Ilang oras din ang lumipas nang iwan niya ako sa kwarto at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Hindi ko alam kung babalikan niya pa ako para tapusin ang gagawin niya kanina pero sana wag na. Sana kapag bumalik siya ay hindi na mainit ang kanyang ulo.
Bumangon ako sa aking kama at nakita ko ang kalat sa aking kwarto, puro basag at sobrang gulo. I sigh, parang bumagyo dito sa loob ng kwarto ko. Bumaba ako ng kama ngunit hindi ko makita ang aking tsinelas kaya naman iniwasan ko na lang ang mga bubog. Gusto kong lumabas dahil hindi pa ako kumakain ng hapunan, ngayon ko pa lang nararamdaman ang gutom ko. Siguro naman ay wala siya dito sa mansion dahil sa emergency kanina. Alam kong napaka busy niyang tao.
Dahan-dahan akong lumabas ngunit may maliit na bubog akong natapakan. Napaiyak ako sa sakit at kita ko ang dugo na umaagos sa aking talampakan, gayunpaman ay ininda ko ang sakit at paika-ika akong lumabas.
Magpapatulong na lang ako kay nanay Rosa na gamutin ang sugat ko. Siya lang ang tanging taong nakakaintindi sa akin dito, pero katulad ng iba ay takot din siya sa amo niya kaya naman wala siyang magawa sa tuwing nagagalit ang demonyong yun.
Paika-ika akong bumaba ng hagdanan at dederetso na sana ako sa kusina nang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa sala, sigaw at iyak. I decided to sneak near the living room, ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang taong duguan, bulbog sarado at ang carpet sa sala ay kulay pula na dahil sa dami ng dugo.
Tinuon ko ang aking atensyon sa lalaking nakaupo sa armchair, nakatalikod siya pero alam kong siya yun, nakatayo sa kanyang kanan si Martin na tila ba kinakabahan sa nangyayari. Alam kong mas takot siya sa boss niya kahit na pinagkakatiwalaan siya nito. Sino ba naman ang hindi matatakot sa demonyo na yan. Makailang beses na ding nagmakaawa sa akin si Martin na huwag galitin ang kanyang boss dahil tila ba magugunaw ang mundo sa tuwing nandidilim ang paningin nito sa akin.
Mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba pero kahit na puno ng takot ay pinanuod ko pa rin ang nangyayari at tila ba hindi nila nararamdaman ang presensya ko.
“Parang awa mo na Mr. King, wala talaga akong kinalaman sa pag-sabotage na binibintang ninyo sa akin. Tapat akong nagtratrabaho sa inyo!” nanghihina at nagmamakaawang pagkasabi ng lalaking duguan sa sala, dumudugo na ang kanyang ulo habang nakaluhod siya sa harapan ng demonyo.
“Sa akin ba talaga o, sa mga kaagaw ko sa negosyo? Sabihin mo, sino ang nag-utos sayo na traydurin ako!” I flinch when the demon shouts loudly, it is more like roar of a lion, kaya naman nakalikha ako ng mahina na tunog at naagaw agad nun ang atensyon nila.
Napaatras ako nang mapalingon sila sa akin, dumoble ang takot sa dibdib ko nang makita ko na naman ang mga mata niya na nanlilisik sa akin, ganun pa rin sa kanina, galit na galit. Napatingin ako kay Martin ngunit napailing ito sa akin.
My attention shifts to the demon at tumayo siya, dali-daling pumunta sa akin na para bang lalapain ako ng buhay. Kahit anong atras ko ay mabilis siyang nakalapit, mahigpit na kinapitan ang aking mga braso, I whimper because of pain and my tears starts to fall again.
“What are you doing down here!? Tatakas ka na naman ba!?” I hurriedly shakes my head, sabay inilapat ang aking mga palad sa kanyang matigas na dibdib upang itulak siya.
“H-hindi ako tatakas,” sagot ko at kasabay nito ang pagtulo ng aking luha dahil sa takot.
“Sinungalin!” his shouts roared again. Napapikit ako sa lakas ng boses niya, mas galit pa siya sa akin kaysa sa empleyado niya sa sala.
I know it is my mistake to escape all the time, dahil palagi naman niya akong nahahanap kahit saan ako magpunta, at ngayon, kahit anong gawin ko, akala niya tatakas na naman ako, alam kong hindi na siya maniniwala sa kahit anong sabihin ko.
BINABASA MO ANG
His Precious Property (Under Editing)
RomanceHow to dance with the Devil? Zabrina was bullied by her sister enough for her to runaway from home; she's desperate to escape the hell she was living in, but the night she left, an unknown man found and rescued her. She thought she would finally hav...