Nasa field kami ngayon ni Isabella. Dito
rin kami madalas tumambay bukod sa
Bontanical Garden dahil bukod sa hindi
mainit presko rin ang hangin dito dahil
sa dami ng puno."Akala ko ba wala kang pakialam
sa bagong transferee bakit kayo
magkakilala ha?!" nakataas ang isa
kong kilay habang nagtatanong sa
kanya. Kailangan kong imbistigahan
ang babaeng to."Ito na nga oh magku-kwento na ako"
sagot niya sa akin. "Naalala mo nung
sabado na pinagbintangan ako ni Tita
na kinuha ko daw yung pera niya?"
tumango ako sa kanya bilang sagot.
Kinuwento niya sa akin kung paano
sila unang nagkita at anong nangyari
kinagabihan, sinabi niya rin sa akin na
hinatid siya ni Adrian pauwi, maging
yung hindi nila inaasahang pagkikita
kahapon sa rooftop.Wow sana all talaga. Lumalablayp na
talaga tong kaibigan ko samantalang
ako nabudol pa tsskk."Napaka mong babae ka, ang dami nyo palang ganap hindi ka man lang nagkukwento sa akin." inirapan ko siya.
"Ito naman sorry na. Hindi ko naman
kasi inaasahan na dito pala siya
mag-aaral." paliwanag niya pa sa akin.Eh di sana kung hindi manloloko si Noah
pareho na tayong hindi loveless sa mga
oras na to. Pshhh."Ayiiehh crush mo no? Namumula
ka kanina nung tinawag ka nya." pang-aasar ko sa kanya at sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya."H-Ha?! Crush ka diyan, hindi ko
siya crush." pagde-deny niya sa akin.
Magsisinungaling ka na lang sa akin pa.
Akala mo naman di ko kabisado yang
mga galawan mo Isabella.Weeeeee!? bat namumula ka na
naman? Congrats siszt tao ka na, akala
ko talaga hindi ka na magkakagusto sa
tao dahil puro ka aral." im so proud of
you Belay hahaha.Lumalandi ka na rin. Siguraduhin mo
lang na hindi yan siraulo. Lalo na
at manloloko pa naman ang kaibigan non.
Mahirap na tsskkk."Tsee manahimik ka dyan babae hindi
ko nga siya crush, ok?!"Deny pa Isabella pulangpula na ang
pisngi mo."So ano nga palang nangyari sa inyo
ni Noah kanina?" Pag-iiba niya ng
usapan."Baliw, anong nangyari ka dyan,
matapos mo kaming iwan pumasok na
rin kami sa room at pumunta na yung
Adrian sa building nila." sagot ko sa
kanya.Gusto rin kita bitayin dahil iniwan mo
ako sa manlolokong yon."Oyyy si Adrian yun ah!" turo ko kahit
ang totoo wala naman doon si Adrian.Sinamaan niya ako ng tingin ng
marealize niyang niloloko ko lang siya."Ayiieehh hindi niya daw crush ha hahaha." pang-aasar ko sa kanya habang tumatawa.
Matapos namin mag-usap bumalik na rin ako sa room dahil may klase pa ako.
Hindi ko inaasahan ang makikita ko
pagkarating sa room. si Noah at Calista.Abala ang dalawa may pinapanood
sila sa celphone ni Calista habang may
tag-isang earphone na nakalagay sa
tenga nila. Nakasandal pa ang magaling na higad sa balikat ni Noah.Pshhh harap-harapan talaga ha.
Ang galing-galing! Noon sa akin mo
yan ginagawa habang sabay tayong
nanonood ng mga videos ng BTS tapos
ngayon sa babaeng yan na.Ang pinagkaiba lang namin sa kanya
kaya nyang gawin sa harap ng lahat
samantalang ako kailangan pang
patago.Tinitigan ko sila bago ako tuloy-tuloy na
pumunta sa harapan. Paglingon ko ulit
sa may likod kung saan sila nakaupo
nakatingin si Noah sa akin pero siya
rin ang unang nagbawi ng tingin.
BINABASA MO ANG
Love Maze
RomansaA highschooler did everything he could just to be noticed by his ultimate crush. Would it be enough to make him fall inlove with her? *** All rights reserved, no part of this book may be reproduce, distributed, or transmitted in any form or by any m...