CHAPTER 3: To Be a Good Girl

3.7K 57 4
                                    

I slightly opened my eyes because of the sun rays piercing through my open window. Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa nangyari kagabi. I seated on my bed at tiningnan ang aking paa na may benda. I sigh in relief. Mabuti na lang at hindi na niya ako binalikan dito nang matapos akong kumain.

Lumingon-lingon ako at nakita kong malinis na pala ang aking kwarto, bago na din ang mga gamit at muling umaliwalas ang paligid. Tulog mantika siguro ako kaya hindi ko namalayan ang pag-aayos nila ng kwarto ko.

As I scan my room, I can’t help but to feel hopeless again. I’m guessing I’m slowly falling to my last resort in which, I don’t want to do, it leave me no choice.

If I wanted to escape again, at this rate, he will surely kill me for real. In order to escape without him realizing it, I need to change myself for him. An act of full submission. I need him to lower his guard, and I will make sure, he wont realize that I’m slipping away.

Okay…That’s the plan.

Tumayo ako upang maglinis ng katawan at para na rin makakain ng breakfast. Hindi ko alam kung paano lilinisin ang aking sugat kaya tinanggal ko nalang ang benda kahit na medyo masakit pa rin. I just comb my raven hair at hindi na nagpulbo kasi maputi naman ako, pero tinakpan ko ang aking pasa sa leeg. I made sure na magmumukha akong tao, kasi naman, kung normal days lang ito katulad noon, bababa ako ng sala nang hindi man lang nagsusuklay or nagpapalit ng damit pero ngayon, I should at least try harder on executing my plan.

After I'm done, paika-ika akong bumaba papuntang dining room at nakita ko siya na kumakain na. I hesitated, pero para sa plano, I need to show him that he can trust me this time.

I slowly walk towards the dining room pero natigilan ako nang makita ko ang pinsan niyang si Roxie na kumakain din. Minsan ko lang siya makita dito sa mansion at hindi ko alam kung anong sadya niya sa tuwing nandito siya. Maganda siyang babae at fashionista pa, lahat na siguro ng lalaki ay nagkakandarapa na sa kanya. Ano na naman kaya ang ginagawa niya dito?

Natigilan sila sa pagkain nang makalapit ako, they look surprised, samantalang si nanay Rosa ay tila ba nakakita ng multo.

Oo nga pala, dahil sa matigas ang ulo ko ay hindi ako sumasabay ng pagkain sa kanya. Kaya siguro sila nagtataka kung bakit ang aga ko dito.

“Is that, Zabby?” nakatulala lang si Roxie sa akin, tiningnan niya ang aking hitsura mula ulo hanggang paa. At last, she smiled widely, sabay tumayo upang hilahin ang bangko sa tabi ng demonyo. Tsked. Dun pa talaga ako pinaupo eh pwede namang sa tabi niya.

Matagal din kaming hindi nagkita kaya siguro nanibago siya sa hitsura ko, hindi kasi ako nag-aayos at sinasadya ko talagang magpapangit para ayawan ako ng pinsan niya pero wah-epek sa demonyo. Kahit siguro magmukha akong pulubi ay hindi ako itatapon ng demonyo niyang pinsan.

Matagal na din akong nandito at sa tuwing nakakausap ko si Roxie ay palagi niya akong sinasabihan na sundin na lang ang gusto ng pinsan niya. Kaya nga ayaw ko sa kanya kasi mas kinakampihan pa niya ang demonyo kaysa sa akin. Minsan ngang nakita niya akong may pasa pero imbes na magalit siya sa pinsan ay ako pa ang napagalitan. Ang tigas daw kasi ng ulo ko.

“Here Zabby, mabuti naman at napaaga ka ng gising, join us,” she tap the chair kaya naman umupo na din ako sabay balik niya sa kanyang upuan which is opposite to us.

Nilagyan ako ni nanay Rosa ng pinggan at pagkain. I eat with them silently. Bakit kaya ang tahimik ng demonyo kong katabi? Ni hindi man lang tumitingin sa akin. This is making me nervous.

“Sooo, Zabby, how are you?” masayang tanong ni Roxie. Hindi ko maalala kung kailan siya nagsimula na tawagin akong Zabby eh hindi naman kami close.

His Precious Property (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon