From: Noah
Can we talk?To: Noah
Sige.From: Noah
Sunduin na lang kita sa inyo.To: Noah
Sa may labas na lang ng subdivision
tayo magkita.Sabado ngayon at agad din akong
kumilos para mag-ayos matapos
mabasa ang text ni Noah.Wala pang isang oras natapos na rin
akong mag-ayos nagpaalam muna ako
kay Mama na lalabas lang ako kasama
ang mga kaibigan ko at agad naman
siyang pumayag.Pagkarating ko sa labas ng subdivision
nandoon na siya at nakasandal Sa
mamahaling pulang sasakyan niya,
hindi ko alam kung anong brand nito
basta may sasakyan siya haha.Ngumiti siya ng makita ako. Ngumiti
naman ako ng bahagya dahil baka
sabihing attitude ako. Lol. Slight lang
naman."Hi." bati niya sa akin ng makalapit na
ako sa kanya. He is wearing a pants,
white inner shirt and denim jacket
while I wear pants and pink tshirt na
may nakasulat na bible verse para iwas
karupukan.Ngumiti lang ako sa kanya at agad
naman niyang binuksan ang pinto sa
may front seat.Tahimik lang kami habang nasa
byahe. Sa buong buhay ko ngayon ko
lang naranasang hindi magsalita at
dumaldal.Nakasandal ako malapit sa bintana at
tinitingnan ang dinadaan namin. As
much as possible sinasaulo ko kung
saan kami papunta baka mamaya
kidnapping na pala to haha.Hindi niya na rin siguro kinaya ang
katahimikan sa pagitan namin at
pinaandar ang radyo. Napakunot ang
noo ko ng marinig ko ang kanta. Wrong
timing.♪Napapaisip♪
♪Nananaganip♪
♪Baka sakaling tayo sa huli♪
♪Ayaw silipin♪
♪Na alanganin♪
♪Nagpapaniwalang 'di natin masabi♪Bagay na bagay ang kantang to para
sa amin. Me waiting for him to tell me
everything. Ako na laging handang
makinig gaano man 'to kasakit.♪Ang plano sa 'tin ng tadhana♪
♪Ba't ba parang may pag-asa?♪
♪Klarong wala♪
♪Kaso baka♪At kung bakit? Because I don't want to
wake up one day full of regerets. Asking
myself what if kung pinagpaliwanag ko
siya, what if kung inayos namin.Ayokong pagsisihan balang-araw
na basta-basta ko na lang siyang
binitawan.♪Malay mo, tayo sa sulok♪
♪Hindi natin masabi kung♪
♪Ano nga ba ang kahahantungan♪
♪Sugal ng pag-ibig♪
♪Handa kong isuko ang sarili♪
♪Sa daang walang kasiguraduhan♪
♪Kusi malay mo, tayo♪
♪Malay mo, tayo♪Alam kong mali dahil may Calista na
namamagitan sa aming dalawa. Pero
gusto kong maniwala ng sinabi niya
sa aking mahal niya ako. Gusto kong
paniwalain ang sarili ko ng sabihin
ni Adrian na may rason kung bakit to
nagawa ni Noah.Nang marealize ni Noah na mas
lalong naging awkward ang sitwasyon
namin pinatay niya na lang ang radyo.Mahigit isang oras din ang naging
byahe namin bago kami makarating sa
Tagaytay.Tamang-tama tanghalian na rin
kaya kumain muna kami ni Noah
pagkatapos namin kumain saka namin
napagpasyahang maglakad-lakad sa
may picnic grove.Namangha ako ng makita kong may
mga kabayo pala dito at pwedeng
rentahan para makapaglibot."Gusto mo bang sumakay?" tanong
niya sa akin ng hindi maalis ang tingin
ko sa mga naghohorseback riding.
BINABASA MO ANG
Love Maze
RomanceA highschooler did everything he could just to be noticed by his ultimate crush. Would it be enough to make him fall inlove with her? *** All rights reserved, no part of this book may be reproduce, distributed, or transmitted in any form or by any m...