OMG! Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at nagsisisigaw. Wala na 'ata akong mukhang maihaharap sa kanya bukas.
*Morning*
Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi ko alam kung papasok ba ako ngayon o hindi.
Arghhh paano na? Paano kung alam na ni Noah na ako ang nagtetext at nagpapadala ng mga sulat sa kanya?
A part of me really want him to know it pero hindi muna ngayon hindi pa ako ready wahhh!
Hindi ko na tuloy alam kung matutuwa pa ba ako na seatmate ko siya o hindi. Yan kasi Remi ang landi-landi mo tingnan mo tuloy ngayon.
Halos sabunutan ko ang sarili ko sa kagagahan ko at bumangon na para magsimulang mag-ayos.
Matapos kong maligo I do my usual remedies. Polbo lang at cheek at lip tint. Kung may mangyayari mang aminan mamaya dapat maganda pa rin ako sa harap niya.
Pagdating ko sa room as usual nandoon na siya. Palaging early bird si bebeluvs ko ha.
Kinakabahan ako habang papalapit ng papalapit sa inuupuan namin. Para naman akong nabunutan ng tinik dahil wala namang siyang tinanong sa akin.
So it means hindi ako ang pinaghihinalaan niya? Wew buti naman kung ganon.
Natapos ang klase pero hindi talaga ako binalingan ng tingin o kinausap man lang ni Kayden so therefore I conclude na hindi niya nga ako pinaghihinalaan.Yey!
Masayang-masaya akong lumabas ng classroom. Binati ko lahat ng taong nakakasalubong ko. They find it wierd pero dahh as if I care hahah.
Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang humawak sa pulso ko at hinila ako. Manlalaban pa sana ako kaso tinakpan niya ang bibig ko ng kamay niya.
Nagpupumiglas ako habang hila-hila ako ng lalaki. Oo sigurado akong lalaki to dahil kahit nakatalikod ako sa kanya sa gamit niya pa lang na pabango at sa built ng katawan niya, hindi ako maaring magkamali na isa siyang lalaki.
We stop sa madilim na parte ng school. It is where the old buildings located, walang tao dito dahil kasalukuyan itong nirerenovate.
Nagtutuluan na ang pawis sa pisngi ko. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Lord kukunin mo na ba ako? Wahhh wag muna di pa nga nagiging akin si Noah 'eh huhuh.
Madilim kaya hindi ko makita ang mukha ng lalaki. Binitawan niya ako kaya unti-unti akong umatras pero palapit naman siya ng palapit sa akin.
Dapat sa mga oras na 'to tumakbo na ako o kaya nagsisigaw para makakuha ako ng tulong pero hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at di ko magawa ang mga 'yon.
Napapikit ako ng marealize ko na wala na akong aatrasan pa dahil tumama na ang likod ko sa may pader. Shemay ka Remi, you're dead. Patay ka talagang bata ka huhuh.
Mas lalo pang lumapit sa akin ang lalaki napapikit na lang ako sa takot. Nanginginig na rin ang dalawa kong kamay. Mas lalo pa akong nagulantang ng sinandal ng lalaki ang kanan niyang kamay sa pader para mas lalo akong macorner.
Kinuha niya sa bulsa ng suot niyang pants ang cellphone niya. Oh my gosh! Anong gagawin niya. Gagahasain niya ba ako tapos vivideohan niya ang kahayupang ginawa niya sa akin. Pagkatapos ipagkakalat niya sa mga kaibigan niya hanggang sa kumalat sa buong campus pati na rin sa iba pang school.
Wahhh Mama help. Malandi ako pero kay Noah lang naman 'eh huhuh.
Naiiyak na talaga pero yong lalaking nasa harap ko busy pa rin sa pagkalikot ng phone niya. Madilim at halos hindi ko magawang tumitig sa mukha niya dahil sa takot.
BINABASA MO ANG
Love Maze
RomanceA highschooler did everything he could just to be noticed by his ultimate crush. Would it be enough to make him fall inlove with her? *** All rights reserved, no part of this book may be reproduce, distributed, or transmitted in any form or by any m...