/5/ Date With Noah

48 19 2
                                        

Sabi ko naman eh may tinatagong kaharutan ang lalaking ito. Bumigay rin sa alindog mo Remi. Ang galing mo talaga.

Bago kami pumasok sa loob ng mall hinawakan niya muna ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko talaga ang pamumula ng pisngi ko. Ang lakas lakas din ng tibok ng puso ko.

Holding hands while walking lang naman kami ng bebeluvs ko.

Kanina niya pa ako tinatanong na kung ano-ano hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil masyado akong distracted dahil sa HHWW naming dalawa. Puro tango lang ako sa kanya kahit ang totoo ay wala talaga akong maintindihan.

Enebe be nemen Noah. 'Di naman ako nainform na ganito ka pala kabilis humarot.

Dinala niya ako sa isang mamahalin restaurant. Hindi ko na natingnan kong ano ang pangalan ng resto na ito dahil busy akong pagmasdan ang maamo niyang mukha.

"Table for two please." he said pagpasok namin sa restaurant.

"Do you have reservation sir?" tanong ng waitress.

"Yes, Noah Salazar."

"This way Sir." sagot sa kanya ng waiter at naunan na itong maglakad papunta sa table na pinareserve ni Noah.

Di ka naman masyadong prepared luvs no? I secretly smile. Iba bumawi ang bebeluvs ko.

Dinala kami ng waiter sa pinakadulong parte ng restaurant. Iba ang ambience dito compare sa labas. Mahahalatang pang VIP ang ganitong set-up.

Hinila ni Noah ang upuan at inalalayan muna akong makaupo bago siya umupo sa tapat ko.

Ibinigay na sa amin ng waiter ang menu. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang presyo ng mga pagkain. Isang linggong allowance ko na 'to eh!

Tiningnan ko lang si Noah na seryosong nakatingin sa menu. He look ate me when he notice that im staring at him.

"May napili ka na ba?" he asked and smile at me.

Napailing ako dahil sa totoo hindi ko talaga alam kung ano ioorder ko. "Kung anong sayo iyon na lang din ang sa'kin." sagot ko.

Tumango lang siya at ngumiti ulit sa akin. May mga ituro siyang pagkain sa waiter na hindi ko rin alam ang mga pangalan. Masyadong sosyal. Inulit pa ng waiter ang order namin bago siya umalis para ihanda ang pagkain.

"Bakit mo pala ako dinala rito?" tanong ko sa kanya.

Tumikim muna siya bago nagsalita. "Gusto ko sanang humingi ng sorry sa mga sinabi ko sayo kagabi."

"Ah yun ba. Wala yon di ko rin naman maintindihan actually." I said.

Hindi ko talaga gets ang mga drunken messages niya. I will ask Bella pa about that baka maintindihan niya. Nakakahiya naman kung kay Noah ko mismo itanong.

Para naman siyang mabunutan ng tinik ng sinabi kong hindi ko naman naiintindihan yong mga text niya. Mas lalo tuloy akong na curious baka may ibig sabihin ang mga 'yon.

Kung minsan kasi mas nalalabas ng isang tao ang tunay niyang nararamdaman  kapag nalalasing siya. Kahit kating-kati ang dila kong tanungin siya hindi ko na lang ginawa.

"Yong tungkol lang ba kagabi ang gustong kong ihingi ng sorry?" tanong ko sa kanya ng wala na kaming mapag-usap.

Baka lang naman kasi nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sa akin noong nakaraang linggo luvs.

'Di porket lumabas tayo ngayon ok na talaga tayo. 'Di pwede yon luvs, hindi pa naman ako ganon karupok sayo hahaha slight lang.

Bumuntong hininga siya bagi ulit nagsalita. "Gusto ko rin magsorry sa nangyari last time."

Love MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon