkahilig ko. Minsan ay mapili ako sa lasa.
Mag-isa akong kumakain at wala ni minsan ang nangahas na sumabay sa akin. Kahit isa sa mga kaklase ko ay wala akong kaibigan. Ni minsan ay hindi nila ako kinausap ng maayos dahil panay sila pang-aasar at kadalasan ay pinagti-trip-an nila ako. Pero hindi ako ganoon kababaw at pinapatulan ko sila.
"Excuse me," aning mahinhin na boses.
Umangat ako ng tingin at saka siya tinitigan. Isang babaeng may kaputian at hindi ganoon katangos ang ilong pero hindi naman masama tingnan. Sa katunayan ay bumagay iyon sa hugis ng mukha niya. Maganda siya, iyon ang tamang sabihin.
"What?"
Nailang siya sa paraan ng pagtanong ko.
"Tsk!"
"I-I was gonna a-ask if I could sit here w-with you," aniya. "If it's not bothering you."
Sumenyas ako na hinahayaan siyang umupo sa harap ko.
Sumubo ulit ako ng carbonarang pinaikot sa tinidor. Sunod-sunod na subo ang ginawa ko. Hindi alintanang may kaharap ako.
"A-are you always a-alone like this?" tanong niya. Tiningnan ko siya sa paraang wala akong pinapakitang interes. "S-sorry if I asked."
YOU ARE READING
Fighter of Love (Ongoing)
De TodoFighting the love at stake. Both life will be tested. Wether to fight for love or to give up and never try to stand up.