Hours passed by quickly and it's already afternoon. And as expected binigay na naman sa akin ni Natasha ang mga assignments niya.
Pauwi na ako sa dorm nang biglang may tumawag sa aking pangalan kaya napatigil ako sa paglalakad. I look at my back at nakita ko yung lalaki na tinamaan ko ng bola kanina.
‘Hmm? Anong ginagawa niya dito?’ Nakangiti siyang lumapit sa akin at medyo hinihingal pa.
“Hey. Zabrina right?”
Creasing my forehead, I ask, “Yes, how do you know my name?” Hindi naman ako nagpakilala sa kanya kanina ah?
He plastered a smirk, “Halos lahat ata dito ay alam na ang pangalan mo,” paliwanag niya pagkatapos ay inilahad niya ang kanyang kamay sa akin, “I'm Niko by the way, sorry sa inasal ko kanina, n-nabigla lang talaga ako.”
Tiningnan ko ang kamay niya and I decided na tanggapin na lang ang pakikipaghandshake kasi may kasalanan din naman ako sa kanya.
“It's okay. I'm used to it,” saad ko then I continue walking pero sumunod siya kaya naman napatigil ulit ako. “May kailangan ka pa ba sa akin?” napakamot siya sa kanyang ulo na para bang nahihiya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante na dumadaan.
“Diba yun si Niko? Yung freshman na natanggap agad sa soccer team?” Dinig kong sabi ng isang babaeng dumaan. ‘Sikat pala ang duwag na 'to?’ Hindi ako makapaniwala.
“Ahm, pwede ba akong makipagkaibigan,” tanong niya kaya biglang napakunot ang noo ko.
‘Makipagkaibigan? Sa akin? Sa hitsura kong ito?’ Medyo napailing ako. I don't think that's his real purpose for approaching me right now. Ano kayang binabalak ng isang 'to.
Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad pero nakasunod pa rin siya.
“Ayaw mo ba makipagkaibigan sa akin? Dahil ba natakot ako sayo kanina?” concern is visible in his tone but I feel so uneasy about this. Bakit naman gusto niyang makipagkaibigan sa isang tulad ko?
“I already have enough friends,” mabilis kong sagot.
“Talaga?” Tila ba na-surprise siya sa sinabi ko kaya naman tumigil ulit ako sa paglalakad upang tingnan siya ng masama. ‘Bakit? Hindi ba kapanipaniwala na may kaibigan ako?’
“Ayaw mo maniwala?”
“Ah eh, s-syempre naniniwala ako, ‘kaw naman masyadong seryoso,” tinapik pa niya ang aking balikat.
“Hmm, masyado nga akong seryoso so please don't follow me.”
“Okay then if you don't want me as a friend maybe you'll allow me to be your suitor?”
Pfft. Sabi ko na nga ba may kakaiba sa isang 'to. Ano kayang binabalak niya? Manliligaw? Sa hitsura kong ito? Something’s really fishy about this.
Hindi niya gagawin 'to kung wala siyang kailangan sa akin, o kaya naman may balak na masama. Sa hitsura kong ito ay wala man lang gustong makipagkaibigan sa akin eh siya pa kaya na famous din pala. Tapos liligawan pa ako? Neknek niya. Hindi ako mahuhulog sa patibong na ito.
“Sorry but I already have a boyfriend,” I said at bigla siyang napatawa ng malakas.
“May boyfriend ka?!” Nilakasan talaga niya ang pagkasabi, enough for other students to hear it.
‘Nakakabwesit na ang lalaking ‘to ah?’ Dagdag chismis na naman ito sa akin kapag nalaman ng iba. Sino bang maniniwala na may boyfriend ako?
“Oo. So please leave me alone already.” Naglakad na ulit ako pero ayaw niya talaga maniwala.
“Baka naman sinasabi mo lang yan dahil ayaw mong magpaligaw sa akin?” At ang tanga ko naman kapag naniwala akong liligawan mo talaga ako.
BINABASA MO ANG
His Precious Property (Under Editing)
RomanceHow to dance with the Devil? Zabrina was bullied by her sister enough for her to runaway from home; she's desperate to escape the hell she was living in, but the night she left, an unknown man found and rescued her. She thought she would finally hav...