Maaga akong naghanda para pumasok although hindi ako gumagamit ng makeup, 'di ko nakaligtaan na maglagay ng polbo at cheek tint or lip tint para preety naman ako kahit papaano sa harap ng bebeluvs ko.
Inayos ko ang suot kong uniporme at umikot muna sa harap ng salamin bago lumabas ng bahay.
Kinakabahan pa ako ng slight ng marealize ko yung text ko kay Noah kagabi bago matulog.
𝖳𝗈: 𝖡𝖾𝖻𝖾𝗅𝗎𝗏𝗌 𝖭𝗈𝖺𝗁
𝖦𝗈𝗈𝖽 𝗇𝗂𝗀𝗁𝗍, 𝗅𝗎𝗏𝗌. 𝖶𝖺𝗅𝖺 𝗆𝖺𝗇 𝖺𝗄𝗈 𝗌𝖺 𝗉𝖺𝗇𝖺𝗀𝗂𝗇𝗂𝗉 𝗆𝗈 𝗇𝗀𝖺𝗒𝗈𝗇𝗀 𝗀𝖺𝖻𝗂, 𝖻𝗎𝗄𝖺𝗌 𝖺𝗒 𝗆𝖺𝗄𝗂𝗄𝗂𝗍𝖺 𝗆𝗈 𝗇𝖺𝗆𝖺𝗇 𝖺𝗄𝗈 𝗌𝖺'𝗒𝗈𝗇𝗀 𝗍𝖺𝖻𝗂. 𝖫𝗈𝗏𝖾 𝗒𝗈𝗎, 𝗆𝗐𝖺𝗁𝗁𝗁.Napaface palm na lang ako ng marealize ko ang ginawa ko. Shemsss paano kung magets niya yung "makikita mo naman ako sa'yong tabi?"
Wag naman sana, tutal manhid ka naman Noah sagarin mo na. Sana "di mo mahalata na ako yun huhu.
Pagdating ko sa classroom nakita ko siyang nakaupo na sa pwesto niya. Mas lalo pang lumakas ang kabog ng puso ko habang unti-unting naglalakad papunta sa pwesto ko.
Masyado siyang pinagpala, siya lang siguro ang gising nang nagsabog ng kagwapuhan si Lord. Kahit nakaside view ang gwapo-gwapo niya pa rin talaga.
"E-excuse me." I said para mabigyan niya naman ako ng kaunting space para makadaan ako papunta sa upuan ko. Sana rin bigyan niya ako ng kahit kaunting space sa puso niya. Charot.
Napailing na lang ako dahil ang aga-aga ang landi-landi ko na. Kahit kating-kati na akong titigan siya magpapahard to get muna ako. Hindi ako lumingon kay Noah para hindi niya mahalata na patay na patay ako sa kanya.
Mas lalo pa akong kinabahan when I notice him staring at me parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya tinuloy. Itinuon niya na lang ang atensyon niya sa harap dahil pumasok na rin si Ms. Cruz.
Dahil hindi ako makapagfocus panay lang ang sulat ko sa likurang bahagi ng notebook ko. Napatigil ako ng marealize ko na puro pangalan ni Noah ang sinusulat ko. May nakita pa akong Maria love Noah.
Bigla kong binaba ang ballpen ko at sinara ang notebook sa takot na baka makita niya ang ginawa ko. Shemay ka talaga Remi mamaya ka na lumandi.
Nakahinga ako ng maluwag ng tumunog ang bell. Pakiramdam ko ito ang pinakamahabang 2 hours ng buhay ko.
Dali-dali akong lumabas ng classroom at tumakbo papunta sa may field. Hingal na hingal ako ng makarating doon. Umupo lang ako sa damuhan at dinama ang sariwang hangin.
Nilabas ko ang phone ko para ichat si Isabella pero di ko na natuloy ng mapansin kong may nakatayo sa harapan ko. Nalaglag ang hawak kong cellphone ng makita kong si Noah ang nakatayo.
OMG! Shemsss patay na baka alam niya na talaga na ako yung nagtetext sa kanya. Nakakahiya.
"May kailangan ka?" tanong ko sa kanya at ngumiti ng kaunti na para bang natatae.
May inabot siyang notebook at mas lalo akong nawindang ng makita kong sa akin ang notebook na 'yon. Oh my gosh Remi you're so tanga talaga ghorl.
Agad kong kinuha sa kanya 'yon at tinago sa bag. "T-thank you!" Wahhh Lord sana naman 'di niya nakita yung pinagsususulat ko sa likod nito.
Tumango lang siya at nagsimula ng maglakad palayo. Napahawak ako sa puso ko kanina pa 'to, ang lakas-lakas ng kabog. Feeling ko anytime magkakaheart attack na ako nito, 'chos haha.

BINABASA MO ANG
Love Maze
RomanceA highschooler did everything he could just to be noticed by his ultimate crush. Would it be enough to make him fall inlove with her? *** All rights reserved, no part of this book may be reproduce, distributed, or transmitted in any form or by any m...