First day of school and first day na rin ng pagiging maharot ko.
My name is Maria Remedios Valencia, I'm 20 years old and currently studying BS Administration major in Marketing Management. Sa wakas 4th Year na ako at kaunting kembot na lang gagraduate na rin ako.
They said lalong-lalo na yung bestfriend kong si Isabella pati na rin yung mga magulang ko na maganda raw ako, maputi, singkit ang mga mata, slim and sexy. Well hindi naman sa pag mamayabang but my vital stat is 31-24-32 and my height is 5'6.
Maarte lang ako'ng magsalita at kumilos pero hindi naman ako kikay manamit, jeans and shirt is my favorite OOTD.
I'm currently walking on the hallway papunta sa classrom ko. Until now inaabangan ko pa rin yung mga tagpong may makakabangga ako at mahuhulog yung mga gamit ko. Sabay naming pupulutin isa-isa at hindi sinasadyang hawakan niya ang mga kamay ko. Tapos pakiramdam ko biglang hihinto ang takbo ng mundo kasabay ng unti-unting pag-angat namin ng tingin at magtititigan kami ng halos isang minuto hanggang sa ma love at first sight sya sa akin.
OMG! Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Sa apat na taong ko'ng pag-aaral sa Unibersidad na 'to ni minsan walang nangyari na ganoon sa akin. Masyado na 'ata akong nalulong kakabasa ng wattpad stories at kakanuod ng kdrama kaya ganito ako ka hopeless romantic.
Pero sa totoo lang isang tao lang namn ang gustong-gusto kong gumawa ng mga 'yon sa akin. Isa rin sa mga dahilan kung bakit lagi akong excited pumasok sa school. Walang iba kung 'di ang ultimate crush ko na si Noah Salazar.
He looks like an angel that fall from heaven just for me, lol. 6" tall kaya naman isa sya sa mga Varsity Player ng school at higit sa lahat ang galing niyang kumanta. Nakakainis nga eh dahil dito ang daming babaeng nahuhumaling sa kanya. So near yet so far pa rin ang peg naming dalawa Langit sya Lupa lang ako haha.
But still masasabi ko naman na isa pa rin ako sa mga swerteng babaeng niluwal sa mundong ibabaw dahil araw-araw ko siyang nasisilayan sa loob ng classrom. Si Noah yung tipo ng tao na seryoso pero kapag ngumiti sya makalaglag panty na agad. Halos lahat ng mga classmate kong babae dumadamoves sa kanya sa loob ng classrom para magpapansin. Buti hindi sila pinapatulan ng bebeluvs ko hihi.
"Hoy ang lalim ng iniisip mo ah. Iniisip mo na naman ba kung paano mapapasayo si Noah 'no?" nabigla ako ng may biglang nagsalita sa tabi. I rolled my eyes sa bestfriend kong si Isabella.
"Duhhh may bago pa ba?" sagot ko sa kanya at tumawa lang sya.
She's Isabella Harper my one and only bestfriend since grade 6. Hindi na nga 'ata kami napaghiwalay ng babaeng to simula mag transfer sya dito. Lagi ko rin siyang kaklase mula elementary hanggang high school except college dahil BS Accountancy ang kinuha nya. Masyado nyang mahal ang mga numero kaya hindi nya maiwan-iwan.
"So ano na naman ba ang plano mo sa kanya Remedios?" tanong nya sa akin.
"Duhhh wag mo nga akong tawaging Remedios! Just call me Maria! Akala mo naman parang hindi bestfriend ahh!" inirapan ko sya dahil alam nyo napapayuko talaga ako kapag may tumatawag sa akin na Remedios dahil ako lang ang may pangalang ganoon. Hindi ko naman sa kinakahiya ha. Pero sabi ni Mama nakuha daw iyon kay Lola Remedio in short Nanay ni Mama.
"So ano nga?" tanong nya sa akin.
"I got his number" sagot ko sa kanya at kinindatan sya. Napaawang naman ang bibig nya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Wow level up na ha from letters to text!" tumawa naman ako sa sinabi nya. Grabe hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng kalokohang ginawa ko para lang mapansin ni Noah. Pero masyadong unreachable si bebeluvs ko palaging waley yung mga pagpapapansin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Maze
RomantikA highschooler did everything he could just to be noticed by his ultimate crush. Would it be enough to make him fall inlove with her? *** All rights reserved, no part of this book may be reproduce, distributed, or transmitted in any form or by any m...