CHAPTER 6: To Fit in College

3K 41 20
                                    

Two days had passed at nasa harapan na niya ako ngayon, all dressed up pero masyado akong kinakabahan dahil nakasimangot siya sa akin, nanlilisik ang kanyang mga mata na para bang gusto niya akong kainin. Napalunok tuloy ako ng sunod sunod.

N-nagbago na ba ang isip niya? A-ayaw na ba niya akong payagan? Baka umalis na ang anghel na sumapi sa kanya.

Excited pa naman akong pumasok, nagpaganda pa talaga ako dahil first day of school, tapos ngayon parang mauudlot lang?

“Do you want to know what's running inside my mind now?” malamig niyang tanong kaya tumaas ang mga balahibo.

Sh*t bakit siya nagkakaganito? Maayos naman ako this past two days bakit biglang sumama ang mood niya ngayong umaga? And worst, first day of my class pa.

“W-what?” mahina kong tanong sabay tingin sa sahig. Ayoko kasing tingnan ang nakakatakot niyang mga mata.

“I want to f*ck you.” I hurriedly lift up my head with my eyes wide open dahil sa sinabi niya. Ang bastos talaga ng demonyong ito!

Yun ba ang gusto niyang kabayaran sa pag-pasok ko? No way! Wag na lang! Hindi na lang ako mag-aaral! Kung kailan naman nagkakaayos na kami ay saka siya maninira ng mood. Gusto ko na siyang sakalin at sabunutan! Nakakainis siya!

I angrily remove my bag at hinayaan itong mahulog sa sahig, hindi naman kasi branded kaya okay lang magasgasan.

“Go f*ck yourself!” sigaw ko dahil sa galit at babalik na sana ako sa aking kwarto para umiyak pero mabilis niyang kinapitan ang aking kamay.

“Don't touch me!” sigaw ko pero bigla niya akong pinaupo sa couch.

“Don't go--with a face like this,” saad niya pero hindi ko siya maintindihan. Ano ba talagang gusto niyang sabihin? Naguguluhan ako!

“Akala ko ba pinapayagan mo na ako bakit ngayon bigla-bigla ka na lang nambabastos?” I ask with my voice almost--trembling.

“That's my point. If you're looking all beautiful like this, mababastos ka talaga. I thought you hate attention? Bakit nagpaganda ka pa? Papasok ka lang naman, hindi ka aa-attend ng party.”

Natahimik ako sa sinabi niya at napatingin sa aking suot. Naka-dress ako ng pink with my one inch black heels, tapos nakababa ang raven hair ko at naglagay lang naman ako ng konting make-up. Mukha ba talaga akong a-attend ng party?

“Do you want those guys drooling over you?” malamig niyang tanong kaya mabilis akong umiling.

“If you don't want me to get jealous, then change your appearance.” I was in awe when I finally realize his point. As usual, he’s being possessive again. Ayaw nga pala niyang may ibang lalaking tumitingin sa akin.

Umupo ulit siya sa small couch at ako naman ay dali-daling tumayo para magpalit.

“W-wow.”

Pareho kaming napatingin sa nagsalita at nakita namin si Martin na nakangiti ng pagkalaki-laki nang makita ako. Agad akong umiling para bigyan siya ng signal na wag akong bigyan ng compliment pero patuloy lang siya sa pagsalita.

“Miss Zabrina, handa na po ang sasakyan mo papuntang school,” saad niya habang nakatingin pa rin sa akin at halatang gustong-gusto niya ang ayos ko ngayon.

“Martin,” I gulp sa lamig ng boses ni Chase at napatigil din si Martin na mukhang naramdaman na din ang black aura coming from his angry boss.

“Y-yes boss?” He ask in shaking tone. Kitang-kita ko sa mukha niya ang takot at kaba.

“If you don't want me to poke out your eyeballs then you'll be gone here in a split of seconds.”

“Y-yes b-boss.” Mabilis siyang tumakbo palabas kung saan malayong malayo sa amin. Halos maihi na ata siya sa pantalon sa sobrang takot.

His Precious Property (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon