CHAPTER 1

6 2 0
                                    

YVONNE'S POV

Tahimik akong naglalakad sa may kadilimang pasilyo na malapit sa terminal. Doon ako madalas dumaan dahil na rin sa nakasanayan ko nang dumaan doon. Dahil mas madali kung doon ako susunduin ng Daddy, mas ginugusto kong maglakad since I really like to walk.

Hindi na bago ang kakaunting dumadaang mga estudyante sa pasilyong iyon.

Nagtitipa ako sa cellphone ko nang biglang may humablot sa bag ko kaya pumuslit sa pagkakahawak ko ang cellphone at tumilapon ito hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

"Sandali, Yvonne," ani Seira.

Matangkad na may balingkinitang katawan at may kaputian kumpara sakin.

"Naalala ko palang hindi pa ako nakakabawi sa pagkakahampas mo sa akin kanina," aniyang may ngisi sa mga labi.

"Anong pagkakahampas ang sinasabi mo diyan?" tanong ko.

"Nagmamaang-maangan ka pa. Ikaw lang naman ang humampas sakin ng meter stick sa likod kanina."

"Tanga ka ba?" tanong ko na nagpatigil sa kanya. Hinablot ko ang bag ko na hawak niya. "Bakit naman kita hahampasin ng meter stick?"

"Malay ko bang may galit ka sakin dahil nauungusan kita sa klase. I know you're pissed of me being the top in class," mayabang niyang sabi habang nakakuros ang mga braso.

Napailing ako sa kayabangan ng isang 'to. Hindi ko inaasahang ganito ang sasabihin niya samantalang hindi ko siya kilala. Tsk! Tsk!

Inayos ko pa muna ang bag sa pagkakasukbit niya at pinulot ang cellphone na kanina pa nagmamakawa saking pulutin ko siya.

"Alam mo ba kung magkano ang bili ko rito?" tanong ko na winawagayway sa harap niya ang hawak ko. "Mas mahal pa 'to sa pagkakabili ng bahay niyo sa tabi ng kalsada."

Napaatras siya habang ako ay papalapit sa kanya. Ganon na rin ang mga kasama niyang babaeng mas maliit ng konti kay Siera.

"Pag ako nainis sayo, hahampasin kita ng tuluyan. At hindi lang meter stick ang gagamitin kong panghampas sayo."

Umasta akong sasampalin siya pero sumigaw siya at hinarang ang dalawang kamay sa mukha. Katulad ng ginawa niya ay nagharang din ang dalawa pa niyang kasama.

"Get out of my sight, power puff girls," ani ko at akma na namang hahambalusin ng bag ko.

Tumakbo sila palayo sa akin.

'Psh! Mga duwag.'

My phone rang and I immediately answered.

"Where are you?" si Daddy.

"Malapit na po. May kinausap lang muna," sagot ko habang naglalakad.

Nakita ko ang kotse niya at siya na kumakaway sa akin.

"Sabi ko naman sayo na susunduin kita sa school mo mismo. Naglakad ka pa tuloy," anito.

"I'm fine, Dad. I like walking. At least  diba? Nabawasan ang oras mo sa pagsundo sakin. And nakatipid ka pa sa gas," nakangiti kong sabi.

"Marami tayong pera, bakit mo iniisip na makakatipid tayo?"

"Dad, money doesn't last forever. One of these days baka mawala yan or maubos. We shouldn't always lean on it everytime sa mga bagay na pwede namang daanin nalang sa praktikalan," sagot ko.

"Para kang hindi anak ng mayaman," biro nito.

"Hindi tayo mayaman, Dad. May pera lang."

"Ayoko nalang makipagtalo sayo. Hindi ka naman talaga nagpapasabing mayaman tayo kahit na mayaman naman talaga. Ikaw na. Panalo ka na," anito na may tono ng pagbibiro at pagtatampo.

"It's because I don't want to brag about it. Ayokong mapagsabihan ng mayaman. Average life is enough."

"Psh! Yong lola mo may-ari ng pinakamalawak na hacienda sa lugar natin. Lolo mo ang may hawak ng brewery lines sa buong bansa. Ako na Daddy mo ay may-ari ng pinakamalaking kompanya at pinakamalaki ang assets pero ikaw tong anak ko parang ayaw yata sa pera na nakukuha ng pamilya natin," anito.

"Ano ang kay Mommy, Dad?" tanong ko.

Natahimik siya sa tanong ko. Hindi ko rin inaasahang itatanong ko iyon.

Sa labingwalong taong nabubuhay ako ay kahit minsan hindi ko nakita o nasilayan man lang ang mukha ng nanay ko. Dad never showed me her pictures nor tell me anything about her.

He's been silent everytime I asked him about Mom. Kahit na kulitin ko siya, he never bother to tell me a single detail redarding how my Mom has been and going through the life without seeing me or Dad.

Kahit si Lola at Lolo na ang totoong kadugo ay ang Mommy ko, hindi rin siya nagkukwento ng kahit na anong may koneksiyon sa Mommy ko.

And again, for the 50th time that I had asked my Dad about Mom, I received no answer. That made me frowned.

Tahimik na kaming bumyahe pauwi ng bahay. May kalayuan ang lokasyon ng bahay namin sa eskwelahan na pinapasukan ko. Iniisip ko nga na mag-rent nalang ng condo-tel. Maybe one of these days ay sasabihan ko si Daddy na payagan ako. It's so boring too, living with Dad and maids on the house. I don't like the atmosphere.

"Good evening, ma'am, sir," bati ni Mr. Einu, ang butler ni Papa. Isa siyang Japanese.

May kanya-kanya kaming butler na binigay ni Lolo. Ang sakin ay si Mr. Ruise. Isa siyang Canadian pero dito na namamalagi sa Pilipinas at matatas na magsalita ng Filipino.

Tumango lang kami pareho ni Daddy sa kanya.

Dumiretso ako sa kwarto ko at doon nagkulong buong maghapon. Ipapatawag lang ulit ako ni Daddy kapag nakahain na ang hapunan.

Natulog muna ako dahil sa dami ng iniisip ko ngayon. Dumagdag pa ang power puff girls kanina na pinagbintangan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Psh!

Fighter of Love (Ongoing)Where stories live. Discover now